Sa may gilid ng eskinita sila napadpad. Tanging liwanag galing sa poste ng ilaw ang nagsisilbing liwanag sa pag-itan nilang dalawa. Speechless sya wala syang maisip na sabihin sinamahan pa na sobrang sama talaga ng pakiramdam nya. Medyo malamig din ang gabi pero wala naman sya karapatan umangal dahil wala naman sya sa kanila. Waah, Mami!
"Ganyan ka na ba ka-desperada makuha ang atensyon ko at talagang todo halakhak ka pa sa lalaking yun sa harap ko?" bulyaw nito sa kanya. Hay, kelan kaya kami makakapag-usap ng hindi ganito.
"Wala naman akong ginagawa sayo bakit ba lagi mong nakikita na mali ako." saka sya tumalikod dito.
"Kinakausap pa kita." mariin pagkakasabi nito halatang galit.
"Bukas mo na lang sabihin pag hindi ka na lasing. I badly need rest Marcus."
"So, pag yung lalaking yun okay lang kahit hindi ka muna makapagpahinga?" utas nito. Nakakayamot.
"You know what Marcus, before, nung panahon na hinahabol-habol kita, sinusundan, sabi mo naiinis ka. Halos isuka mo nga ako e di ba? Tapos ngayon nakikisama ako kay Lance inaakusahan mo ako ng kung ano. Matutuwa pa'ko kung nagseselos ka e pero ang ipamukha mo sa'ken na parang nilalandi ko yung tao, ang selfish mo Marcus. Hindi lang naman sa'yo iinog ang buong buhay ko. Gusto ko rin naman sumaya. Kaya 'wag mo idikta sa'ken yung mga bagay na ayaw mo saken kasi ako ginagawa ko ang lahat para di mo ko makita." sabi nya saka bumira na ng alis. Saka pa lamang sya umiyak nang makapasok sa loob. Buti na lang wala pa ang mga kasamahan nya. Nang mahimasmasan saka pa lang sya nagpahinga hindi na nya namalayan ang pagdating ng mga ito wala na syang pakialam.
************************************
Kinabukasan ay mabigat pa rin ang pakiramdam nya. Pero pinilit nya pa rin bumangon dahil sya na lang ang naiwan sa loob. Matapos magshower at mag-ayos ay bumaba na sya. Naabutan nya ang mga ito na nagbebreakfast na. Iniwas nya ang tingin kay Marcus. Nilapitan naman sya ni Lance saka sinamahan kumuha ng food.
Matapos magbreakfast deretso suit na ulit sila para sa pictorial. Crystal blue ang nakita nyang swimming attire na nasa loob ng bag nya. Ayon siguro ang nilagay ng Mommy nya. Nilagyan nya lang muna ng tapis bago lumabas.
Kanya-kanyang pose ang bawat isa. Wala na syang pakialam sa paligid sa sobrang sama na naman ng pakiramdam nya. Hindi nya alintana ang mga sulyap sa kanya ng mga tao maging si Marcus.
"You look pale, Al." si Lance.
"Oh, I'm okay Lance. Don't worry 'bout me." ngiti nya rito.
"You sure?" ang kulit talaga.
"Hmmm." tango nya.
"Okay guys, thats all for today. Later, punta tayo dun sa kweba, maganda dun at alam kong mag-eenjoy kayo. Sasamahan tayo ng tour guide." sabi nung coordinator.
Matapos ang tanghalian ay deretso pampang sila para sumakay ng bangka. Hindi, hindi nya kaya kinakabahan sya. Hindi nya makalimutan ang dagat, ang laot. Ang kumuha kay Charly, ang dahilan ng ilang gabing bangungot nya. Ang nalulunod na si Charly. Ang kawawang aso nya. Ilang beses pa sya napalunok bago may humawak sa kamay nya. Si Marcus nakangiti sa kanya, animoy nagbibigay assurance parang sinsabi na ligtas sya. Napatianod sya bago sumakay.
"Okay let's go."
First time nya naka-holding hands si Marcus. She can't believe it.
"Okay ka lang ba? Ang init ng pakiramdam mo, Alli." tanong nito. Napakurap pa sya bago tumango rito. Bakit ganun, pakiramdam nya sila lang dalawa lang ang nasa bangka. Wala syang pakialam sa mga tingin ng nasa loob. Wala syang pakialam kung masama ang tingin sa kanya ni Monic. Wala syang pakialam kung girlfriend ito ni Marcus basta sa kanya ito nakahawak ngayon. Ang sarap sa pakiramdam. Sasamantalahin na nya ang pagkakataon.
Suot ng mga life vest ay pumalaot na sila.
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
RomansaPara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...