SLL XVII

24 0 0
                                    

Nang maihatid ng di namamalayan ng dalaga, ay tumigil muna pansamantala si Marcus at tinitigan ang malaking bahay. Mukhang may sinsabi talaga sa buhay ang mag-ina. Kanina ay halos liparin nya ang lobby makarating lang kung saan naroroon ang dalaga nang sabihin ni Gwen na pinagkakaguluhan sa baba na kamuka ni Alli. Si Lara. Halos madurog ang puso nya sa pwesto nitong hirap na hirap sa pagbibigay ng autograph. Sinisiksik sya sa sulok ng mga ito. Pawis na pawis man ang dalaga ay napakaganda pa rin. Bahagyang sabog-sabog na ang buhok nitong nakalugay ng mga oras na iyon. Hindi siguro aakalain na pagkakaguluhan ito ng ganoon. Tunog ng cellpjone nya ang nagpagising sa kanya.

"What is it Roman?"

"Sir, may kasama po palang kamag-anak ang matanda nung mga panahon na 'yon." Nabuhayan sya ng loob bigla sa sinabi ng tauhan nya.

"Okay, cut the crap!"

"May mag-asawang turista daw po ang nagdala sa hospital sa dalagita. Masyado daw pong delikado noon ang lagay ng dalaga. Ayon naman po sa hospital na napuntahan ko na syang pinagdalhan sa kanya ay sinugod daw po ang bata papuntang America para sa madaliang operasyon. Nag-iwan naman daw po ng contact at address ang mag-asawa sakaling may maghanap sa dalaga." mahabang paliwanag nito.

"Tinawagan mo na ba yung contact?"

"Yun pa po ang malabo sa ngayon, Sir. Wala na po sa dating tinitirahan ang mag-asawa." Sh*t!

"Ayusin mo kaagad yan ASAP!" napatingin sya sa bahay ng dalagang kahahatid lang. Hindi nya mapigilang umiyak sa sobrang paghihirap. Alliya, what happened?

************************************

Nagising nang gabing iyon si Lara nang humihingal at pawis na pawis. Para syang nalulunod. Nakakatakot. It kills her. Somehow ay ramdam nya sa panaginip na ayaw nya talaga sa tubig. Napaiyak sya sa hindi malamang dahilan. Trenta minutos sya sa ganung posisyon. Nang mahimasmasan ay tinignan nya ang side table ang oras. Alas kwatro na ng umaga. Tumayo sya at pumunta ng kusina para uminom ng tubig.

Aantayan na nya mag-umaga, wala na syang lakas ng loob na matulog ulit pagkatapos ng isang matinding bangungot. Pakiramdam nya ay hindi na sya magigising. Saka nya napagpasyahan ang mag-jogging.

********************************

Kasalukuyan silang nasa board meeting at pinagdidiskusyunan ang  photoshoot para sa bagong designs ng kompanya, of course, designs made by her Mom.

"I think mas maganda ang view ng isang yatch na nasa gitna ng laot for this bikinis and other stuffs, okay lang din naman na i-shoot doon ang ibang evening gowns for party. Ahm, what do you think, Mr. Buenaventura?" ang Mama nya.

"Yeah, I think so. Hmm." si Mr. Buenaventura.

"Sa tingin ko ay masyadong malaking expenses if we use yatch, Ms. Merin." parang naiinis na wika nung isang board of director. "Masyadong time consuming, masisiguro ba na hindi magkakaproblema sa mga models?"

"Don't worry about the yatch, I can provide." singit ni Marcus Alejandro. Siguro mayaman talaga ang taong ito. Ayon sa mga naririnig nya minsan lang ito nagagawi sa company dahil marami umano itong business at shares sa iba pang kompanya. Sikat na sikat rin ito at ma-appeal sa mga babae. Chickboy. Womanizer.

"That's settled then. Don't worry about my models Mr. Corpus, they know what to do." Nakangiting sgot nito sa matanda. "Thank you, Mr. Alejandro.."

Doon na natapos ang meeting agenda. Naiwan sila ng Mama nya sa kabilang side ay sina Mr. Buenaventura at Mr. Alejendro. May pinag-uusapan.

"May isang lalaki rito na buong meeting nakatingin lang sayo, darling." biro nito sa kanya.

"Ma!" ingos nya rito tapos nilagay ang kamay sa mga braso nito at humilig sa ina palabas ng conference room. Habang si Marcus ay habol ang tingin sa dalaga.

Ikaw Na Lang ang KulangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon