Biglang sikat sya sa university. Aba, malay ba naman nya na captain ball pala ng team soccer tong ungas na'to hihi gumanda naman ako bigla!
"Tadan! Treat ko para sayo Miss Pretty." si Lance. matapos nilang makilala ang isa't-isa sa solo date kuno part of the game ay eto laging nakatambay sa department nila. Close na rin ito sa mga co-nursing student nya. Hilig nitong bigyan sya ng kung ano-ano at mabait naman talaga ang lalaki hindi mahirap pakibagayan.
"Hay naku Lance, kundi kalang captain sa team nyo, iisipin ko ng jokla ka sa kakabuntot sa'men." banat ni Gwen. Ano bang aasahan mo dyan e taklesa talaga yan.
Kumamot muna sa ulo si Lance. "E kung hindi naman kasi manhid yang kaibigan mo edi sana hindi na 'ko nahihirapan." utas nito. Tapos tumingin sa'ken yung apat.
"Bakit?" tanong nya.
"Hay...." sabay-sabay pang sabi ng mga 'to bago tumayo.
"Kaw na bahala sa bestfriend ko Lance." si Mika.
"No problem Miks." saka kumindat kay Mika. Ay! May crush sya kay Mika?
********************************
Days had passed. A month ago ay date nila ni Lance. That was her second date sa isang guy. Syempre, first si Marcus. Dati, gusto nyang first ito sa lahat pero dahil ayaw naman nito sa kanya hindi na ngayon. Minsan nalang din nya 'to makita sa school. Sya na ang umiiwas. Part of moving on.
"Anak, sure ka ba na wala ka ng naiwan para bukas?" walang katapusang tanong ng Mommy nya tapos sasabayan pa ng Dad nya ng..
"Hayaan mo na yan Lina, naipagbilin ko na kay Marcus kasi kasama rin pala sya sabi ni Kumpadre." wait bagong litanya nya yun e.
"Dad! I don't need to be taken care of!" sabi nya.
"Anong gusto mo di kita pasamahin?" okay blackmail ayaw naman nya mapahiya sa school.
"Wag kang masyadong malapit sa tubig 'nak. Call me when you get there."
"Opo. Paulit-ulit ka naman Mom e." sabi nya bago dumeretso sa kwarto.
Late na sya nagising kinabukasan. Arrg! She forgot to set her alarm clock. Sa kotse na sya nagsuklay. Buti nalang iniwan ni Mommy nya ang kotse nya para maihatid sya ng driver nila. Pagdating sa venue ay di pa sya magkandaugaga sa paglabas ng kotse. Nakita nyang salubong ang kilay ni Marcus halatang naiinis sa kanya dahil sa kagagahan nya. Sinalubong sya nito at sya na ang kumuha ng travel bag nya sa compartment. Iyon lang naman ang dala nya pati isang handbag.
"Sorry Sir, na-late po kasi ako ng gising." mukhang inis na sa kanya ang mga kasamahan.
"Paimportante." si Monic. Iniwas nalang nya ang tingin.
"Okay ka na ba?" si Lance. Tumango nalang sya saka sya nito inaya sa loob ng van tabi sila sa huli kasama si Monic at Marcus. Okay, awkward. Hindi nya maiwasan tignan ang dalawa. Ang sweet nila habang nakahilig si Monic kay Marcus hindi nya maiwasang mainggit. Napatingin sya kay Lance saka sya ngumiti.
********************************
Ang ganda ng hotel na tutuluyan nila. Ang gaganda rin ng tourist spot at talagang mata palang busog ka na. Mag-eenjoy talaga ang sinumang pupunta rito. Magkakasama silang girls sa isang room bale limang couple sila at sa kabila naman ay ang boys. Sa isang room ay ang teachers at coordinator para sa Ms. Campus. Inasikaso muna nila ang mga dala bago ipinaliwanag sa kanila ang mga dapat gagawin at schedule.
"We're gonna have pur photoshoot later sa may sea side para may sunset. So, rest muna kayo for 2 hours and let's have our snack mayang mga 3PM then prepare at start na tayo. Okay ba?" sabi nung tumayong emcee nung party. Pagtapos nun deretso na sya sa room. Tatawagan nya sana ang Mommy nya pero mukhang naiwan nya ang phone nya kakamadali. Makikihiram nalang sya kay Lance kaya lumabas muna sya, katabi lang naman ang room nila kaya di hassle. She was about to knock ng bumukas ito. It's Marcus.
"What?" ang sungit pa rin sa kanya.
"Ahm.. pwede kay Lance?" kumunot ang noo nito.
"Naghiwalay lang kayo ng ilang minuto hinahanap mo na agad?" ansama ng tingin nito sa kanya. Okay wala syang ideya.
"Ah sige mamaya nalang. Pero pwede bang paki-inform nalang si Mommy na andito na tayo kapag tinawagan mo si Tita. Naiwan ko kasi yung phone ko." tumalikod nalang sya. Naiiyak na naman sya. Pagpasok nya sa loob ng suit ay nagpipicture ang mga kasamahan nya. Close sila samantalang sya etcepwera. Ang sama lagi ng tingin sa kanya ni Monic. Umidlip na lang sya.
***********************************
Photoshoot time. Medyo masama ang pakiramdam nya siguro gawa ng klima pero kaya nya pa naman. Pair-up ang photoshoot. May single din pero more on couple. Meron ding random. Sunod lang sya ng sunod sa gagawin gusto na nyang matapos at magpahinga. Ang sama talaga ng pakiramdam nya.
"Okay ka lang?" si Lance.
"Hmm. Medyo naninibago lang sa climate." umakbay ito sa kanya.
"Okay. That's it for today. Palubog na ang araw kaya bukas sunrise naman ang theme. You have to wear two piece swim suit. And then the rest of the day ay i-enjoy natin until the next day in any place you want to go basta babalik kayo rito." sabi nung coordinator.
"Bar hoping tayo tonight guys!" aya ni Sheena. Isa sa mga contestant. Okay nahihiya sya tumanggi baka kasi masamain na naman ng mga 'to.
Matapos magdinner ay deretso sa kalapit bar na sila. Hindi naman nya alintana ang nararamdaman sa mga kwento ni Lance. Andami nitong kalokohan.
"Really?" tawa pa rin sya ng tawa rito. Kasi naman pati mukha nito kasama sa nakakatawa.
"Oo nga Al, promise tanong mo pa kay Mommy pag nagkita kayo." napagkamalan di umano ng girlfriend nito dati na sugar mommy nya ang kasama ng minsang inaya raw nito i-date ang Mommy nya. At inaway-away daw ang Mommy nya kaya naman daw halos mag-usok ang ilong ng Mommy nya sa inis ayon break tuloy sila.
"Brineak mo talaga sa harap ng maraming tao?"
"Hey Alli, dinadaan mo sa kwento. Tumagay ka kaya. Daya nito." Napanguso naman sya kay Andrei isa sa mga searchee, bago tinungga ang binigay sa kanya tapos deretso pa rin ang kwento ni Lance.
"Kung nakakamatay siguro ang tingin kanina pa'ko bagsak dito, Al." ngising bulong ni Lance.
"Huh?"
"Tara let's dance." hinawakan sya nito. "Ang init mo Al."
"Huh? Ah baka gawa nung ininom ko hehe." tas pumunta na sya dance floor. Di naman sya masyado makagalaw at medyo masama talaga pakiramdam nya. Kaya maya-maya nag-aya na rin siyang umupo. Ang couple na Meg at Brix lang ang nandun na nadatnan nila.
"Where are they?" si Lance.
"Oh my gosh Alli help! Si Marcus kanina pa nanbubugbog sa labas!" si Monic.
"Huh? Bakit?" takang tanong nya. Tapos hila-hila sya nito palabas. At oo nga halos masira na mukha nung guy sa dami ng suntok ni Marcus.
"Kanina pa sya di nakikinig sa'ken Alli. Awatin mo bat ka nakatunganga." Ambilis ng heartbeat nya saka nilapitan ito.
"Stop it Marcus, stop, stop, stop! Mapapatay mo na sya." hitaw nya. Naitulak sya nito, walang pakialam sa paligid si Marcus. He looks dangerous.
"Alli!" sigaw ni Lance. Saka lang ito tumigil. Lumingon sa kanya.
"Sh*t." mura nito habang palapit sa kanya saka sya hinablot patayo at kinaladkad palayo. "Walang susunod!" sigaw nito. Halatang lasing na.

BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
RomansaPara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...