Maging si Marcus ay litong-lito na sa nangyayari. Isang linggo na syang nag-iisip. Nang gabing bumalik sya ng Manila ay masaya ang pamilya nya nang makita si Alli. Oo, kamukhang-kamukha nito si Alli, pero masyadong bata ang version nito. Sa sobrang kasabikan ng kanyang pamilya lalo na ang Tito at Tita nya ay agad na nagset ng engagement para sa kanilang dalawa na hindi naman nya tinanggihan. Sabik na sabik sya. Hindi nya na pinansin ang pag-aalinlangan.
Ayon dito ay anim na taon itong nakaratay sa hospital, in coma dahil sa diumano ay napasok ng tubig ang utak nito. At nagpalakas ng katawan bago lumapit at humarap sa kanila. Na hindi naman masyadong pinaniwalaan ng ibang kaibigan nila lalo na ni Gwen. She saw Lara sa hospital na pinagtatrabahuhan nito at nagkataon na on duty sya ng mga oras na iyon. She told them about what she heard sa Mama ni Lara, about her condition na syang kinagalit ni Mika at ano naman daw pinagkaiba noon sa kwento ni Alli na nasa kanila ngayon. May punto. Oo nga naman pwede.
Nang makita nya muli ang dalaga ay gustong magbago ng isip nya. Ewan nya, pero pakiramdam nya, may mali. Hanggang sa magkagulo-gulo na at pansamantalang hindi muna itutuloy ang engagement. Gustong malinawan ng matatanda.
"What's happening Marcus?" paikot-ikot ang Mommy nya. "May ganito na palang Lara dito ay ni hindi mo man naikwento sa'men?" sumbat nito sa kanya.
"Mom, hindi naman kasi sya si Alli sabi nya nung unang makita namin sya ni Mika sa party?" nanlaki ang mata nito. Mali sya ng sagot.
"Nung party pa? Na, in-attendan nyo ni Mika? That long?!" ang engot nya. "So, kaya pala kayo ganun nung breakfast? My God! Hubby, ikaw na kumausap dyan sa anak mo. Ang sakit nya sa ulo." iwas ng Mommy nya saka ito umupo sa sofa at hinilot-hilot ang ulo. Nasa study room sya at kinakausap ni Tito Alex at ng mga magulang nya. Nandoon pa rin sila sa Old house nila kung saan marami silang memories ni Alli kaya doon naisipan ganapin ang party.
"I'm sorry Tito. Ayoko lang naman na umasa si Tita sa wala, kasi sabi nya hindi sya si Alli. She's Lara. And it's true umuwi sya from Paris." tumango ito sa kanya.
"I understand, hijo." hindi sya kumbinsido. Hindi ba nila makita ang punto nya?
"Sana man lang kahit samin at hindi na sa Tita mo pinagbigay-alam mo pa rin." ang Daddy nya. Biglang sumakit na rin ang ulo nya sa nangyayari.
"I'm sorry.." may kasalanan pa sya. Nang maalala nya ang isang bagay na pwedeng magpalutas ng problema nya. Ang matanda sa isla! Tama.
Maya-maya'y bumukas ang pinto. Si Mika. "Gising na po si Tita, Uncle." tumango ito saka sila pumunta sa room na pinagdalhan sa Ginang.
Nakita nilang umiiyak si Alli. Ewan nya pero iba, hindi at ease ang nararamdaman nya.
"Mom, ako naman talaga 'to. I'm Alli." hinahaplos-haplos ito ng Tita nya. "Wag kang magdalawang-isip dahil lang may nakita kang kamukha ko." napakunot-noo sya. Sa pagkakaalam nya hindi ganito kaarte si Alli. Napapiksi sya.
"Enough of that, hija. Your Mom needs rest." sabi ng Tito Alex nya.
"But Dad.." Tumingin ito sa kanila. "Don't tell me, pinagdududahan nyo ako?" nagulat bahagya ang Mommy nya sa akusasyon nito.
"Of course not, Hija! What made you think na pagdududahan ka namin? Dapat ba?" ang Mommy nya.
"Mom.." si Mika.
"And why?" taas-kilay nito kay Mika. "Mas maganda ng nagkakaintindihan tayo dito, ngayon mismo. Antagal nawala sa'tin si Alliya, yes! Pero nakakapgduda naman talaga." tumingin sya kay Alli. Umilap ang mga mata nito. Nakita nyang natigilan din ang Tito Alex nya.
"Enough, honey." ang Daddy nya. Inirapan lang ito ni Mommy.
"Ako ng bahala dito. Kayang-kaya ko alagaan ang bestfriend ko." napailing na lang siya sa stubborn side ng Mommy nya. Saka sila nag-alisan lahat.
Papasok na sya sa kwarto ng pigilan sya ni Alli.
"Marcus.." Lumingon sya rito. Tumitig sya mga mata nito. Bakit ganun, iba, iba sa mga mata ni Alli. Parang may kulang. Hindi ganoon tumitig sa kanya si Alli. Nung panahon na humahabol-habol ito sa kanya, punong-puno iyon ng kalikutan at saya, punong-puno ng kalokohan parang kay Lara? Ganun si Lara nung namamasyal sila.
"Magpahinga ka na muna, Alli.. Masyadong madaming nagyari, maraming pagkakataon para pag-usapan ang mga gusto mo."
"Hindi ka ganyan noon. Di ba sa kweba noong nasa Puerto Princessa tayo, naalala mo ba?" napakunot noo sya sa sinabi nito. Pakiramdam nya may kulang sa sinabi nito.
"Yeah.." tango nya na lang.
"Pero bakit ganyan ka? Dahil ba may kamukha ako, pinagdududahan mo rin ako?" umiiyak ito. Hindi, hindi iyon katulad ng iyak ni Lara na parang kay Allli. Sh*t! He's making things worst! Niyakap nya ito.
"No, no. Kilala ko na si Lara bago ka pa dumating dito. Sabi nya hindi sya si Alli kaya bakit kita pagdududahan." bakit nga ba?
"Really?" tumango na lang sya saka hinatid ito sa silid nya.
"Sleep well, Alli.." humalik ito at yumakap sa kanya na lagi naman nitong ginagawa simula ng dumating ito.
"Kahit hindi natiloy ang engagement natin, happy pa rin ako.." nakangiting sabi nito. Tumango sya at ngumiti saka iniwan ito. Hindi na nya napansin ang pagtaas ng kilay nito kasabay ng pagngisi na sya namang nakita ni Mika na saktong papunta sa kwarto ng bestfriend para tabi ulit silang matulog gaya ng lumipas na mga araw simula ng bumalik ito. Imahinasyon nya lang ba? Nakakapagtaka. Saka tigagal itong bumalik sa sariling silid.

BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
RomancePara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...