"Anak, pakidala mo nga muna 'to sa kay Tita Macon mo." ba! Si Mama kagaling naman talaga, alam na alam kug sino uutusan pag usaping Alejandro na hihi.
Napailing nalang si Lina sa anak na humihimig pa habang bitbit ang inutos nya ritong ulam. Hindi nya maiwasang hindi mag-alala sa anak.
Nagdoor bell muna si Alliya bago may nagbukas sa kanya at talaga naman pag sinuswerte ng swerte hihi. Si Marcus Mahal automatic na naman ang nakasimangot na mukha!
"May dalaw ka na naman?" Ingos nya rito bago dere-deretso sa loob. Naabutan nya sa kusina si Tita Macon nya at si Mika na nagbe-bake.
"Woaah, brownieeees!" sabay dunggit. "H'tita, sheto raw pho yung ulam shabi ni Mami." Napailing nalang ang Ginang sa kakulitan ng dalagita. Pero ayan naman ang isa sa gustong gusto nya sa dalaga wala itong kaarte-arte, hindi rin ito mapili sa pagkain kahit nga alam ng may allergy e lalantakan pa rin pag natripan.
"Dahan-dahan ng kain Alli, hindi ka naman mauubusan, ikaw talagang bata ka."
"Ang damot mo bessie! 'Di mo man lang ako nitawag nagbe-bake pala kayo ni Tita." nguso nya sa kaibigan.
"Nagrereklamo ka pa kumakain ka na. Psh." Aba nasa kusina rin pala Mahal nya, teka!
"Oy labs nandyan ka pala!" ngisi nya rito.
"Ayan, nagwalk-out tuloy!" napasimangot nalang sya ng nagtawanan ang Tita Macon nya at si Mika. Okay, wala ako sa bahay walang kakampi.
************************************************************
Na-late ng gising kinabukasan si Alliya. At 'pag ganitong late sya ay hindi sila close ni Mika, aba! Iniiwanan talaga sya! E pabor naman sa kanya hihi ganda points nya na!
"Marcus.. sabay mo na 'ko pretty please..." e sa wala naman talaga ako masasakyan nasa trabaho na mga parents namin, mabait akong bata ayaw nila kaming pinagko-commute. It's dangerous sabi ni Tita Macon hihi.
"Get in." seryoso naman masyado si labs arte ko lang yung kanina, ilang beses na kaya ako nakapagtaxi pero syempre secret lang yun knowing Mommy, I'mma Princess! *wink*
"Wow, ang ganda talaga ng car mo Mahal. Pero, pwede pakibilisan late na 'ko--" nakupo... Ang sama ng tingin. Kagat kuko na naman sya.
Napailing nalang si Marcus sa inasal ni Alliya. Kung bakit sa dami ng makukuha ni Mika rito ay ang kaingayan pa. Nakakapikon.
Pagdating sa parking lot ay halos liparin na ni Alli palabas ng kotse. Sa ayos nito mukhang late na late na nga ito hindi na nakapagpaalam sa kanya ng ayos e. Ni hindi pa nga ata nakakasuklay e tumutulo pa ang buhok at hindi na rin nakapag-ayos. Pagkatapos nyang alisin ang seatbelt nya ay napatingin sya sa inupuan ni Alli. Sabi na e, walang taong hindi nakakalimot pag nagmamadali. Huli ka Wallet. tsk. Parang naengganyo naman sya tignan. Bumulaga sa kanya ang picture nilang tatlo ni Mika, 7th birthday nya iyon na nakasuperman costume, cinderella naman ang kay Mika at fairy naman ang kay Alli. Nasa gitna sya tapos kiniss sya ng dalawa. 'di nya mapigilang mapangiti bago inilagay sa bag ang wallet.
![](https://img.wattpad.com/cover/23031417-288-k852029.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
RomancePara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...