Nabitawan ni Mika ang kopitang hawak-hawak. Halos mamutla ito sa nakita.
"A-A-A-Alli.." Parang kinakapusan ng hiningang sabi nito. Parang nagulat pa ang mga kaharap.
"I'm Lara. What's wrong?" sabi nito na halos gulat na gulat sa asal nila. That familiar features, ang mga pamilyar na tingin at kurba ng labi, kay Alliya nya lang yun nakita. Maliban sa mukha na walang ipinagbago ay halos kakaiba na ang kaharap nila. Halatang sanay sa atensyon at kasikatan. Aral na ang mga kilos at galaw pati suot ay halatang tinitingala na sila sa mundong ito ng fashion. Tinitigan pa rin nya ito ng matagal, natatakot na baka sa isang iglap ay mawala ito. Pero ano't hindi sila nito kilala? Magkamukha lang ba sila? Hindi, kailanman ay hindi sila pwedeng magkamali. Andun pa rin ang mabilis na tibok ng puso nya na huling naramdaman nya ng halikan si Alli sa may kweba.
Si Andrew ang nakabawi sa mga nangyayari. Inabot nito ang kamay na kanina pa nakahain sa harapan nila. Walang lakas ng loob ang sinuman sa kanila na abutin iyon.
"It's our p-pleasure to m-meet you, Ms. Lara.." sabi ni Andrew. Tapos pinisil ni Andrew ang balikat nya.
"Thank you." parang bulong na lang ang lumabas sa bibig nito na nagtatakang nakatingin pa rin kay Mika. Crap! Nakalimutan nya ang kapatid. Nakatunganga pa rin.
"I'm sorry about earlier." bago mag-umpisang magsalita ang emcee ay humarap na ang mga ito sa bandang una at ready na ipakilala sa madla. Nakatingin pa rin si Alli o Lara sa kanila. Tumingin ito sa kanya, nagtatanong na mga tingin, halos kapusin sya ng hininga sa mga tingin nito. Kung alam lang nito kung gaano nya gustong-gusto yakapin ito ng mahigpit sa matinding pangungulila. Naiiyak sya sa sobrang sakit na nararamdaman ng mga oras na 'yon.
"Excuse us.." paalam nya sa mga ito.
"A-A-Alli.." pahabol pa nito. Nakita nyang umiyak na ang kapatid.
"Let's go, darling.." awat ni Ms. Merin at saka ito nagpatianod.
Nailayo na nya sa karamihan ang kapatid. Iyak ito ng iyak.
"Kuya.. Si Alli yun Kuya. I knew it, I knew it. Ba't di nya tayo kilala?" sabi nito ng humahagulgol.
"Hush now, Mika. Baka kamukha lang." wala pa ring tigil ang iyak kaya niyakap nya.
"Kuya, that's Alli.. Alli.." pinipigilan nya na rin ang umiyak. Masyado silang nagko-conclude.
Hindi pa natatapos ang gathering ay tinext na lang niya si Andrew na uuwi na at walang tigil si Mika ng kakaiyak. Nang naipasok na sa garahe ang kotse ay kinausap nya muna ito.
"Mika, listen, wala kang sasabihin sa kanila, o ikukwento. 'Di natin pwedeng biglain si Auntie." gulat na napatingin ito sa kanya tapos ay tumango nang ma-gets ang ibig nyang sabihin. "May isang dalagita na tinulungan noon sa parteng iyon ng isla kung saan nangyari ang aksidenteng yon, Mika." manghang tumingin ito sa kanya.
"Bakit hindi mo sinasabi kina Mommy, Kuya?!" asik nito sa kanya.
"Wag kang sumigaw, Mika. Ayoko lang muna silang umasa tapos madi-disappoint. Hindi pa malinaw ang imbestigasyon dahil masyadong ulyanin na ang matandang napuntahan nila doon." paliwanag nya.
"Pa'no nangyari yun? Kung sila ang tumulong, bakit kamukha ni Alli ang Lara na 'yon?"
Maging sya ay naguguluhan rin. "Baka hindi naman kasi siya si Alli, Mika. They came from Paris sabi ng Daddy ni Andrew."
Umawang ang labi nito. "Paano mong nasabing hindi si Alliya 'yon, Kuya? Naririnig mo ba sarili mo? Maliban sa sikat sya, Alli na Alli na sya Kuya!" hiyaw nito.
"Calm down, Mika. I'll do everything about it, okay? Just keep it for a while. Hindi ko kayang saktan sina Tita and Tito, Mika." and then she nod bago dumeretso sa kwarto. Saka pa lang sya nakahinga ng malalim. Pero sa puso nya ay larawan ng babae kanina. Alliya..
*******************************
Kinabukasan ay halos tahimik ang breakfast nila. Nakikita nyang palipat-lipat ng tinginan ang mga magulang nila. Hindi siguro sanay na tahimik silang dalawa.
Tumikhim ang Daddy nya. "What's with you? Anong meron at ang tahimik nyong dalawa? Kamusta ang party?" doon sila napaangat ng ulo ni Mika. Halos mamutla ang kapatid. Uminom ito ng tubig.
"Ahm, just like other parties, Dad.." sagot na lang nya.
Tumaas ang kilay ng Mommy nya. "Anong problema, Mika?" sh*t! Mother surely knows best.
"Nag-away ba kayong dalawa?" tanong ni Tita Lina.
"Ah, Auntie.. Ma, 'di naman po kami nag-away ni kuya, si kuya kasi palagi inaaway yung mga suitor ko, naiinis na'ko pa'no naman ako makakapag-asawa kung lagi ganun. Kita mo, Ma, ni di pa ko nagboboyfriend." pinandilatan nya ito bago nginisihan. Okay half true naman.
"Eh ganun ka rin naman kasi sa Kuya Marcus mo, Mika." si Tito Alex tapos nagtawanan sila. Sumimangot si Mika.
"Kung hindi rin lang naman si Alli, wag na lang Kuya. No one can replace her dito sa bahay." tapos umalis na. Nagsitahimikan ang lahat. Lumambong na naman ang mukha ng Tita Lina nya na agad naman niyakap ng Mommy nya.
Oo. No one can replace her. Alli is still Alli.
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
RomansaPara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...