Nagkukot ang loob ng mga kaibigan ni Mika ng hindi natuloy ang mga plano nila kahapon dahil hindi umuwi si Alli at may pinagkakaabalahan di umano kaya naman two days silang off duty ngayon! Nakapagfile tuloy sila ng 1 week leave para 'di naman sayang. She can't helped but to rolled her eyes sa mga byernes santong mukha ng mga ito. Kontrabida ang mga drama!
"Kayong tatlo, kahapon pa kayo dito! Aba! Inaabuso nyo ang kusina ko." nagtawanan ang mga ito sa inasal ng Mommy nya na syang taga luto lagi ng ulam katulad ng kahapon.
"Patok na patok ang luto mo, Tita! Yumyum kaya!" si Claire na syang pinakabolera naman talaga sa kanila. Inismiran nya ito. Tinaasan sya nito ng kilay bago tinuon sa mga cookies na nakahain na pinaghirapan ni Tita Lina at ng Mommy nya.
"Ikaw talaga, Macon pagbigyan mo na. Para naman 'di tayo ma-bore dito. Aba, ikaw kaya lagi kong nakikita dito sa kusina." napahagalpak sila sa biro ni Tita Lina. Sumimangot ang Mommy nya saka namewang.
"Aba! Ako na taga-alaga mo at clown mo ginaganito mo na lang? Kamusta naman ang hustisya no'n, Kumars?" napatirik sya ng mata.
"Ang arte mo, Mom. Dahil dyan wala kang hustisya." nagulat pa sya ng biglang iwaksi sa kanya ng Mommy nya ang sandok. "Ma!" tawanan ang mga kaibigan nya. Sinamaan nya ng tingin isa-isa ang mga ito. Kaimbyerna.
"Wala ka talagang respeto sa nakakatanda, Mikaelang!" hagalpakan lalo ang mga kaibigan nya. Sinimangutan nya ang mga ito.
"Ang cool ng Mom mo, Miks!" si Anne. Walang humpay ang tawa ng mga ito.
"I'm home!" nagsitahimikan ang mga ito at umayos ng upo. Ang paplastic ng mga ngiti!
"Hi, Al!" si Gwen.
"Oh, andyan ka na pala 'nak.." si Tita Lina. Tapos humalik ito sa dalawang matanda saka sa kanila.
"So? Anong meron at ang daming food?" nakangiting tanong nito.
"Ah, madami tayong kakain." si Mommy. "Dahil sa mga patay gutom na yan. Wala ng makain sa kanila." turo ng Mommy nya isa-isa sa mga kaibigan nila. Naghagikhikan ang mga ito. Ang sakit sa ulo ng Nanay nya!
"Oh pa'no, ako'y magpapahinga muna. Matutulog lang ako saglit saka ako makakihalu-bilo sa inyo mamaya." si Tita Lina. Napansin nyang naging malungkutin ito simula ng gabing nag-dinner si Lara sa bahay. Lukso ng dugo? Hindi na rin ito masyadong magiliw kay Alli. May lamat na kumbaga.
"Sleep well, Auntie." pahabol ni Anne. Pabor na pabor sa kanila para 'di nila masyadong iisipin ang reaksyon ni Tita Lina. Ni hindi man lang inihatid ni Alli ang kanyang Mommy. Nakakapagduda lang talaga.
"Puntahan na lang kita 'dun, Mars ha!" pahabol ng Mommy nya.
Nilantakan nila lahat ang pagkain sa mesa. Masaya kuno silang nagkukwentuhan sa mesa. Pati ang Mommy nya ay kasabwat nila.
"Eto, tikman mo'to, nak. Naku, especialty ko yan ha! Bawal hindian yan, masarap yan!" alok nito kay Alli. Pinaglagay pa sa plato. Kita mo, Mommy nya na ang nagpakain sa kanya nyan ha. 'Pag nagka-aberya labas silang apat! Si Mommy ang salarin. Wala muna syang Mommy ngayon hihi!
Nakatanga silang lahat. Nitikman na ni Alli. Para syang sinisilihan. My God! Nakakakaba.
"Hmm, ang sarap po nito, Tita." sabi nito. Tumaas ang kilay ng Mommy nya. Masama na ang timpla.
"Eto pa, hija.. 'wag na wag kang mahiya. Feel at home to eat." alok pa nito na nakangiti. Pinipigilan nung tatlo ang tumawa. Pinanlakihan nya ang mga ito ng mata. Makuha sa tingin. Halos naubos na nito ang buong bowl. Sigurado silang madaming peanut iyon.
Naalala nya nung mga panahon na hayok na hayok kumain si Alli ng ulam na 'yon walang patid. Lumarawan si Lara sa balintataw nya, iisa ni Alli, ganun na ganun. Nang pagpasok nito ng sala nila nakalagay ang kuko nito sa bibig, si Alli yun pag kinakabahan, nang ialok nya rito ang beef soup kinain din 'yon ni Lara at sinabi sa kanya na favorite nito iyon. Pakiramdam nya tutulo na ang luha nya sa sobrang pagkasabik. Tumingin sya sa kaharap, may bahid na arte ang paraan ng pagkain at pagnguya. Si Lara? Kahit sabihin nito ng paulit-ulit na hindi ito si Alli pero ibang-iba naman ito sa Alli na kaharap nila ngayon. Si Lara si Alli, unang kita nya palang sa mga matang nagtataka sa inasal nya ay alam nyang ganun magtaka si Alli!
![](https://img.wattpad.com/cover/23031417-288-k852029.jpg)
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
RomancePara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...