"Stay here, Lara. Ang daming reporter sa labas ng BCC for heaven sake!" hiyaw nito. Matapos syang iuwi ni Andrew sa bahay kagabi na mugtong-mugto ang mata ay halos maghumiyaw ito sa sobrang inis sa pamilya ng mga Alejandro. "Hindi tayo pumunta dito para magkandaletse-letse ang buhay mo! God! Ano ba 'tong gulong pinasok mo, Lara?!"
"Ma..." nagpapaawang tawag nya rito.
"We're going back to Paris! Umuwi ako ng Pilipinas para tulungan ang bansang ito at mag-invest, pero hindi ko alam na ganito pala kagulo dito!" sigaw nito bago tuluyang umalis na papuntang opisina. Hindi nya mapigilan ang umiyak. Wala syang mapagsabihan ng nasasaloob. Gusto nyang lumabas, ah hindi sya magpapa-apekto sa nangyayari. Wala syang ginagawang masama. Kasalanan nya bang kamukha nya si Alli?
Isang simpleng shorts, sleeveless at hood jacket and sinuot nya. Dala ang cellphone at shades sa mata bago napagpasyahang umalis ng bahay gamit ang kotse. Wala syang pakialam, basta hindi nya gusto ang tumigil at magmukmok sa bahay ng mag-isa.
Napatigil sya sa harap ng isang malaking Unibersidad. Lumabas sya at saka sumandal sa kotse nya at pinakititigan ang eskwelahan. Pamilyar. Bigla syang napahawak sa ulo nya. Ang sakit, sobrang sakit. Pagkatapos no'n ay nagdilim ang lahat sa kanya.
***************************************************************
Nabungaran nya ang puting kisame. Nilibot nya ang paningin, panay puti. Nagpasya syang umupo sa gilid ng kama na nakahawak sa ulo nya.
"Okay ka na ba?" nagulat sya sa nagsalita. Yung babae sa coffee shop kasama yung babae sa party tapos may kasama pang dalawa ang mga ito. Pamilyar na mga mukha. ipinikit nya ang mga mata. Hindi, ayaw na muna nya mag-isip.
"Yeah.. Pwede ba akong mapag-isa? Sumasakit ang ulo ko 'pag nakikita ko kayo. No, I mean hindi ko maexplain.." nakita nyang nagkatinginan ang mga ito.
"Nurse kami ng hospital na'to Ms. Lara. Hindi ka namin pwede iwan." singit nung isa.
"Sio bang pwede namin tawagan para mapagbigay-alam namin ang nagyari sayo?" sabi naman nung isa. Pamilyar. Pamilyar na boses.
"Please, leave me alone.. for a while.. Please.." naghihirap na sabi nya.
"Tatawagan natin si Doc. Let's go girls.." sabi nung babae sa coffee shop. Pero nanatiling nakaupo doon si Mika. Hindi nya maintindihan pero pakiramdam nya nasasaktan syang makita ito sa ganoong kalagayan.
"Miks.." si Gwen.
"Please, leave me alone. I want to be alone.." utas nito sa kanila. Atubili man ay kumilos na rin ang dalaga. Sinulyapan nya itog nakapikit sa kama.
*********************************************************
Kasalukuyan silang kausap ni Doc Florencio na napag-alaman nilang pansamantalang doctor ni Lara. Kalmado na raw ang dalaga.
"It's too complicated, kaya hindi ko alam kung pa'ano sya gagamutin. Masyadong sensitive ang bandang ulo at ang case nya ay mahirap hawakan. Walang makapgsabi kung anong reason kung bakit sya inoperahan." nagkatinginan silang apat. Si Gwen, Anne and Claire.
"Eh 'di ba Doc, kasama nya yung Nanay nya nung nagpunta rito para magpacheck-up? Dapat alam nya, Nanay sya e." si Gwen. Umiling si Doc. Kinakabahan sila ramdam nya rin ang tensyon ng mga kaibigan nila ni Alli.
"Hindi sya ang Nanay ni Ms. Lara. For your info girls, isang gay si Ms. Merin." natatawang sabi ni Doc na syang ikinanganga nilang lahat. "Hindi nyo ba nahalata? Ako ang nag-ayos nun, kita nyo ba?" Magaling talaga itong doctor. "Kaibigan ko yung matalik si Ms. Merin."
Halos mamutla silang lahat lalo na sya. She didn't expect this. Masyadong magulo. "Pero they came from Paris, paanong hindi nya Nanay yun Doc? I mean, paanong..?" Shemay!
"Ang naalala kong kwento nya sa akin noon ay sa isang mag-asawang American citizen na namatay sa aksidente, ipinagbilin sa kanya ang kalagayan ni Lara, na nooy nakaratay sa hospital sa America. See, how grateful she is. Hindi sya atubiling tinulungan ng tatlong tao." sabi ni Doc.
"American citizen po?" si Claire. Naguguluhan din sa nangyayari. Tumango si Doc.
"Kaya lang matapos sya operahan ay wala na syang maalala, maybe part of the operation usually ganun naman di ba kapag sa ulo, at alam nyo yan." paliwanag ni Doc. "Anyway, may duty pa'ko. Kayo, puro na naman kayo lakwatsa." iningusan lang nila si Doc saka umalis na rin ito.
Isa lang ang naisip nilang puntahan ngayon para magtanong. Si Lara!
Pero wala na ito sa silid ng mga oras na iyon. Napabuntong-hininga sya. Hindi nya malaman ang iisipin. Parang may kulang sa kwento.
"Baka hindi talaga sya si Alli, friendship. Kasi, pa'no syang mapupunta sa America? Baka inampon sya ng mag-asawang Amerikano. Siguro?" si Anne.
"Kung sa America sya lumaki dapat hindi sya magaling mag-tagalog, dapat dalawang lenggwahe lang, lenggwahe ng America at France! Tapos sabi pa ni Andrew first time raw ni Lara dito sa Pinas sabi sa kanya ni Ms. Merin." si Claire. oo pwede rin may punto sila.
"Syempre, Pinoy si Ms. Merin baka naturuan nya mag-tagalog." si Anne ulit.
"How come na agad-agad magaling sya mag-tagalog?" si Claire.
"Enough, Girls!" si Gwen.
"Hindi, may kulang sa kwento." sambit nya. Kunot-noo ang mga ito sa kanya.
"Spill it out, beb." si Gwen.
Napabuntong-hininga sya. "Kailangan natin malaman kung pa'no sya napunta sa America, kung iisipin nyo tugma ang mga pangyayari, her operations happened seven years ago. May possibility." sabi nya.
"Pero ganun din ang kay Alliya na kwento nung umuwi sya senyo. At tugma rin ang pangyayari. My posibility din, beb." si Anne. Oo nga, ang kwento naman nito ay na-coma ito di umano sa loob ng anim na taon at tinulungan siya ng mag-asawang doctor na ngayon ay nakabase sa Canada.
"Kung iisipin nyo, kung tinulungan sya ng mag-asawang doctor dito sa Pinas, dapat alam nilang hinahanap nyo si Alli, unlike kay Lara, namatay sa aksidente ang mag-asawang Kano kaya hindi talaga maipagbibigay-alam senyo na nasa kanila si Alli if ever na sya nga si Alli, na tinulungan nitong si Ms. Merin. Syempre walang alam si Ms. Merin. Aakalain nya na ampon ng kano si Lara." si Gwen. Oo , iniisip nya rin ang naisip ni Gwen. Nagtanguan sina Claire at Anne. Bago, nagkatinginan silang apat. at iisa ang iniisip nila.
"Allergy sa peanut si Alli, sabi ni Andrew, nagka-aberya raw noon sa Palawan sa photoshoot. Allergy din sa peanut si Lara." si Anne.
"Wait, walang nakwento sa'ken si Kuya." nagkibit-balikat ang mga ito. Napaisip sya roon. "At takot rin sa laot si Lara sa hindi malamang dahilan, ang kwento ni Ms. Merin sa kanya nang magtanong sya kung nasaan si Lara na iniwan naman sa suit." tigagal sya sa kwento ni Claire. Bakit hindi? Hydrophobic si Alli!
"Isa na lang ang ang pwede nating gawin." si Gwen.
"Pakainin ng peanut at ilublob sa pool si Alli na nasa bahay nyo." sabay-sabay na wika ng mga ito. Oo nga.

BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
RomancePara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...