Halos magmura sa utak si Marcus ng matanawan kung sino ang papalapit. Ang pinakanakakainis sa lahat ng nilalang! 'Pag naman talaga minamalas ka oh. Anlaki na ng University nila ba't kelangan magkita pa sila?
"Hi babe!" utas nito. Sh*t pinagtitinginan na naman sila. Manhid ba 'tong babae na'to? 'Di ba'to nakakaintindi ng lalaking ayaw sa kanya? Talagang nata-turn-off talaga sya sa mga ganitong babae. Kahit sino naman. Nakayuko pa rin sya, tuloy lang ang kain Marcus!
"Hi Alli!" bati ni Andrew, barkada nya.
"Hello Andrew! Buti ka pa 'di nagsasawang mag-hi sa'ken." Sabi nito sabay upo sa tapat ni Marcus at tabi naman si Andrew at dahil malaki naman ang mesa para sa kanilang lima nakiupo na rin ang mga kasama nito.
"Eh 'di ka kasi nagsasawa kay Marcus, eh kita mo naman basted ka lagi." sinamaan ko ng tingin si Andrew, masatsat e.
"Eh wala naman syang girlfriend eh, wala namang magagalit sa'ken kaya oki-doki lang yun hihi." nakakainis talaga 'tong babae na'to. Ang harot masyado. Badtrip.
************************************************************************
Maging ang mga barkada ni Alli ay nagulat nang padabog na umalis si Marcus. Shocks! Galit na naman ang future man nya hihi. Ang cute!
"Ang bastos mo Kuya!" sigaw ni Mika. "Ikaw kasi wala ka talagang kadala-dala besty! Kainis ka." hala?
"Bessie.. hihi promise--" napatago nalang sya sa likod ni andrew. Ang sama ng tingin ni Mika! Tawa naman ng tawa si Andrew bago nagpasyang bumili ng pagkain hihi.
Likas na talaga ang ganitong ugali nya. Hindi na mababago kasabay ng pagkagusto nya kay Marcus. Bestfriends ang Mommy nila at Daddy nila kaya naman ang resulta bestfriend din sila ni Mika. Dumami man ang mga taong nakapaligid sa kanila hindi pa rin mababago ang likaw ng mga bituka nila. Magkapatid na rin ang turing nila sa isa't-isa, kung ano ang meron sa isa dapat meron din ang isa. Maging sa eskwelahan kelangan lagi din silang magkasunod, although likas na kay Mika ang pagiging matalino ay hindi naman sya nalalayo, hindi rin naman sya naiinggit kung mas matalino ito, okay lang kahit pangalawa sya, walang kaso basta mas maganda sya! Hihi. Ganun sila.
Nasa ikalawang taon na sila sa kursong Nursing samantalang si Marcus ay ikatlong taon na sa kursong Business Administration, alam mo na dahil sa business nila na kasosyo si Daddy tapos ang mga Mommy namin hospital naman. W'ew sabi ko naman, magkakakabit talaga mga bituka namin. Kaya destiny kami nan ni Fafa Marcus pero ako lang muna ang nakakaalam.
![](https://img.wattpad.com/cover/23031417-288-k852029.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
DragostePara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...