Kanina pa ikot ng ikot si Alliya. Naman! Yung wallet nya. Pa'no sya kakain. Nagkataong wala pa naman si Mika at may inasikaso. Ayaw naman nya magtanong sa ibang kasamahan at nahihiya sya. Aba, kay Mika lang makapal ang feslak nya 'no.
"Alam mo Alli kanina pa kami nahihilo sa'yo. Pumirmi ka nga." yamot na sabi ni Claire. Okay 'di nya talaga makita.
"Oh ano Alli, tara na lafang na! Aba, kanina pa nagwawala lamang loob ko. Ano bang hinahanap mo?" si Anne.
"Ahehe, mauna na kayo guys. Puntahan ko lang si Marcus." di na nya pinansin sasabihin ng mga 'to takbo agad sya puntang business ad department. Aba! Nagwawala na rin kaya mga lamang loob nya at hindi sya pwede malipasan ng gutom hihi.
Pagdating nya doon ay may pinagkakaguluhan ang mga estudyante. At dahil likas ang pagiging tsismosa nya, okay mamaya na sya kakain makikinood muna sya. Sayang, walang popcorn ang ganda ng laban e. Pang action movie. Kanda haba ang leeg nya.
"Ano ba wait lang." sino ba 'tong kulbit ng kulbit. Kainis ha 'di ba nya nakikita ang ganda ng palabas. Favorite 'to ni Marcus e kaya peborit nya rin. "Sabi ng--" speaking of my labs! "Ahehe, labs hihingi talaga ako ng pera kasi kakain ako, napatingon lang ako dito ang gulo kasi e." nagtawanan naman ang mga kasama ni Marcus.
"Princess, kanina ka pa namen nakita bago ka pa nakinuod dyan. Hahaha!" si Jake.
"Hanep ka naman talaga Alli. Pustahan naisip mo pa ang popcorn hahaha!" si Greg.
Okay. No comment. "Pengeng pera wala akong pambili ng pagkain e." sabay lahad nya ng kamay kay Marcus. At teka! "Sabi na e, may crush ka rin sa'ken, kita mo bat na sayo wallet ko?" nang-uusig na tinignan nya to. Pinitik sya sa noo. "Aww. Ang brutal mo talaga labs." nakangusong sabi nya rito. Iiling-iling ang mga tropa nya. Walang pakinabang pssh. At tulad ng dati susunpd na naman sya tapos deadma na ulit sya. Hay, yung mga birthday wish nya di pa natutupad sa loob ng 18 years of existence nya.
"Ano na naman ba! Ba't ka ba sunod ng sunod?" ingos ni Marcus.
"Huh? Sa cafeteria ang punta ko. San ba kayo?" Okay inosente awardee sya ang galing nya. Saka half true yun!
"Hahaha. Nice one Alli!" si Andrew tapos kinindatan nya, naappreciate sya e hindi biro yun may cheerer sya. Nauna na sya.
"O kita mo, ayaw mo kasi aminin ako talaga sinusundan mo." exit agad sya hihi ansama ng tingin ni labs e. Tapos haggang tawa na naman mga barkada. Andaming tao. At 'pag sinuswerte ka naman talaga wala na syang mauupuan kundi kina Marcus pa rin.
"What?!" nakatunghay si Marcus sa kanya. Pero...
"Ands, thanks sa reserve ha. Alam mo talagang wala na 'ko mauupuan. Napakabuti mo." sabi nya kay Andrew. Tawanan na naman mga kaibigan nya. Aba! Bentang-benta talaga sya sa mga 'to kaya labs ko rin mga to e.
O, wag titingin kay Mahal, iwas lang at kumain. Patay malisya.
*****************************
Mabilis lumipas ang isang buwan. Busy ang department nila sa dami ng seminars at training. Hindi biro ang maging involve sa medisina masyadong delikado buhay ang nakataya kaya dapat lagi seryoso. Antagal na rin nyang hindi nakikita si Marcus, miss na miss na nya ito. Isang linggo nalang at acquintance party na ng University nila.
"Guys, ready na ba kayo? Excited na'ko. Sa splash island daw gaganapin ang party. Alam na! Swimming attire!" si Anne. Okay, boring para sa kanya hydrophobic kaya sya. Nakiki-swim suit nga lang sya pero di sya naliligo.
"Really? Edi maige. Inuman to the max!" mukhang alak talaga yang si Gwen.
"Sure na ba yun?" tanong nya.
"Oo friend. Beach ata ang theme ng searching for Ms. ACU2014." napatingin sya sa mga 'to.
"Bakit, wala bang contestant?" kita mo na pareho din kami mag-isip ni Mika. Umiling ang dalawa.
"Sabi nung sister ko, dun daw hahanap ng Mr. and Ms. Campus, parang buong hapon 'til midnight something like that." kibit balikat ni Gwen. Okay alak lang talaga habol nan.
"May cottage ba?" kunot noo naman ang mga 'to.
"Makikitulog lang yang si Alli, 'hydrophobic yan." si Mika.
"Meron ata per department." si Claire. Okay makikitulog nga lang sya. Aba, hindi biro mga ginawa nila nitong nakaraan ang dami kaya. Cumpolsary yon porsyor kaya wala syang choice kundi maki-beauty rest atleast 'di ba present sya.

BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
RomancePara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...