Nagising ang dalaga medyo maliwanag na. Nabungaran nya ang Mama nya.
"What happened?"
"Oh God, Darling! I'm so worried." worried na tanong sa kanya ng Mama nya.
"Di ba mamaya ka pa uuwi? Bakit andito ka na?" tanong nya habang hinihilot bahagya ang ulo.
"Tumawag si Mr. Alejandro and she told me about your situation. kagabi pa'ko nakauwi, honey. Ano bang nangyari?" ang naalala nya lang ay ang mga lalaki na nambastos sa kanya. Kinilabutan sya kung pano sya hawakan ng mga iyon. Tapos niligtas sya ni marcus. Sumakit ang ulo nya kagabi, may mga pangyayaring nagrereflect sa utak nya pero hindi nya na uli maalala.
"I dunno, Ma. Biglang sumakit ang ulo and then wala na, blank na." sagot nya na lang dito para di masyadong mag-alala.
Huminga ito bago nagsalita. "Gusto mo ba magpacheck-up? You know how sensitive you are, konting ingat naman, nak." ngumiti sya rito.
"Ma.. I'm okay now, don't worry too much okay?" saka nya ito hinaplos-haplos sa braso para kumalma. Knowing her Mom wala itong hindi pwedeng gawin makumbinsi lang na okay lang sya. "Asan pala si Marcus, makapag-thank you man lang ako."
Natawa sya ng tumikwas ang kilay nito. "Firt name basis na agad kayo e kahapon lang kita iniwan dito." biro nito sa kanya.
Ngumuso sya. "Wala namang meaning 'yon. Ang dumi mo mag-isip, Ma. Kulang ka sa lovelife." bullseye! Haha. Sumimangot ito. Ayaw nito makipagrelasyon sa kahit kanino, peperahan lang daw sya ng mga ito di umano at 'yon naman ang kinakatuwa nya rito hindi ito katulad ng ibang bakla na lalaki ang pinakamahalaga sa buhay.
Lumabas sya ng suit pagkatapos mag-ayos. Saka sya kumatok sa kabilang suit. Nabungaran nya si Andrew na papungas-pungas pa. "Sorry, naabala ba kita?"
"It's okay. What is it?" tanong nito.
"Andyan ba si Marcus?" bahagyang nagulat ito nagtatakang tinignan sya.
"Wala na sya rito eh, nasa manila na 'yun by now. May emergency sa bahay nila." sabi nito.
"Ah ganun ba? Sige ha, magte-thank you sana ako kahapon." hindi nya naitago ang panghihinayang.
Ngumiti ito. "Sige, ako nalang magsasabi sa kanya."
Ngumiti sya saka tumango. "Thanks."
******************************************
Natapos ang buong linggo ng photoshoot ay walang Marcus na bumalik doon. Halos ma-bored sya ng husto at simpleng tingin lang sa mga photos nila ni Marcus. Hindi nya alam pero namimiss nya ang binata. Kaya naman excited na sya ng araw na 'yun dahil pabalik na sila ng Manila.
Habang sakay ng chopper ay kung anu-ano ang mga naiisip nya pa'no sya makakalapit ulit sa binata. Ngayon sya nakakaramdam ng hiya. Sumasakit na naman ang ulo nya. Napahilot sya bigla sa sintido.
"Are you okay? Deretso tayo sa hospital for your check-up?" ang Mama nya nakatingin sa kanya. kanina pa siguro sya pinagmamasdan.
Huminga sya ng malalim bago tumango dito. "Okay."
Alam nyang hindi sya titigilan nito tapos niyakap sya nito at inihilig sa balikat nya. "Sleep now, darling. Don't think too much." napangiti sya sa ginawa nitong iyon. She felt home. At nakatulog na sya.
**********************************************
Nagising sya sa mahinang tapik sa pisngi. Andito na sila. Makababa lang ay nakita nyang naghihintay sa kotse nila ang driver nila.
"Thank you for the whole week, Mr. Buenaventura." paalam ng Mama nya. Ngumiti sya kay Andrew.
"My pleasure, Ms. Merin." tumango ito sa kanya bago tuluyan silang naghiwa-hiwalay.
Sa isang malapit na hospital sila tumigil. Atubili man ay sinundan nya ang Mama nya. Pumunta ito sa may reception area. Tinanong si Dr. Florencio tapos sinamahan sila sa isang office.
"Good day, Ms. merin." sabi nung doctor. Mukhang ineexpect na darating sila. Magkakilala siguro. Hindi nya napansin ang isang nurse sa sulok na syang nag-aasist sa isang bata.
"Good day, Doc. This is my daughter, Lara." ngumiti sya rito bago nakipagkamay. "Inoperahan sya seven years ago sa may bandang ulo sa America katulad ng kwento ko sa'yo. I'm just afraid na baka kung anong mangyari sa kanya, napapadalas ang pagsakit nya ng ulo nitong nakaraan." tumingin ito sa paligid. "Can we talk to you in private?" tapos giniya sila sa sang private room. Bago magsara ang pinto ay nakita nyang nakasilip yung babae sa coffee shop. Si Gwen? So, nurse sya?
"Anong reason bakit sya naoperahan Ms. Merin?" tanong ng Doc.
"Hindi ko alam ang exact na pangyayari bago ko sya ampunin, but according to her doctor ay may namuong dugo dito at kailangan maoperahan ASAP. And they did. Successful naman. After nun ay wala na syang maalala about her childhood memories." paliwanag ng Mama nya tapos bumaling ang Doctor sa kanya.
"Anong dahilan at sinasaktan ka ng ulo, hija?"
Naguluhan sya. "I dunno.. may mga nagrereflect na mga pangyayari tapos nawawalan na'ko ng malay, hindi ko na maalala."
"Sige i-check na'tin yan. Maybe, ayon na ang mga sintomas na pwedeng bumalik ang ala-ala mo." Sa sunod na sumakit ang ulo mo bumalik ka dito. Hindi natin pwede galawin yan ng hindi alam ang dahilan kung bakit may namuong dugo sa ulo mo. Masyadong delikado." Tapos niresetahan sila ng gamot. Napatango nalang sya tapos niyakap sya ng Mama nya.
******************************************
Ilang araw pa ang lumipas pero walang Marcus syang nakikita sa company. Nagulat na lang sya ng makatanggap ng invitation kay Andrew.
"Engagement Party?" nagtatakang tanong nya. "Kanino?"
"Kay Alliya." hindi ito nakangiti, blanko lang ang expression. "Saka kay Marcus." napasinghap sya ng marinig ang pangalan ni lalaki.
"Nakita na nila si Alliya?" mahinang tanong nya. Para syang kinakapusan ng hininga. "Pinabibigay nya ba 'to?" pakiramdam nya nasasaktan sya.
"Just come, Lara. You'll be my date." sabi nito bago umalis na sa office ng Mama nya. Ang gulo. Wala syang maintindihan. Bakit naman sya iimbitahan ng mga ito? Isang araw lang naman nya nakilala ng husto ang lalaki. Pero bakit pakiramdam nya matagal na? Pamilyar na sakit. Mahapdi.

BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
Любовные романыPara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...