SLL XIII

26 0 0
                                        

"Ready, honey?" sabi ng Mama nya.

"Yeah, and a bit excited, Ma.." she giggles. Bago sa kanya iyon. Pakiramdam nya ay first time nyang makakatapak ng Pilipinas.

Pero hindi, paglabas pa lang ng Ninoy Aquino International Airport, somehow she felt the familiar scent of air. Napapikit sya at ninamnam ang simoy ng hangin. Ahh, it feels good. Buwan ng Agosto, mukhang tag-ulan, medyo malamig ang simoy.

"Hey, what date are you waiting for darling? C'mon, lets go! I'm kinda freeze." napamulagat sya sa Mama nya.

"Pssh.. sungit!" bago tuluyang pumasok ng sasakyan.

Tinanggap nito ang offer sa Pilipinas for good. According to her mother ay tumatanda na ito umano at gusto naman daw nyang mapakinabangan sya ng bansang kanyang pinagmulan which is which hindi naman nya tinanggihan. Oh how she loves to travel. Pero duda nya ay gusto nitong mapalapit sa pamilyang itinakwil ito dahil sa kasarian. Hmm, wala naman syang ideya kung sino at anong pamilya meron ang kanyang Mama Triz sa Pilipinas, malabo naman kasi ito magkwento at halatang iwas sa tanong.

Habang nakadungaw sa bintana ay hindi nya maiwasang mamangha sa mga nakikita, okay naman pala kahit wala sya sa Paris with her night outs and friends. Oh crap the friends, wala naman syang masyadong close doon dahil na rin sa iniiwas sya ng Mama nya. Masyadong sensitive umano ang kanyang ulo dahil sa nangyaring operasyon kaya't hindi nya maalala ang childhood nya.

"Where are we heading to, Mister?" narinig nyang tanong ng Mama nya sa driver.

"Sabi po ni Sir ay deretso daw po tayo sa company.." sagot nito.

"Oh, okay. Darling, wake me up when we get there." sabi nito sa kanya and then she nod.

Nang makarating ay agad na sinalubong sila ng mga guard sa sobrang dami ng reporters. Ano pa bang aasahan nila, hindi biro ang galing ng Mama nya sa mundo ng fashion. She is the goddess. Safe silang nakapasok sa loob. Bumulaga sa kanila ang isang malaking lobby, a big company. Sa pagkakaintindi nya ay clothing director ang offer sa Mama nya ng may-ari which is an exporting company ng mga tela and garment designs. Deretso office sila ng office Chairman of the board. Mr. Adriano Buenaventura nabasa nya.

"Good afternoon, Ms. Merin." nakipag-kamay sa kanila. Sa tingin nya'y mga shareholders ng company.

"Same here." sagot ng Mama nya .

"Good afternoon po.." sabi nya, nakangiti, bahagyang yumuko bilang paggalang.

"We didn't expect the commotion outside. Ang daming reporters." nakangiting sabi ng Mama nya bago inaya sila mukhang conference room for lunch.

Habang kumakain ay tahimik lang sya. Sila-sila ang nag-uusap. Ngumingiti lang sya sa mga ito at panaka-nakang nakikisali kapag napapag-usapan sya. Of course she was her model.

"We held a welcome party for both you tomorrow night sa may tagaytay ang venue. Ang company driver na ang susundo sa inyo."

"Oh, such a warm welcome Chairman. Thank you." napangiti rin sya. Her Mom deserves it. Ang isang kagaya nito ay titingalain mo talaga.

Ikaw Na Lang ang KulangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon