Umaga kinabukasan ay ang sakit ng ulo nya. Darn hang-over! Tumingin sya sa side table. Alas dyes na ng umaga. Nag-shower muna sya at nagsuot ng sando at board shorts bago napagpasyahan bumaba para makapag-breakfast.
Paglabas nya ay saktong lumabas din si Lara. Mukhang kagigising lang din at kakapaligo gaya nya. Nakabathing suit ito na puti na tinakipan lang ng over size hello kitty shirt na hindi na lumagpas haggang pwet. Napalunok sya sa tanawing iyon. Ang ganda ng hubog ng katawan nito lalo na sa bandang pang-upo na sinamahan ng maliit na bewang. Napamura sya, maaga pa para dun. Okay na rin ang balat nito bumalik na sa dati. Wala ng marka ng mapupula.
"Hi, good morning.." bati nito sa kanya.
"Morni'n.. Magbe-breakfast ka ba? Sabay na tayo.." Nakangiting aya nya rito. Bahagyang nagulat pa ito, medyo atubili.
"Ah, s-sige.." tapos tinungo nila ang elevator.
"Ba't naiwan ka? 'Di ka kasama sa shoot?" naisipan nya lang itanong. Ewan nya.
"Huh? Ah, takot ako sa laot, never ko pa triny magpunta ever since. Kahit nga magswimming sa pool hindi ko magawa." natigilan sya dun. Bakit hindi? Ganun si Alliya. It's her most fear in life. Her weakness.
"Hey! Kung hindi ka aalis dyan, ikaw nalang magiging breakfast ko!" napakurap sya ng ilang beses. Sh*t ang dami na palang nakatingin. Lumabas sya ng elevator at hinabol si Lara. Kailangan nyang malinawan.
Matapos mag-order ng pagkain at humanap ng mauupuan ay saka nya ito hinarap.
"B-bakit ka takot sa tubig?" tanong nya. Sh*t kinakabahan talaga sya. Para syang nasa hot seat.
"Huh? Ah, hindi ko alam eh basta takot ako, naramdaman ko lang." sabi nito na nakatuon ang pansin sa pagkain. "What's wrong? Bakit di ka kumakain?"
"Huh? Ah, Oo." bago kumain sya. Nakita nyang ngumiti ito.
"Mas gwapo ka kapag ganyan ka, kalmado. Kamukha mo na yung mga lalaki sa France." sabi nito kahit may laman ang bibig. Hmm, Alli's gesture.
"Gwapo naman talaga ako." kinindatan nya ito. Haha, kitam, ang pula nya.
"Ang yabang nito. Ba't ko ba sinabi yun?" bubulong-bulong ito sa sarili pero naririnig nya. Hindi nya mapigilan ang sariling ngumiti. Ang ganda nya! It's a good start sa pag-itan nilang dalawa. "Pwede ba tayong mamasyal? Hindi kasi ako sanay sa ganitong lugar, ikaw lang pati kilala ko."
Ngumiti sya. "Okay, mamamasyal tayo." halos manlaki mga mata nito sa tuwa. Parang si Alli 'pag napapaboran. 'Di nya mapigilan ang mapabuntong hininga sya. Bahala na.

BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
RomancePara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...