Pag-uwi ni Marcus sa bahay ay si Mika at ang Mommy nya na lang ang nakita nya sa living room. Mukhang inaantay talaga sya. Umupo sya sa isang single sofa. Pakiramdam nya hapong-hapo sya pero magaan ang pakiramdam nya.
Bumuklat-buklat ng magazine ang kapatid nya. Halatang wala doon ang atensyon. Ang Mommy nya ay busy sa cellphone. Halos nakalayo na sa mga mata nito ang phone at hindi na masyadong maaninaw dahil sa kalabuan ng mata at nakasalamin na rin ito.
"Ma, alam mo ba kung bakit pinigilan ni Kuya si Lara kanina na kunin yung especialty mo?" tumingin si Mommy dito gayo'n din sya na kinunotan pa ng noo.
"Ano na naman arte yan, Mika." supalpal ng Mommy nya. Napangisi sya rito. ang sama ng tingin nito sa kanya.
"Dahil lang naman sa hindi nagkukwento si Kuya na may allergy din si Lara sa peanut." lumabi ito sa kanya bago dineretso ang tingin sa magazine na nasa lap nito.
"What do you mean?" Naagaw na tuloy nito ang pansin ng Mommy nya. Kunot-noong nakatingin kay Mika. Napailing na lang sya.
"Basta, Ma. Lutuin mo ulit 'yon bukas. Pupunta dito ang mga friends namin ni Alli." sabi nito sa Mommy nila. "And I'm gonna show you a very good show." sabi na nga nya may binabalak na naman ito.
"Eh bakit naman naisipan pumunta ng mga kaibogan mo dito? 'Di ba nakaduty mga 'yon?" sinimangutan ito ni Mika.
"Basta, Ma. Gawin mo na lang kasi ang gusto ko." utas nito. Alam na nya ang patutunguhan ng usapan.
"Aba, palit tayo ikaw nalang tatawagin kong Mama. Ako na lang ang anak. Kung makautos to, salbahe." saka binato rito ang throw pillow na inilagan ng kapatid nya.
Lumapit ito sa Mommy nila. "Mommy, please sige na. May plano lang talaga kami." ilang beses pa ito nagmakaawa bago napahinuhod nito ang kanyang Mommy. Parang alam na nya ang planong iniisip nito dahil bukas darating na si Alli sa bahay.
Napiling na lang sya bago naisipan nitong umakyat sa kwarto. Excited na sya para sa kanilang dalawa ni Lara bukas. Nang gabing iyon ay maaliwalas at nakangii syang natulog.
*****************************************************
Isang simpleng maong jumper skirt na haggang kalahati ng hita nya ang soot nya na tinernuhan nya ng white shirt sa loob at flat sandals. Nagpusod din sya ng buhok at nagsuot ng shades. Nakaflat sandals lang din sya. Alam na ng Mama nya at pinayagan naman sya. Umulok sya rito bago man lang umano na umalis sila papuntang Paris.
Nakasandal sa kotse si Marcus at hinihintay sya. Nakangiti ito sa kanya. Ang gwapo nito sa suot na maong short na ang haba ay haggang makalagpas ng tuhod na tinernuhan nman ng gray shirt V-neck at rubber shoes, nakasumbrero rin ito na pula naman ang kulay. May hawak pa itong isa mukhang para sa kanya. Tinanggal nito ang suot na shades ng makalapit sya. Napapitlag pa sya ng bahagya, ng halikan sya nito ng mariin sa labi bago isinuot sa kanya ang sumbrerong hawak nito.
Ngumiti ito sa kanya. "Para safe tayo." sabi nito na nakahawak sa baba nya. Tumango sya rito at ngumiti bago pumasok sa loob ng kotse.
Wala na syang pakialam sa nangyayari at manyayari pa lang. Basta gusto nyang makasama si Marcus sa kahit na anong mangyari. Hinigpitan nya ang hawak sa kamay nitong nakahawak sa kanya. Tumingin ito sa kanya bago inayos ang ilang hibla ng buhok nya na nasa bandang mukha nya saka sya humilig dito at niyakap sya nito.
Sa eroplanong sinsakyan nila ay buong oras silang magkayakap habang natutulog. Nagising sya sa isang mainit na halik na binigay nitong pampagising sa kanya. Uminat sya ng bahagya.
"C'mon we're here." aya nito sa kanya tapos hinawakan ulit ang kamay nya. Medyo antok pa sya.
Nang makarating sa resort ay bumulaga sa kanya ang pamilyar na hotel. Nakikita nya sa balintataw nyang narating niya ang lugar na iyon. Napahawak sya sa ulo ng bahagyang kumirot ito.
'What's wrong?" si Marcus. Tumingin sya rito. nakita nyang nag-aalala ito. Ngumiti sya at umiling. "Let's go." nagpatianod sya haggang makarating sa elevator pataas. Paglabas ng elevator ay ang pamilyar na pasilyo. Hinawakan nya iyon at pinadaanan ng mga daliri. Napapikit sya. May mga estudyanteng pabalik-balik sa silid? May isang lalaking kinukulit sya.
"Lara, Lara.." napamulat sya. "Don't think too much. 'Wag mo naman ako takutin ng ganito." utas nito. Pero ano ba yung mga balintataw na yun sa isipan nya? Imahinasyon nya ba? "Let's rest, okay?" aya nito sa kanya bago pumasok sila sa suit para sa kanila.
"Wait. Magkasama tayo?" pigil nya rito. Ngumisi ito sa kanya.
"Swerte mo nga eh, biruin mo yung iba io-offer pa ang sarili nila makasama lang ako sa kwarto." palatak nito.
"Sabi ko na e, dapat hindi na'ko nagtatanong sa'yo." ingos nya rito saka nya tinalikuran papasok sa loob. Narinig nyang humalakhak ito. Oh, music to her ears.
Humiga sya sa kama at saka pumikit. Tumabi ito ng higa sa kanya. halos sakop na nito lahat sobrang laki nito. Nilingon nya ito, nakita nyang nakangiti itong nakapikit at nakadipa ang dalawang kamay. Umunan sya rito at niyakap ito. Bahagyang nagulat ito sa ginawa nya. Saka sya nito niyakap ng mahigpit at bumulong.
"Sleep, sweetheart." hinahalik-halikan nito ang buhok nya, saka sya ngumiti at pumikit.
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
RomantikPara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...