SLL VI

28 0 0
                                    

Tahimik sa harap nya ang apat. Parang alam na nya kung bakit tamilmil ang mga ito. Kasalukuyan silang nasa reserve area para sa party night searching for Ms. Campus nila.

" What's with your face girls? Seriously, kelan pa kayo naging serious type?" ingos nya sa mga ito. Ayaw naman nyang hindi mag-enjoy ang mga ito dahil sa kanya.

"Tsk. Si Anne naman kasi kanina ko pa gusto tomongga! Ang OA lang. psssh." si Gwen. BI yan samen e kaya kami natuto mag-inom at magbar pasimuno yan. Pero sigarilyo naman ang hindi namin gagawing bisyo kahit kelan.

"Gosh Gwen! Napaka mo talaga!" ingos naman ni Claire.

"Kesa magmukmok tayo, lalo lang natin pinapalala ang problemang puso ni Alli, C'mon guys let's party." si Anne.

"Bessie." si Mika nakanguso sa kanya.

"I'm okay ano ba kayo. Sige let's have a truce, boy hunting tayo. Hanap tayo pakner tonight." sabi nya sabay tungga dun sa beer na nasa harap nya.

"Sisiw." ingos ni Anne. Hindi naman biro ang mga babae sa Nursing department sadyang magaganda naman talaga. Sya nga lang ang pinakamaputi sa kanilang lima sumunod si Mika na medyo nahaluan ng pagkamorena pa namana kay Tito Kael.

Lumalalim na ang gabi ng magsalita ang emcee para sa game searchee search Ms. Campus. Marami na rin silang ka-table na guy. May tama na rin ang mga kasama nya. Hindi naman nya gusto ang beer kaya di sya masyadong makatongga. Medyo nagblurd pa paningin nya ng mapatapat sa kanya ang spotlight.

"Hey, tinatawag ka ng emcee. You're spacing out friend." si Anne. Napalingon sya sa paligid. Lahat ay nakangiti sa kanya.

"Ahm, what?" takang tanong nya. Tapos lumapit sa kanya ang emcee.

"From what department are you Miss in hello kitty shirt?" nakangiting tanong nito sa kanya.

"Ah, Nursing.."

"Oh, ngayon naniniwala na'ko na magaganda talaga ang mga babae sa nursing department natin." sabi nito medyo nahiya naman sya dun, kung magsabi namam kasi ng totoo live na love hihi. "Pwede ka bang maimbitahan sa stage?" lumingon sya kay Mika mouthing bakit? Ngumiti lang ang mga ito. Okay wala syang choice bawal pahard-to-get.

"Choose one game for you." tapos kinuha nya ang envelope na inoffer. Okay wala syang idea kung anong nangyayari. "Here's the catch, if you win over this game, you're gonna date a man from Business Ad Department." hiyawan ang mga taga business ad halos mga kakilala nya naman kasi. Ayst, bored na sya tuloy pero 'di nya nakalimutan magsmile. Aba! Beauty pageant to hihi dapat photogenic rin sya kahit broken hearted. "But let's decide first kung sino ang man of your game tonight." sabi ni kuyang emcee on his teasing tone. "Anyone who want to be dated by her?" tahimik bigla ang paligid. Ay, ayaw nila ko idate?

May nagtaas ng kamay. Wew thanks heaven. I'm saved. Wait, ano nga pangalan nito? Eto yung guy na makulit kanina e. Schoolmate pala sila. Ba't di nya alam na nasa business ad department pala 'to.

"Oh, so type ng soccer captain ang ating searchee number one?" tumawa naman si kulit. Okay, anong game nito. Napatingin sya sa pumasok, si Marcus at Monic magkaholding hands. Okay patay malisya muna bawal umiyak.

"Okay, dun tayo sa may pool area. Kasi, ang game is about to dive and search for a prize and the romantic place for your date. You're gonna help each other para mas madali in two minutes." Napipi naman sya bigla. 'di sya ready dun, antagal na nyang 'di nagsuswimming. Never nya ulit triny since the day of the accident.

"Ahm.." God, hindi pa sya mapapahiya sa buong buhay nya. Help!!

"Ready?" tanong ng emcee.

"Ah wait, what's the consequence if ever sya lang po ang nagdive? Blurd po kasi mata ko pag gabi kaya hindi ko rin po sya matutulungan."

"No, you need to dive. It's part of the game." etong emcee na'to 'di makahalata. Napalunok nalang sya.

"It's okay, kaya ko naman mag-isa. Mukhang di sya okay sa tubig, I can manage." woaah maniniwala na'ko na angel in disguise kita. Ide-date kita kahit san.

Natawa naman ang emcee. Kumbinsido. Bading 'to porsyor. 'Tas ayon nga, sigawan mga estudyante, aba, sikat ata 'to e andaming taga hanga e. Maya-maya pa nakuha nya yung prize. They've got a three thousand cash for their date. Okay na rin. Siguro naman mag-eenjoy sya kasama hunghang na'to.

And the show goes on, madami rin ang nakuhang couple pa. Huling couple sina Monic at Marcus. That made her heart into pieces again. Lahat sila ay kinuhang Mr. and Ms. Campus contestant pero next week pa malalaman kung sino talaga ang searchee. Wala naman syang pakialam dun kasi wala naman syang alam sa mga ganito. Hindi nya naman kasi hilig.

"Etong couple date natin, magdedate muna kayong couple and then the last part sama-sama kayo in Puerto Princessa." Okay another beach. Di na naman sya mag-eenjoy. Andaming sinabi nung emcee gang sa huli wala na syang naintindihan. Sinulyapan nya mga kasamahan kita mo na wala rin silang hilig 'tomba' na si Gwen at Anne. At sya inaantok na sya.

Ikaw Na Lang ang KulangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon