Hindi nya alam kung baki sya nasa harap ng building na iyon. Hindi nya alam kung pa'no sya nakapunta basta nasa isip nya lang daan. Pamilyar na pangitain. AS, Inc.
"Alli?.." napalingon sya. Si Marcus nagtatakang nakatingin sa kanya. Kabababa lang ng kotse.
"I'm Lara." Gulat ang rumehistro sa gwapong mukha nito. Oo nga naman paano syang makakapunta doon kung sya si Lara. Napansin nya na rin ang panglalalim ng mga mata nito. Isa ba sya sa mga dahilan nun?
"Come, doon tayo sa loob, wag dito baka may dumating na reporters." saka sya nito kinaladkad papuntang elevator. Hindi nya mapigilan ang mamangha sa loob. Ang ganda. Pinagtitinginan din sila ng mga empleyado. Nagtataka siguro kung sya si Alli o si Lara. Ngumiti lang sya ng tipid sa mga ito.
Pumasok sila sa isang office. Office nya. At iniupo sya sa isang sofa. Saka ito tumabi sa kanya. "Paano kang nakapunta rito?" tanong nito. Galit ba sya?
Napakurap sya. "H-hindi ko rin alam.." halos pabulong na sabi nya.
Huminga ito ng malalim bago nagsalita. "Paanong hindi mo alam? This is my company. Masyadong tago ang lugar na'to at pupunta lang ang mga tao dito pag kinakailangan." Tinitigan nya ito. Nakapikit ang mga mata nito na nakasandal, na halatang nahihirapan.
"Hindi ko talaga alam, basta naalala ko lang ang daan.." paliwanag nya. Kumunot ang noo nitong tinitigan sya ng matiim.
"Paanong naalala? Bakit, may amnesia ka ba?"
"Huh? Hindi ko alam, siguro.. Kasi, inoperahan ako seven years ago sa ulo.." pakiramdam nya ay nagising nya ang diwa nito.
"What do you mean?" usisa pa nito.
Napayuko sya. Nang-uusig ang mga mata nito. "Iyon ang kwento ni Mama. At iyon lang din ang naaalala ko, seven years of my exitence, only in Paris." titig na titig ito sa kanya. "Why?"
Umiling ito. "N-nothing.." saka binalik ang pagkakasandal sa sofa. Tinignan nya ito ng maige. Pamilyar na pamilyar.
"Marcus, okay na ba sa bahay n'yo? Nag-away ba kayo ni Alli dahil sa'ken?" kumunot ang noo nito pero hindi nakatingin sa kanya.
"Bakit mo naitanong kung nag-away kami?"
"Ewan ko, ang lungkot kasi ng mukha mo.." amin nya rito. "We're going back to Paris, Marcus. Ayaw na ni Mama mag-invest dito." hindi nya alam kung bakit nya sinsabi yun feeling nya gusto nyang magpaawat dito.
"That's good then.." gusto nyang maiyak sa sagot nito. Bakit kasi asa pa sya.
"Pwede ba akong humingi ng favor?" tumango lang ito.
"Gusto kong.. Gusto ko sana, ipasyal mo 'ko kung saan kayo nagkahiwalay ni Alli.." hindi nya maintindihan pero pakiramdam nya doon masasagot ang mga familiarities na nakikita nya.
"Bakit doon?" tanong nito.
Umiling sya. "Ewan ko, gusto ko lang.." nakangiting sagot nya rito. Hindi nya magawang mailang sa mga titig nito. Ang gwapo nito kahit nakakunot ang noo.
"Okay, ngayon na ba?" ang sakit nito mambalewala pero immune ang pakiramdam nya. Sanay ba sya?
Umiling ulit sya. "Last favor na.." tumingin ito sa kanya.
"Spill it."
"P-pwede ko bang.." napalunok sya. "Pwede ko bang madalaw ang Mommy ni Alli? Baka makatulong akong makumbinsi sya na hindi talaga ako si Alli." ang sakit ng mga salitang binibitiwan nya.
"What for? Guguluhin mo lang lalo ang isip nya. I love Tita Lina so much, Lara. Hindi ko hahayaang masaktan sya ng paulit-ulit." utas nito.
"Hindi ko naman gagawin 'yon. Ewan ko pero gusto ko lang talaga syang makita. Please.." pagmamaka-awa nya rito. Maiiyak na sya.
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
RomancePara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...