SLL XVI

25 0 0
                                    

Makalipas ang isang linggo ay okay naman ang pamamalagi nila ng Mama nya sa Pilipinas. Hindi man maintindihan ang sarili kung bakit gustong-gusto nya sa lugar na ito ay hindi na nya inalam pa, sumasakit ang ulo nya kakaisip lalo na ang mga pangyayari sa gathering nung nakaraan. Humingi naman ng dispensa sa kanila si Andrew Buenaventura sa mga nangyari. Napagkamalan lang daw na kakilala sya ng mga ito. Gamay na gamay na rin nya ang trabahong ibinigay ng mga ito bilang kanang kamay ng Mama nya. At 'yon rin naman talaga ang gusto ng Mama nya para mas masanay sya at makuha nya agad ang hilig nito.

Rest day niya, sakay ng kotse, paalis ng bahay na nabili nila sa isang kilalang subdivision, naisipan nyang maglibot sa parteng iyon ng Makati. Nagsuot nalang sya ng shades at hello kitty shirt at simpleng shorts lang. Wala naman sigurong makakakilala sa kanya. Wala syang kasama which is good para makapag-unwind sya. Masyado nang nasu-suffocate ng mga nangyari ang utak nya. Napadpad sya sa isang coffee shop malapit sa mall. Maganda ang ambiance kaya nahalina sya. Matapos mag-order ay humanap sya ng mauupuan. Nang makita ang isang bakanteng table sa sulok ay agad na tumagilid para pumunta. Ang bahagyang pagliko nya ay natapunan sya ng isang ice coffee ng isang babae. Buti nalang!

"Oh God! I'm sorry, gosh.." sabi nito tapos pinupunasan ng tissue ang bandang tiyan nya na natapunan. Ang malas naman ng araw nya. Arrg!

"It's okay. Never mind." sabi nya. Tuloy pa rin ito medyo naiilang sya. Inalis nya ang shades bago nagsalita. "You don't have to do that. Stop it."

Hindi nya napansin ang pag-awang ng labi nito ng makita sya dahil bahagyang nakayuko sya. Tumingin sya rito at bahagya pa itong nagulat.

"What?" takang tanong nya. Ang weird naman ng mga tao sa Pinas! Gosh!

"A-Alli.." sabi nung babae.

Wait.. What did she said? Oh, not that name again! "Pardon?" kunot-noong tanong nya rito.

"Alliya.." ulit pa nito.

Napahinga sya ng malalim. Naman! Kaya nga gusto nyang mag-unwind eh. "I'm sorry, I'm Lara, I'm not someone you knew." frustrated na sabi nya rito tapos tinalikuran na nya.

"Don't you know me? It's me Gwen, Alli.."

"Kaya nga 'di kita kilala because I'm Lara!" sigaw nya rito. Hindi na nya mapigilan ang sarili sa sobrang inis.

"Pero.." bago pa nito naituloy ang sasabihin ay dinumog na sya ng mga tao sa coffee shop. Shocks! Hindi naman nya alam na ganito na pala kasikat ang mga designs ng Mama nya.

"Are you Ms. Lara Merin? The daughter of Triz Merin? Gosh! Pwede ba kaming magpa-autograph?" Nag-nod nalang sya. Napaupo na sya sa table. Maiiyak na sya sa sobrang hirap ng ginagalawan nya. Panay ngiti nalang sya at kanya-kanya ng abot ang mga ito ng bagay na pwede nyang lagyan ng autograph.

"Ang ganda-ganda mo po Ms. Lara.." sabi nung isang estudyante, panay halik na rin ang mga tao sa kanya.

"Thank you, thank you." tapos pirma dito, pirma doon. God, maiiyak na sya. Pawis na pawis na rin sya. Wala bang tutulong sa kanya? Hinanap nya 'yung babae pero wala na ito sa pwesto nito kanina. Padami lalo ng padami ang mga tao.

Maya-maya ay may humaltak sa kanya. Pangangatawan palang ay alam na nyang lalaki. Yakap-yakap sya nito at pilit na nilalayo roon. May iba pa itong kasamahan na pilit syang iniaalis doon. Nagpapasalamat na rin sya kahit paano. May mga nagte-take ng pictures at may mga galos na rin sya. 'Di na nya napigilan ang umiyak.

Sa isang office sya napadpad. Mukhang office ng may-ari. Inihagis sya nito sa sofa. Aba! Pinunasan nya ang mukha saka hinarap ito. Bahagya pa syang nagulat ng makita ang seryosong mukha ng lalaki, eto yung lalaki sa party na inam makatitig sa kanya. Iniwas nya ang tingin dito, sa hindi malamang dahilan ay biglang nagrigodon ang dibdib nya, tapos napatingin sa paligid. Nasa limang lalaki bale anim pati yung babae kanina. Andoon din si Andrew Buenaventura saka yung babae kanina. So, kilala nila ang may-ari.

"Thank you.." mahinang sabi nya sa mga ito.

"I'm sorry, hindi ko naman alam na sikat ka pala." sabi nung babae. "Ikuha mo 'ko ng medicine kit, Jake. Andami nyang galos." tumango ang lalaki bago pumunta sa bandang kitchen nito. Pagbalik ay may dala ng kit, napangiwi nalang sya ng hawakan nito ang  braso nya.

"It's okay, kaya ko na'to gamutin. Uuwi na lang ako." sabi nya. Naiilang sya sa tingin ng mga ito parang hinuhukay ang buong pagkatao nya. Tapos pumunta na sya sa pinto pero may pumigil sa kanya. Yung guy na grabe makatingin.

"Madami pang tao sa labas, kapag lumabas ka dyan wala ng tutulong sa'yo." Kainis! Bakit, hiningi ko ba tulong nila. E di ba nag-thank you ka pa nga kanina? Arrg!

Napaupo nalang ulit sya. Okay. Hindi sya makakapag-inarte this time wala syang kakilala at kakampi.

"Are you sure that you're not Alliya Seren, Miss?" sabi nung babae. Ang kulit nito e!

"I'm Lara Merin, not Alli, not Alliya you knew! How many times do I have to repeat my name, people? seriously!" naiinis na wika nya.

"F*ck up, Gwen. Hindi ganyan katayog si Alli!" sabi nung lalaking sa party. Ang sama ng ugali. Inirapan nya ito.

"Easy Dude." si Andrew Buenaventura. Ngayon lang ulit sila nagkita nito. Hindi naman kasi sya nagagawi sa opisina ng iba maliban sa Mama nya.

"I just.." lumunok yung babae. Lumapit dito yung isang lalaki at niyakap sya. Siguro boyfriend.

"Siguro ihahatid ka na lang namin Miss Lara, tutal dito yan nangyari sa coffee shop ko. I'm Jake Miguels by the way." pakilala nito. Inabot na lang nya ang kamay nito.

"No need. May dala akong kotse." Nang sumilip sya sa labas ay wala na masyadong tao. "Mauna na'ko. Salamat sa tulong." hinaltak sya ni sungit palabas.

"Alin dyan ang kotse mo?" tanong nito. Tinuro nya ang gray car nya tapos binuksan nito at ipinasok sya sa driver seat.

"Next time, 'wag kang lalabas ng ganyan lang ang ayos na parang walang taong makakakita sa'yo sa simpleng suot!" Halos atakihin sya sa puso ng pabalagbag nitong isinara ang pinto ng kotse nya. Bubulyawan nya sana ito pero pumasok na rin ito sa loob ng kotse na may isang pag-itan sa kanila. Nagpupuyos man ang loob ay nagpasya na rin syang umalis. And gandang unwind!

Ikaw Na Lang ang KulangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon