SLL XXI

25 0 0
                                    

Napamura si Marcus. Gusto nyang manuntok sa sobrang inis sa sarili. Nasaktan nya ang dalaga. Oo nga naman, iisipin nito na si Alli ang iniisip nya, kalahati totoo, kalahati ewan nya. Feeling nya naman kasi talaga ay si Alli ang kasama nya. Prehong-pareho ang mga ito lalo na at magkamukha pa sila. Hindi nya maintindihan ang sarili. Look how stupid he was!

Natigilan sya ng makarinig ng sigaw sa may di kalayuan. Hindi na sana nya papansinin pero natigilan sya ng baka ang dalaga, kaalis lang nito. Nilibot nya ang paningin. Halos liparin nya ng makitang hawak-hawak ng apat na lalaki ang nagppupumiglas na dalaga. Nag-iigting ang mga bagang nya ng nilapitan nya ang isa sa mga ito at inundyan ng suntok. Bullsh*t!

Niyakap nya si Lara na nanginginig sa takot. Napamura sya ng makitang umiiyak ito. Lintek lang ang walang ganti!

"Stay here." sabi nya habang pinupunasan ang mukha nito.

"M-Marcus.." utas nito. Nangininig na nakahawak sa kanya.

"Ang ganda ng girlfriend mo! Share ka naman!" sabi nung isa. At nagtawanan yung iba. Mukhang lasing wala sa katinuan. Wala syang sinasanto kahit bata pinapatulan nya! Nilagay nya sa likod ang dalaga.

"Dyan ka lang. 'Wag kang aalis."

"May h-hawak silang patalim, Marcus!" may hawak na balisong yung dalawa. Ang dalaga lang naman ang inaalala nya.

Nang lumapit ang isa, napaigik ito ng sipain nya. Inundyan nya ng suntok sa panga ang isa at saka ipinilipit nito ang kamay na may hawak na patalim.

"Marcus! Sa likod mo!" napaiwas sya ng makitang ang isang may hawak na patalim. Muntik na sya dun. Hinila nya patalikod ang kwelyo nito kung wala lang sa harap nya ang dalaga ay mapapatay nya ito. "Stop it, Marcus! Baka mapatay mo sya!" maya-maya ay may lumapit ng bouncer at security guard sa kanila. Sh*t! He's not yet done.

"Tama na." naramdaman nyang yumakap sa kanya ang dalaga saka nya binitiwan ang dalawang lalaki.

"Boss, pasensya na po--" hinging paumanhin nung SG.

"Ayusin nyo pagbantay sa mga guest nyo kung ayaw nyong mawalan ng trabaho!" galit na bulyaw nya sa mga ito. Nakakapikon naman kasi. Saka nya hinila ang dalaga papunta sa suit.

Nang makapasok sa elevator ay saka nya ito hinarap. Nanginginig ang mga kamay nito. "Okay ka lang ba?" tumingin ito sa kanya, blanko ang mukha nito saka tumango. Ang higpit ng hawak nito sa kamay nya. Hindi na nya napigilan ang sarili. Niyakap nya na. Wala na syang pakialam kung si Lara ito o si Alli o kung sino pa man. "Shh, it's okay.." naririnig nya ang mga hikbi nito.

Nang nasa tapat na ng room ay tahimik pa rin ito. Nakita nyang balisa itong nakahawak sa ulo nya. "Are you okay?" hinawakan nya ito sa braso para kasing matutumba. "Hey, Lara!" hawak-hawak pa rin nito ang ulo ng humarap sa kanya.

"Yeah, it's just..." doon ito nawalan ng malay. Buti nalang nasalo nya. Tsk, girls!

********************************************

Wala pa ring malay ang dalaga na pinasok na nya sa loob ng silid nito. Tinitigan nya ang mukha nito. Walang bahid na kung ano. Ang kinis at mamula-mula. Kanina ay panay ang kuha nya rito ng picture, may nakatingin sa kanya at nakangiti, may namamangha, iba-ibang anggulo ng mukha.

Maya-maya ay tumunog ang cellphone nya. Napakunot-noo sya ng rumihistro ang numero ni Mika. "Oh, bakit?" tanong nya. Naramdaman nyang atubili ito.

"Kuya, someone is here.. Si Alliya. Umuwi ka na ASAP." Sh*t! Anong nangyayari? Tumawag muna sya sa housekeeping for assistance bago tinawagan nya si Andrew para sa Mama ni Lara. Hinalikan nya muna ito sa noo bago nagpasyang umalis na.

Ikaw Na Lang ang KulangTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon