SLL XI

26 0 0
                                    

Mabilis na lumipas ang panahon. Ang segundo na naging minuto. Ang minuto ay naging oras na lumipas ay naging araw. Ang bawat araw na naging linggo na naging buwan. Hanggang sa maging taon na ang lumipas. Mga masasakit na ala-ala ng lumipas. Pitong taon na. Halos sumuko na ang pamilya. Kahit gaano kasakit tanggapin ay kailangan nilang mag-move on. Pero hindi kay Marcus, na kahit buto nalang ng dalaga ang makita nya ay walang humpay ang paghahanap. Alam nyang buhay si Alli. Sa puso nya ay buhay na buhay ito. Hindi nya matatanggap na nawala ito ng ganun na lang.

Isa na syang may matatag na pundasyon sa industriyang mapanuri at puno ng kapangyarihan. Tinitingala sya ng lahat. Isang matunog na Marcus Alejandro sa mundo ng business at ang samahang walang nakakaalam, ang mundo ng mga assasin. Natuto syang maging tuso, sa loob ng mga taong lumipas.

"What did you just say?" hindi man tumitingin sa mukha nito ay alam nyang halos hindi makahinga sa higpit ng pagkwelyo nya sa taong nasa gilid nya. "Di ba sabi ko, hindi ako tumatanggap ng bad news!"

"M-masusunod po boss! Gagawin ko pong g-good sa s-susunod." saka nya lang ito binitawan ng pabalagbag bago nilisan ang hide-out nila. Isa iyong secret place sa ilalim mismo ng malaking building na iyon ng Corporation nya.

"Sir, phine call po. Naiwan nyo po ang isang phone nyo sa office." sabi ng secretary nya. Tinanguan lang nya ito na halatang ilag sa kanya. Wala syang pakialam. Pabalagbag nyang isinara ang opisina. Nakakawalang gana ang mga tauhan nya. Mga walang silbi!

"Siguruhin mong may maganda kang sasabihin kaya ka tumawag dito dahil king hindi, ako na mismo ang lulunod sayo sa laot na yan!" sigaw nya sa kabilang linya sa mga tauhan nyang halos tumira na sa laot ng puerta princessa.

"B-boss, g-gusto ko lang po ibalita yung tungkol sa inisdente noon na ayon sa isang kalapit isla rito ay may dalagitang babae raw silang tinulungan noon-"

"What happened next? Asan na? Andyan ba yung tinulungan nila?" mix emotion. Alli..

"Yun nga po Sir, medyo matanda na po yung ale, at nagugulumihan na po. Hindi na po maalala ang eksaktong nangyari." Sh*t. Bat naman ngayon pa!

"Pilitin nyo! Ipagamot nyo, maalala lang nya lahat! Wala akong pakialam kung magkano gawin nyo lahat, gawin nyong posible ang imposible!" utas nya.

"Areglado boss."

Napasandal sya sa upuan bago hinilot ang ulo. Ang hirap labanan ng matinding pangungulila sa taong hinahanap pero sa hindi malamang dahilan ay hindi naman matagpu-tagpuan.

After office hours ay napagpasyahan na nyang umuwi. Hindi na sila nakatira sa dating tinitirahan. Although hindi naman nila iyon ibinenta ay nanatiling malinis naman iyon at palaging naaalagaan. Inalayo lang muna nila pansamantala si Tita Lina sa bahay na puno ng ala-ala ni Alliya. Hindi maganda sa kalusugan nito ang matinding paghihinagpis. Bumili na sya ng mas malaking bahay para sa pamilya kasama ang mga magulang ni Alliya.

"Oh, you're finally here. Nagyayaya si Tita mo na sa pool area tayo magdinner. On the way na si Mika. Magbihis ka na."

"Okay Mom." sabi nya rito bago humalik at umakyat na ng bahay.

Masa sila ng gabing iyon. Hindi nya muna ibinalita ang sinabi ng tauhan nya sa kanya. Ayaw nyang magulo at umasa ang mga ito. Ang gabing iyon ang nagsisilbing bagong liwanag. Parang may hindi maipaliwanag na mangyayari.

Ikaw Na Lang ang KulangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon