SLL X

28 0 0
                                        

"Alli!" napasinghap si Marcus ng makalutang. Nabitawan nya s Alli sa sobrang pagkagulat sa malakas na hampas ng alon. Nag-umpisa na syang mangamba ng walang Alli sa harap nya. Wala na syang pakialam sa iba. Ang mahalaga ay si Alli. Sh*t!

Todo sisid si Marcus sa kahahanap kay Alli. Hindi nya alintana ang lakas na hampas ng alon. Ilang oras na sya sa parteng iyon ng laot pero kahit dulo ng buhok ng dalaga ay hindi nya makita. Kinakapusan na rin sya ng hininga. God, please save Alli. I'll do everything she want. I'll do everything you want just save Alli. Please. Pero wala pa ring Alliya. Halos mabaliw sya, ngayon pa lang ay nangungulila na ang pakiramdam nya. No! Not Alli! Not ever! Gusto nyang pumalahaw ng iyak. Alli...

Dumating ang rescue team pero walang Alliya. Hindi, hindi sya sasama ng wala si Alli. Kelangan nya si Alli. God. Alli. Where are you? Halos hatawin sya ng rescue team pero di pa rin sya paawat.

"No! Let go bastard! I'm gonna find my girlfriend! I said let go!!" palahaw nya rito. "Please let go, I beg you!"

"Sir, kami na po ang bahala, gagawan po natin ng paraan--"

"Hindi, sasama ako! Bitaw sabi e!" utas nya rito.

Pero hindi sya pinayagan. Wala.syang magawa kahit magwala sya sa mga ito. Nang makarating sa pampang ay halos magwala sya sa sakit na nararamdaman. Tinawag na nya lahat ng santo pero walang Alli. Paano nya ipaliliwanag sa pamilya nya? Sa Tita at Tito nya? Hindi! Makikita nila si Alli. Sa lawak ng lapt kahit napakaimposible hahanapin nila si Alli. Alliya.. Please, hang-on..

******************************

Nakarating kaagad ang balita sa pamilya. Pinanawan ng ulirat ang dalawang Ginang sa sobrang pagkabigla. Nang magising ang mga ito ay agad na nagderetso patungong puerto princessa gamit ang private chopper ng kompanya. Hindi na halos makausap si Mrs. Seren kayakap ang asawa na kahit puno rin ng pangamba ay walang humpay ang paghaplos sa ginang na iyak pa rin ng iyak. Maging si Mrs. Alejandro ay gayon din. Si Mika ay walang tigil ang paghagulgol sa sobrang takot.

"My poor baby, hubby.. Ang baby ko.. No, Oh God.." si Lina. Panay naman ang hikbi ng ama ni Alli at mahigpit na yakap ang asawa. "My baby.. Princess..."

"Bessie..." si Mika walang humpay ang paghikbi.

Nang makarating sa puerto princessa ay deretso agad ang pamilya sa tabing dagat kung saan kanina pa naroroon si Marcus, nakaluhod, nakayuko, ang ibang kasamahan nila ay nag-alisan na, sya patuloy pa rin umiiyak.

"Kuya... Where's Alli?" napataas ito ng ulo. Halos maawa naman si Mika sa kapatid. Napayakap sya rito.

"I don't know, hinanap ko sya. God knows kung pano ko sya hindi bitawan, kung paano ko sya yakapin ng mahigpit'wag lang syang makawala, Mika. But I lost her. Hindi ko sinasadya, Mika. Hindi ko ginusto. Okay na kami e, okay na kami Mika. Girlfriend ko na sya boyfriend nya na'ko di ba gusto nya yon? Mika.. I can't lose her. Alli..." palahaw nito.

"Ang baby ko, Alex.. Ang anak ko! No! God, Alliya.. Please not my daughter.. Princess..princess.." sigaw ng Ginang bago pinanawan ulit ng ulirat. Agad naman itong isinugod sa clinic na sinamahan sa loob ni Mrs. Alejandro at Mika. Naiwan ang dalawang Padre de Pamilya at si Marcus na nasa ganung posisyon pa rin.

"Son, get up. You need rest. Kanina ka pa dyan. Natuyuan ka na ng damit." ang Daddy nya.

"Dad.. Please, do everything. Please find Alli, Dad.. Dad.. Nabitiwan ko sya. Kasalanan ko. Dad.." hindi mapigilang maiyak ni Mr. Alejandro sa sobrang paghihinagpis ng kanyang anak. Niyakap nya ito.

"Please, do everything to find my daughter. I'm gonna pay you double, triple kahit magkano just find my daughter. Don't stop! Hell!" sigaw ni Mr. Seren sa rescue team.

"Sir, pagod na po ang buong team, nalibot na po buong isla wala po ni isang bakas ng dalagitang babae." sabi nung tumatayong leader.

"No, just don't stop. Please." umiiyak na rin ito sa pagmamakaawa. But still walang Alli.

Buong magdamag naghanap ang rescue team sa laot pero wala pa ring Alli. Sinikatan na sila ng araw sa dagat pero walang Alli.

Lumipas pa ang ilang araw, wala pa ring balita. Halos hindi na makausap ang Mommy ni Alli. Si Mika ang nagsisilbing taga-alaga nito sa tuwina'y umiiyak ito at panawan ng ulirat kakahanap kay Alli. Maging si Mrs. Alejandro ay halos doon na rin tumitira sama-sama sila.

Naging basag-ulero lalo si Marcus. Kabi-kabila ang away nya. Kabi-kabila ang gang na nasasalihan nya. Halos gumuho ang mundo nya. Ginawa nya ang lahat para makalimutan lang ang pagkawala ng dalaga. Halos gabi-gabi ay laman sya ng bar. Wala naman magawa ang pamilya nya kung paano maiibsan ang pakiramdam nito dahil maging sila ay unti-unti ring ginuguho ng pagkawala ni Alli. All they have to do is pray and pray. Walang gustong tumigil ng paghahanap.

Kahit sa panaginip, lahat sila panay ala-ala ni Alliya..

Ikaw Na Lang ang KulangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon