She felt dizzy. Hectic talaga ang sched nya nitong mga nakaraang araw. Hindi biro ang maging isang fashion designer and at the same time ay fashion model. Ang kulit naman kasi ng Mama nya, isang propesyon lang naman kasi ang gusto nya pero mapilit ito na i-model nya ang design umano na pinaghirapan nito na gawin para sa kanya. A wedding gown. And she really loves the dress. Hindi pa ito nailalabas sa market. Somehow, she felt excited wearing that dress. Excited na sya sa show. Ang pinakamalaking show na gaganapin sa Paris. At hindi sya maaring pumalpak. Nakasalalay ang kahihiyan niya. Ah hindi, hindi nya ipapahiya ang Mama Triz nya.
"Do you really have an idea how much it costs, idiot?!" sa labas palang ng office ng Mama nya ay dinig na dinig nya ang sigaw nito. Kaawa-awang sekretarya. "Gosh! Get out of my sight now before I get blank to do such thing!" hiyaw nito.
"You can go now, Eliz, get your grip out of here." baling nya sa sekretarya.
"But, Ms. Lara.."
"No mre buts.. I am your saviour, remember?" kindat nya rito.
"Thank you so much, Ms. Lara." she gave her a smile bago tuluyan itong lumabas. Binalingan nya ang Mama nya na nakaupo na sa swivel chair nya at nagpapakalma. Nilapitan nya ito at minasage ang ulo.
"Oh yes dear, that's what I need right now. That woman! Arrg!" maarteng sabi nito.
"Calm down Ma. It's not healthy." amo nya rito.
"So, how's your project?"
"So far, so good. And I'm kinda excited, Ma." tapos nginuso nya yung wedding dress made for her ng Mama nya. Pinitik sya nito sa noo.
"I'm kinda thankful for that wedding dress, you hardheaded woman."
"Aww, Ma.." nguso nya rito.
Bumuntong hininga ito. "What's with the sigh, Ma?"
"I am just thankful that I have you." ayan na naman sya.
"You should stop watching too much drama, Ma. It's our fate to stock with each other." utas nya rito.
Lumabi ito sa kanya. "Looks like you're not thankful. Hmp, walang utang na loob." natawa naman sya sa sinabi nito.
Ang kwento nito sa kanya seven years ago ay naaksidente ang mga taong nag-aalaga sa kanya na parehong American citizen. Bago mawala ang mga ito, ipinagbilin umano dito ang pangangalaga sa kanya. Kasalukuyan syang inooperahan noon sa isang hospital sa America. Paggising naman nya ay wala syang maalala. Nagkataon na may show ito doon na kasalukuyan pa lang nag-uumpisang sumikat. Isa itong bakla na nagpasex change. Isa rin itong dyosa at napakaganda. Kaya hindi mo talaga aakalain na isa pala itong binabae. Doon nagsimula ang mother-daughter relationship nila. At dahil wala itong makuha sa mga Scott na identity nya ay nakilala sya bilang Lara Merin sa loob at labas ng fashion na namana nya rito. Pero isa pang dahilan kaya sya nito inalagaan ay dahil pareho umano silang may dugong Pinoy. Hindi naman nya makuha ang konek nun sa paraan ng pagtrato nito sa kanya.
"Hmm, you know how much I love you, Ms. Merin." ngisi nya rito.
"Oh shut up!" tawa sya ng tawa. Napakaarte talaga nito. S'ya lang ang nag-iisang super close dito. Sa mundo ng fashion ay sobrang tuso nito at istrikto.
***************************
Eveybody are busy that night. Fashion show night. Ang daming tao. Halos lahat ay nasa alta-sosyedad. Excited na sya bilang mag-finale. 'Trizara Wedgown'. Yari ito sa isang manipis na sutla ng tela, hindi biro ang halaga, na pinatungan ng magarbong design ng daisy. A tube dress. Saktong-sakto sa sukat nya, with her cute vital statistics, emphazising her chest and slender body na binagayan ng manipis na make-up and a simple hairstyle. Mas babagay na pang garden wedding ang ayos na. It's like her first time again. This night is a big night.
Masyadong mataas ang suot nya, hindi kasi pang model ang height nya kaya kailangan nya ng props para tumangkad ng konti. Lahat ay namangha, nagulat at natuwa. Halos magtayuan na ang lahat kaya todo bigay sya ng isang natural na ngiti, yung hindi inaral lang. Ikot dito, ikot doon, pause! Nakakabingi ang palakpakan. Success!
Hindi magkamayaw ang mga tao sa pagkamay sa kanila ng Mama nya. It was their night. Makikita mo sa hitsura nito ang saya at tagumpay. Siguradong bukas laman na naman sila ng entertainment page all over the world!
"Congratulations, you are so beautiful hija.." sabi ni Mrs. Smith.
"Oh, thank you Mrs. Smith.." bago nakipag-beso rito. "Mama's so great that's why." kindat nya rito na talaga namang kinatuwa ng matanda. Habang nagkukwentuhan pa sila ay nakatingin sila sa Mama nya.
"Please, accept the offer Ms. Merin, its an opportunity for us to be part of your team. We're gonna pay you as double as you want." may kausap itong mag-asawa maybe in mid 50's?
"Oh, I'll think about it. Ang tagal kong hindi nakauwi ng Pinas, maybe it's about time." narinig nyang sagot ng Mama nya. "Thanks for the offer anyway." nakangiting sabi pa.
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
RomansaPara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...