SLL Last Chapter

34 0 0
                                    

Naalimpungatan si Lara na parang may nagaaway sa paligid. Malinaw na sa kanya ang lahat. Sya si Alliya Seren. Kahit paano ay nakabuti ang pagpukpok sa ulo nya pero blurd pa rin ang paningin nya. Nanghihina pa rin sya. Napansin nyang iba na rin ang suot nya. Humina na ang agos ng dugo sa ulo nya. Masakit. Ang sakit ng ulo nya. Parang binibiyak. Pakiramdam nya ay hindi na nya kaya. Magkagayon man ay pinilit nyang maging aware sa paligid. May humihiyaw na babae. Sinulyapan nya. Tulad nya ay nakagapos din ito. Si Alli? Ah hindi, si Monic sya sabi nya. Nakatayo sila habang ang mga kamay ay nakagapos sa taas. Tumingala sya. Sa pag-itan nila ay may bomba na nakasabit na nakakonekta sa mga tali nila. Hindi nya maintindihan. Nahihilo sya.

"Animal ka, Bruce! Hindi ito ang usapan natin! Sabi mo hahayaan mo akong makasal kay Marcus." hiyaw nito. May mga bangas din ito sa mukha at may tama ng baril sa bandang balikat. Siguro ay nag-away na ang dalawa kanina pa. Ilang oras na ba sya doon? Alam na ba ni Marcus? Hindi na nya kaya. Pilit lang syang lumalaban.

Humalakhak ang lalaki. Madami sila. Mukhang leader ang kausap ni Monic. Gang?

"Gano'n naman talaga ang plano. Hindi naman ako sumira sa plano. Bibigyan ko lang ng isang magandang show si Alejandro. 'Pag pinili ka nya ang swerte mo." ibig sabihin papipiliin si Marcus ng mga ito? Gusto nyang magsalita. Hindi! Paano pipili ang lalaki, pareho ang mukha nila. Gustong-gusto nyang magprotesta. Napaungol sya.

"At saka hindi lang ako ang traydor dito! Akala mo ba hindi ko alam na unti-unti mong inililipat sa pangalan mo ang mga ari-arian ko?" Nakita nyang bumalasik ang mukha ng kaharap. "Nararapat lang sa'yo yan, ambisyosa!" bago sinampal si Monic. Napaigik ito.

"Makikita mo! Babawi ako sa'yo makaalis lang ako dito!" nagtawanan ang mga ito sa sinabi ni Monic.

"Hmm, let's see.."

Maya-maya ay nagkagulo sa labas. Nabuhayan sya ng pag-asa! Si Marcus. Pilit nilalabanan ang sarili sa sakit.

"M-Marcus.." nakita nyang kumunot ang noo nito. Palipat-lipat ang tingin sa kanila. Oo nga pala. Dalawa sila.

Pumalakpak ang lalaking sumampal kay Monic. "Nagustuhan mo ba ang sorpresa? Feel free to choose, Alejandro." bago hinagisan ito ng baril. Na sinambot nito. "This is the game, isa sa tali na yan ang kailangan mong barilin ibig sabihin, ang taong 'yon ang napili mo. Pwede rin na, barilin mo ang isa sa kanila, ibig sabihin hindi sya ang napili mo. Tsk, tsk." bago bumaling ito sa mga kasamahan. "Tignan nyo ang paligid. Siguradong may mga kasamahan yan." asik nito. May hawak rin na baril na nakatutok kay Marcus.

Tumingin sa kanila si Marcus. Nakita nya kung paano ito lumunok ng ilang beses. Sa nanlalabong mga paningin ay nakikita nya ito.

"Marcus, it's me Alli." si Monic. Nakita nyang tumingala si Marcus. Bahagyang nagliwanag ang mukha nito. Ang singsing nya! Lumapit ito sa kanya at itinutok ang baril. Doon nagising ang diwa nya, napamulat sya. Idinutdot nito ang baril sa bandang dibdib nya. Napahikbi sya sa sobrang sakit na nararamdaman ng emosyon nya.

"Marcus..." hikbi nya. Nakita nyang natigilan ito na nakatingin sa may bandang dibdib nya. Animo'y may kung ano doon na magiging sagot nito para piliin sya. Ilang beses din itong lumunok habang nakatutok pa rin ang baril sa kanya. Ang sakit-sakit. Mas masakit sa pisikal na sakit na nararamdaman nya.

"Shoot now, Alejandro." yung lalaki.

"Ituloy mo.. Mamatay tayong lahat dito.." sabi nya sa nanghihinang boses. Ikinasa nito ang baril. Nagkakagulo na sa labas. May naririnig syang sirena ng mga pulis at ambulansya. Dalawang putok ng baril ang pinakawalan nito bago nya namalayan na may sumalo sa kanya. Si Marcus, tinatawag  ang pangalan nya. Isang putok ng baril pa ang umalingaw-ngaw pa bago tuluyan syang ginupo ng dilim.

Ikaw Na Lang ang KulangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon