10AM na sya nakarating sa venue. Kundi pa sya kinulit ni Gwen kakamiss call sa phone sya e hindi nya talaga maiisipan ang pumunta. My God! Mas mag-eenjoy sya kung matutulog nalang sya sa bahay. Suot ang favorite shades, favorite gray swimming attire short-shorts, loose hello kitty shirt at gray slipper ayos na! Parang magsuswimming din sya.
"Ku, Mika. Walang humpay sa pagiging kj yang bestfriend mo. Kairita kasama." tamo tong si Claire gandang bati.
"Ganyan talaga yan yaan mo na bawi ka na lang mamaya." alam ko na balak nan ni Mika. Ganda nan e.
"Kelan ba mag-start yang searchee search na yan, mas masarap pa tomongga." pampagising yan ni Gwen e.
"Hay nako Gwen, dapat sa bar ka nagpunta hindi dito." si Anne.
"San ba ang cottage?" tinignan sya ng mga 'to infairness sabay-sabay.
"God Mika.. Maliligo na kami! Let's go!" si Claire. Ansama ng tingin ni Mika sa kanya.
"Kagigising mo lang di ba?" si Mika.
Napanguso sya rito. "E besty! Ginising kaya agad ako ni Gwen. Medyo blury pa ko."
"Ewan ko sayo." Okay may nakalagay Business Ad department. Holala! Deretso kay Fafa Marcus!
Nang medyo malapit na sya, aba, si Marcus humahalakhak. Bago yun ah! Pagsilip nya sa loob may kasama itong babae. Ouch medyo nakakaselos. Ilang linggo lang syang nawala, di na pala sya updated. Pumasok pa rin sya sa loob.
"Hi.." tumingin sa kanya yung dalawa. Okay awkward. Si Marcus nakakunot-noo na naman sa kanya. Hindi tuloy sya makangiti.
"Oh hi.. How may I help you?" sabi nung babae. Teka sila ba?
"Ahm.."
"What is it again this time Alli?" si Marcus.
"Ang hard mo naman labs. Namiss lang kita. Nagsuswimming sila Mika e wala akong kasama." sabay sandal nya sa gilid. Poker face lang.
"Oh, so, ikaw pala si Alliya." ngumiti sya rito saka tumango.
"Halika na, swimming na tayo Monic." si Marcus.
"Huh? Ah hindi pa ko magsu-swimming babe, mauna ka na sunod ako." sabi nito kay Marcus. Mag-ano ba sila?
"Sure ka babe?" si Marcus. Babe?
"Samahan ko muna si Alli. 'di ba sabi mo magkababata kayo?" tapos umalis na si Marcus. Deadma na naman ang beauty nya.
"Boyfriend mo si Marcus?" obvious na tinatanong pa ang bobo ko talaga.
Ngumisi ito sa kanya. "Bakit? Mahirap ba tanggapin na ang lalaking gusto mo at laging hinahabol mo e may girlfriend na iba?" taas-kilay pa ito sa kanya. Shemay ang sakit lang.
"Huh? Ah, nice meeting you nalang Monic. I'm Alliya by the way." umismid ito sa kanya. Ba't ganun porke ba girlfriend na'to ni Marcus gaganunin nalang sya? Ganun ba yun?
"Sige ha, pupuntahan ko pa si Marcus. Knowing him, napakamainipin. Bye, Alliya." tumango nalang sya. Sa hindi sya makapalag e. Nakakabigla e.
Tameme sya habang naglilibot. Hindi nya maintindihan ang nararamdaman. Gusto nyang umiyak pero di naman sya naiiyak. Sa batang puso pa lamang nya since then ay aminado sya sarili na gustong-gusto nya si Marcus. Kaya nga lagi syang nakabuntot dito since grade schooler until now na college na sila. Kahit harap-harapan sinsabi sa kanya ni Marcus na turn-off ito sa mga kagaya nya ay binabalewala nya yun. Immune na sya sa mga harsh na sinsabi nito sa kanya.
Sa kakalakad nya nakita sina Marcus, ansaya pa nga e. Nagtatawanan sila. Nilapitan nya ang mga ito.
"Marcus, girlfriend mo talaga si Monic?" utas nya rito kahit nakatingin sa kanya ang mga tao hindi sya nahihiya. Ano bang ayaw nito sa kanya. Maganda naman sya kahit hindi pangbeauty queen ang height nya. Sexy naman sya pang model nga daw e sabi ni Gab yung classmate nila sa isang subject na nakabiruan nya, kala nya lalaki may crush sa kanya yun pala bakla.
Kinaladkad sya ni Marcus. "Wala ka na ba talagang kahihiyan sa katawan?" inis na sabi nito sa kanya. Nakakainis ba talaga sya?
"Tinatanong ko lang naman. Bakit ba lagi nalang ang init ng dugo mo sa'ken?" nakatungong sabi nya.
Narinig nyang bumuntong hininga ito. "Gusto mo talagang malaman kung bakit Alli?" tumango na lang sya. "Ayoko ng bumubuntot-buntot ka lagi sa'ken. Bigyan mo naman ako ng kaunting kahihiyan. At may girlfriend na'ko. Ayoko magbreak kami ni Monic dahil lang dyan sa pagiging childish mo. Alam mo ba naiirita ako sayo everytime malapit ka saken kasi wala kang ginawa kundi ipahiya ako sa harap ng mga kaibigan ko. Just stay away from me Alli, alam mo bang ginhawa ko na nung nakaraang linggo dahil busy ka--"
"Stop it Kuya!!" hiyaw ni Mika. "Let's go Alli, akala ko ba matutulog ka, what are you doing here?" inis na sabi nito sa kanya.
"Wag kang bastos Mika, I haven't done yet." Maiiyak na sya. Hindi sya makatingin sa mga ito.
"Bestfriend ko yung ginaganyan mo Kuya! Anak ni Tita Lina and Tito Alex na bestfriend nina Mommy and Daddy. God, look how rude you--"
"Enough. It's okay Mika. Let's go." pag-aawayan na naman nila ko knowing Mika.
"But--"
"Na-gets ko na Marcus. Okay na. 'Di na kita guguluhin." nauna na sya sa mga ito at dumeretso sa cottage.
"Bessie.." si Mika. Natawa sya ng mapakla.
"I'm okay. Don't worry 'bout me Miks." ngumiti lang sya.
"Aw c'mon Alli, I know you're not." doon na sya napaiyak ng todo. Wala naman ginawa si Mika kundi patahanin at amuin ang bestfriend nya. Alam nya kung gaano nito kagusto ang kuya nya.
"Hush now beb. Magiging okay rin ang lahat."
Nakatulugan na nya ang pag-iyak. Antagal nyang nakatulog. Papadilim na sya nagising. Medyo blurd ang paningin nya dahil namumugto ang mga mata nya. Nag-shower na lang muna sya bago nagderetso sa katabing resto. Libre sa lahat ang ticket na binayaran nya kaya okay lang kahit saan sila kumain. Hindi nya makita ang mga kasamahan at isa pa mas gusto nya ngayon ang mag-isa.
"Hi.." sabi ng gusto nyang mag-isa. Napaangat sya ng ulo rito.
"Yes?" infairness gwaping.
"Ahm, pwede makiupo? Wala na kasing bakante." sabi nito. Tumango nalang sya, wala syang gana ngayon. Dapat pala hindi nalang sya um-attend naging worst ever pa tuloy ang araw nya.
"What?" utas nya kanina pa kasi 'to tingin ng tingin at nakakainis sa part nya 'yon gulay!
Natawa pa ito sa kanya. Aba! "Sure ka na hindi mo ako kilala?"
"Lahat ng classmate ko kilala ko. Sino ka ba?" mainit ang ulo nya di ba nga ayaw nya ng kausap ngayon.
"Okay, I'm Lance Lazaga." pakilala nito sa kanya.
"Alliya Seren."
"Bakit mag-isa ka lang? Asan na mga friends mo?" nagkibit-balikat nalang sya. "Nagswimming ka na ba? Tara samahan kita."
"No thanks." awat nya. "Sige una na'ko."
![](https://img.wattpad.com/cover/23031417-288-k852029.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
RomancePara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...