Pinatungan nya lang ang bathing suit ng isang simpleng beach dress haggang kalahati ng hita nya na tinernuhan nya ng isang simpleng flat sandals. Tapos isang pouch na pera lang at cellphone ang laman. Paglabas nya nag-aantay sa pinto si Marcus. First name basis na sila, sabi nito ay masyado naman daw pormal kung Mr. Alejandro. Pssh. Napansin nyang nakaboard short pa din ito pinatungan lang ng white shirt at nakatsinelas. May nakasabit na Nikon camera sa dibdib nito. Ang gwapo talaga. Para silang si Ding-dong Dantes at Marrian Rivera. Excited sya.
"Shall we?" nakangiting sabi nito.
Ngumiti sya saka tumango dito. Nagulat ito ng nilagay nya ang braso nya sa braso nito. Bakit? Ganun sila sa Paris. Walang malisya 'yon. Tapos nakita nyang ngumiti ito. Ngumiti nalang din sya.
Napadaan sila sa isang amusement park sa loob din ng resort. Gandang-ganda na naman sya.
"Nag-eenjoy ka ba?"
"Oo, ang ganda dito." sabi nya saka nilibot ng tingin ang paligid. Panay picture din ito sa kanya. "Gusto ko nun." turo nya sa ice cream stand na nakita nya.
Ngumiti ito. "Sige, bibilhan kita." tumango sya.
Maya-maya ay may dala na ito. Tag-isa sila. Hihi ang cute nya! Ang laki nyang tao tapos naka-ice cream. Kinuha nya ang phone nya saka nya ito pinicturan.
"Hey, what are you doing?"
Ngumiti sya. "Taking picture. Tignan mo ang cute mo." hagikhik nya rito tapos pinakita nya yung nakuha nya. Nakita nyang natigilan na naman ito. "Why?"
Ngumiti ito. "Ah, wala.." iling nito.
"Picture tayo." tapos tinapat nya ang camera sa mukha nilang dalawa. Nag-smile ito tapos sya ngumuso sya. Ang ganda ng kuha! Si paminta at si asin! Hihi.
Tapos nun namasyal pa sila. Kung sa'n-sa'n sila napadpad. Lahat yun kinukunan nila ng picture. Mayroong siya lang at mayron ding magkasama silang dalawa. Magkahawak kamay na sila. Hay, basta.. Ang sarap sa pakiramdam, parang matagal na nya itong kilala. Ang bilis ng heartbeat nya. Parang tumatalon. Nakangiting sinulyapan nya ito. Nakangiti rin ito.
Tumigil sya ng mapatapat sa isang souvenir shop. May nakita syang favorite stuff toy. Tumingin ito sa tinitignan nya. Naramdaman nyang humigpit ang hawak nito.
"Anong tinitignan mo?" tanong nito.
"Yung Monkey bear. Okay lang ba na bilhin natin? Marami akong collection 'nun sa bahay. Favorite stuff toy ko 'yun e." sabi nya. Nakita nya munang huminga ito ng malalim bago tumango. Napangiti sya tapos deretso pasok sya sa shop. Ang cute talaga! Gray ang kulay tapos may halong black. Wala pa sya ng ganitong kulay. "Bilhin mo para sa'ken." ungot nito kay Marcus. Ayan na naman ang kunot noo nito saka pumunta ng counter at nagbayad. 'Di bale ngayon lang naman nya ito aabalahin. Binalot na ng tindera tapos binigay sa kanya. "Thank you."
Habang naglalakad sila ay tahimik ang katabi nya. Tinitignan nya ito, ang lalim ng iniisip. "Nagugutom na'ko, kain muna tayo. Alas dos na pala ng hapon hindi na nila napansin ang oras. Pumasok sila sa isang resto bar malapit lang.
"Bakit ang tahimik mo? Nabo-bored ka na ba? Pwede mo naman akong iwan okay lang ako." sabi nya pagkatapos nila mag-order.
"Huh? Ah hindi, wala may naisip lang ako." sagot nito. Nakangiti, pero hindi nya ramdam.
Dumating ang waiter at nilagay ang order nila. "Sino si Alli?" Napansin nyang nagulat ito sa tanong nya. Ewan nya, naisipan nya lang bigla. Umilap ang mata nito. "Curious lang ako kasi halos lahat kayo nakikita nyo sa'ken si Alli." Somehow, it felt familiar kapag binibigkas nya ang pangalan na 'yon. Ewan nya feeling nya gamay nya ang pangalan na iyon. "Okay lang kahit hindi mo sagutin." ngumiti sya rito. Tumango ito. May pamilyar na sakit. Napailing sya saka bumuntong-hininga.
Pagkatapos nun ay parang may lamat na ang pamamasyal nila, although pinakikitunguhan sya nito na parang katulad kanina na masaya sila, hindi naman nya maramdaman. Papadilim na noon ay naisipan nila ang maglakad sa tabing dagat. Magkahawak-kamay sila. Natural na natural ang pakiramdam nya. Walang pag-aalinlangan.
Narinig nyang bumuntong hininga ito saka humarap sa kanya. "Kamukhang-kamukha mo talaga sya, Lara." sabi nito pero nakatingin sa dagat. Tinitigan nya ito. Nasasaktan syang makitang nasasaktan ito. Lumunok ito bago nagpatuloy. "Pareho kayong allergy sa peanut. Gustong-gusto nya ang monkey bear dahil 'yon ang unang stuff toy na binigay ko sa kanya." Kumunot ang noo nya. Wait, mukhang first love nito ang pinag-uusapan nila. "At pareho kayong takot sa laot, sa tubig.." napasinghap sya sa huling sinabi nito. Bumitaw sya sa kamay nito. Hindi, ayaw na nya marinig ang sasabihin pa nito.
"Mauna na'ko. Salamat sa time." tapos tumalikod sya.
"Lara.." napapiksi sya ng hawakan sya nito sa braso.
"Right! I am Lara, Marcus. I am not Alli!" hiyaw nya. "Tell me, si Alli ba ang iniisip mong kasama mo kanina?" hindi ito sumagot. Silence means yes? Hindi nya alam pero naiiyak talaga sya. "Wow!" manghang sabi nya. "Hindi naman ako nandito para maging kapalit ni Alli, Marcus.."
Umiling ito saka lumunok. "Hindi naman ganun ang iniisip ko, Lara. It's just..." nag-iisip ito.
Napailing din sya. "Stop it. Hindi mo naman kailangan mag-explain." tapos ay lakd-takbo syang umalis doon. Hindi na nya napigilang umiyak. Bakit nasasaktan sya?
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
Storie d'amorePara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...