"Kuya, ayoko nga sumama for Pete's sake, rest day ko tonight." matapos ang ilang gabing busy si Mika sa Hospital, bilang isang nurse ay mahirap. Kasalukuyan syang kinukulit ng Kuya nya sa isang welcome gathering umano nina Andrew para sa clothing business ng mga ito. Isa kasi ang Kuya nya sa may malaking shares sa kompanyang yon, pero mas tinututukan nito ang family business nila which is mga parts ng malalaking shipping materials inside and outside abroad. International shipping tools.
"So, si Natalia nalang partner ko?" Sinamaan nya ng tingin ito. Alam nito kung pa'no nya hindi magustuhan si Natalia na dating nalilink dito.
"Blackmailer!" ingos nya rito. Nginisihan lang sya nito. Kainis! Wala na syang nagawa. Pabuntong hininga nya munang tinignan ang picture ni Alli bago nag-ayos. I miss you, bessie..
*******************************
Isang crystal halter black dress na isang malaking V-shape ang tabas sa likod, isa sa mga designs ng Mama nya ang suot nya ng gabing yon. Kita na halos ang buong likod nya pababa sa hanggang bewang. Match with her 4 inch heels silver shoes. Isang simpleng evening dress naman ang sa Mama nya na silver at kumikinang sa gabi na tinernuhan ng favorite stilleto shoes nito. Nakasilver clip lang ang kaliwang bahagi ng buhok nya at inilugay lang na natural na nakakulot ang dulo.
"Fabulous! So beautiful honey!" puri nito sa kanya."For sure madaming lalaki ang maglalaway sa'yo dun. Hmm, dadaan muna sila sa alindog ko." tawa sya ng tawa dito.
"Syempre, Mother like daughter. Ang ganda mo rin kaya, Ma." ngiting sabi nya rito.
"Hmm, you really know how to make my night, darling!" at saka ito humalik sa pisngi nya.
"C'mon, we better go, medyo mahaba byahe natin." she just nod.
Mahaba-haba ang byahe nila, from Makati Hotel kung saan sila pansamantalang tumutuloy to Tagaytay kung saan ang venue.
Nasa labas pa lamang sila ng venue ay pinagkakaguluhan na ang sasakyan nila. Sanay sila sa atensyon kaya balewala sa kanila ang mga ganitong pagkakataon. Pagbaba ng sasakyan ay ngumiti sila sa mga taong naroroon. Panay kislap ng camera ang sumasalubong sa kanila.
Palakpakan ang mga tao ng makapasok sila. Todo ngiti sila ng Mama nya.
"Welcome to the Philippines, Ms. Merin." bati ng isa sa mga bisita.
"Thank you, it's good to be here also."
"I like your daughter's outfit tonight, so beautiful.." namamanghang sabi sa kanya ng isang Ginang.
"This is one of my mother's design, po." kyemeng sabi nya rito na binigyan ng pinong ngiti.
"Brina Himedez, darling." sabi nito nakangiti.
"Oh, nice to meet you po. Lara Merin po.." tapos nkipagbeso rin sya.
"Ang ganda ng daughter mo, Ms. Triz." puri sa kanya ng isang Ginang pa. Nginitian naman ito ng Mama nya bago kumindat sa kanya parang sinasabing I told you.
Lumapit sa kanila si Mr. and Mrs. Buenaventura. May kasamang dalawang lalaki at isang babae sa tingin nyay magkaedad lamang sila. Hindi nya pansin ang titig sa kanya ng mga ito dahil halos lahat naman ay nasa kanila ang atensyon.
"Ms. Merin, this is my son, Andrew Buenaventura. The CEO of the company, one of the company's directors Mr. Marcus Alejandro and her sister Mikaela Alenjandro." nakangiting pakilala sa kanila. They gave their best smile and shots.
Panandaling nawala ang ngiti nya sa mga ito na kataka-takang matiim ang titig sa kanya.
"Nice to meet you, Mr. Buenaventura. I'm Triz Merin and this is my daughter Lara Merin." ang Mama nya. Napatingin sya rito at ngumiti ng tipid. Maging ito ay nagatataka sa asal ng tatlo. Naiilang man ay inabot nya sa mga ito ang kamay ng nakangiti.
"Nice to meet you, I'm Lara Merin.."

BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
RomansaPara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...