Papasok na sila sa loob ng kweba ay ang higpit pa rin ng hawak sa kanya ni Marcus. Sobrang saya nya lang talaga. Halos yakapin na sya nito dahil sa sobrang pag-aalala nito sa kanya. Madilim sa loob ng kweba tanging flashlight lang ang nagsisilbing ilaw nila. Pero ang ganda sa loob. Sobrang kakaiba. Andaming ineexplain ng tour guide pero parang wala naman dun ang atensyon nila ni Marcus.
"Alli, Sorry kagabi.. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero ayoko, takot talaga ako na mapunta ka kay Lance o kahit kanino. Selfish na kung selfish pero gusto ko saken kalang ganun." di nya mapigilan ngumiti sa sinabi nito. This is it!
Nakatingin lang sya rito. "Alliya.. bago 'to saken hindi ko maintindihan pero gusto talaga kita. Hindi ko maamin na kahit pilit kong sabihan ka ng masakit e hindi ko naman maiwasan ang masaktan pag umiiyak ka dahil saken." Nakangiti lang sya. At nainis naman agad ang mahal nya. "Wa-wala ka bang sasabihin?" Haha ang cute! "Alli!"
"I love you Marcus, simula noon hanggang ngayon." bago ngumiti ito sa kanya. Bago palang sila umalis sa kweba ay hinalikan sya nito. Malalim at banayad, puno ng pagmamahal. He took her first kiss in a very romantic place. Alam na alam nito kung anong lugar ang romantic para sa kanya. Pagkatapos ng halik ay niyakap sya nito bago nagliwanag ang paligid nila tanda ng nakalabas na sila ng kweba.
"I love you more, Alli." bulong nito sa kanya. Sulit na ang araw nya! Napatingin sya kay Monic, hindi nya maiwasang malungkot para rito kahit masama ang tingin sa kanya. Ang ibang kasamahan nila pati ang teachers ay parang walang alam sa.nanyayari sa kanila gayong ang saya-saya niya!
Nasa laot sila ng biglang lumakas ang alon. Tanda ng may paparating na ulan. Nakayakap sa bewang nya si Marcus, kahit kinakabahan ay ngumiti sya rito. Ganitong-ganito ang pakiramdam nya dati bago sya niligtas ni Charly pero kasamaang palad ay ito ang naanod ng alon. Ngumiti sa kanya si Marcus biglang umikot ang bangka nila, doon nagpanic ang lahat. Halos lahat sila ay di malaman ang gagawin. Ang higpit ng yakap nila sa isat-isa ni Marcus. Saksi ito kung gaano siya matakot sa tubig. Maya-maya pa ay umulan na. An lakas ng alon halos liparin ang bangka nila. At dahil masama pa rin ang pakiramdam nya halos manghina sya sa malalaking bugso ng ulan. Kaunti nalang ay pipikit na sya.
"Alli, kumapit ka ng mabuti. Ang init mo." ang higpit ng yakap sa kanya ni Marcus. Umikot-ikot ang bangka bago tuluyan silang itinaob niyon. Isang malakas na hampas ng alon ang naging dahilan para magbago ang mga buhay nila na halos ikaguho ng mga mundo nila.
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
RomancePara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...