Kandahaba ang leeg ni Lara sa pagtingin sa paligid. Gandang-ganda sya sa mga nakikita. Alas dos na sila nakarating ng Palawan. Kanina pa lang pagbaba ng chopper na pag-aari rin ni Marcus Alejandro, ay hindi na sya magkanda-ugaga sa pagtingin sa paligid. Ang ganda talaga. Parang paraiso! Todo picture rin sila ng Mama nya. Maging ang ibang models ay ganun din. Sa di kalayuan naman ay si Marcus Alejandro at Andrew Buenaventura. Gwapong-gwapo naman talaga ang dalawa kaya halos hindi na ito hiwalayan ng mga modelo ng Mama nya. Wapakels sya, basta i-enjoyin nya 'to kahit hindi sya nag-su-swimming keri lang!
"Don't go too far, darling." sigaw ng Mama nya. Lumapit sya rito at yumakap sa bewang.
"Ang ganda dito, Ma!" sabi nya rito ng nakangiti. "Balik tayo dito, just the two of us!"
"Okay, if you say so, darling." sabi nito tapos hinalikan sya. "But before that sa loob muna tayo ng hotel at magpahinga, okay?" she just nod.
*******************************
Kanina pa tingin ng tingin si Marcus kay Lara. 'Pag kasama nya ito ay hindi nya mapigilan ang sariling titigan ito. Diyata't ang mahal nya if ever na ito nga si Alli, ay hindi man lang tumangkad. Ganun na ganun pa rin ang height nito. Hanggang dibdib nya lang. Hindi rin ito tumaba, mukhang teenager pa rin ito, maganda at nakakaakit tignan at higit sa lahat ganun na ganun pa rin ang gestures pag naglalambing sa ina. Ganun ito umasta sa Mommy nya at kay Tita Lina. Pero hindi sya si Alli, kailangan nya lagi i-remind sa sarili na ito si Lara.
Napabuntong hininga sya.
"Ang lalim nyan, Dude!" natatawang sabi ni Andrew sa kanya.
Nagkibit-balikat na lang sya. "I can't help it."
"Tsk, kung ice cream lang si Ms. Lara, tunaw na yan kanina pa." humahalakhak biro nito sa kanya. Sinamaan nya ito ng tingin. "Hep, hep, easy dude. I'll zip my mouth." tapos minustrang zipper ang kamay.
"You better be." kilala siya nito. Halos miyembro silang lima ni Lucas, Carl, Jake at Andrew ng tinitingalang gang sa mundo nila. Siya ang hidden big boss doon pero walang nakakaalam. Malakas rin ang kapit nila dahil isang Mafia boss ang Daddy ni Lucas. Bale sya, gumawa lang sya ng sariling pangalan at desisyon. Sila ang nilalapitan ng mga taong tuso pero ginagawa naman nila ang tama. Nakakapatay lang sila 'pag kailangan.
Pumasok na lang din sya sa presedential suit na kinuha nya. Kasama nya si Andrew sa loob, sanay naman sila sa ganoong set-up kaya okay lang. Sa kabilang suit katabi ng kanila ay ang Merin. Sa dulo ng pasilyo ay ang lahat ng models bale sampo silang babae at sa kabila pang room ay limang lalaking model din. Ang ibang team ay malapit lang din sa kanila ang room.
**********************************
Matapos magpahinga ay nagkayayaan ang lahat na sa may sea lake sila magdinner. Suot ang black na two piece na pinatungan lang ng simpleng tube dress na medyo aninag ang katawan nya ay hindi nya naman pansin ang taong nakatingin. Nahiligan nya kasi bigla maglaro ng Citus kanina sa loob ng suit nila ng Mama nya. Nakakaengot naman kasi ang maglaro.
"Enough of that, Lara. Nasa harap ka na ng pagkain." Napatingin sya sa mga kasama. Sa tabi nya ay ang Mama nya. Oo nga naman. Apologetic syang tumingin sa mga ito tapos nakakunot na naman ang noo ni sungit nung tumingin sya. Nasa harap nya kasi ito. Iningusan nya lang. Narinig nyang natawa ito.
Tapos sandok lang sya ng ulam. Ang sarap!
Nakareserve sa kanila ang halos kalahati ng restaurant. Ang ganda ng ambiance, romantic. Tumingin sya sa harap, nakangisi sa kanya ang lalaki. Pinaningkitan nya ito ng mata. Kainis!
Itinuon lang nya ang sarili sa pagkain. Parang namiss nya ang Pinoy food. Takam na takam sya. Halos lahat kinunan nya. Pero yung isang ulam lang talaga ang gustong-gusto nya sa lahat.
"Ma, tikman mo to ang sarap!" alok nya sa ina.
"Oh my God, Honey! Kare-kare yan!" hiyaw nito. Tapos nag-start na syang mangati. Arrg!
"What's with Kare-kare?" kamot na sya ng kamot sa batok nya.
"Gosh, Ms. Lara andami mong red marks sa braso oh." sabi nung isang model.
"Huh?" Oo nga. Shemay nakakahiya! Nakatingin na sa kanya ang lahat ng tao sa mesa. Pati si sungit nagtataka ang mukha
"God, Lara, may peanut yan!" napipikon na sabi ng Mama nya.
"Eh malay ko ba, ang sarap e." nakangusong sabi nya rito, medyo pabulong.
******************************
Napalunok ng ilang beses si Marcus. Titig na titig sya sa mukha ng dalaga. Kumakalat na sa katawan nito ang pula. Kitang-kita dahil maputi ito.
"A-allergy ka sa p-peanut?" ulit nya. Hindi nya na maintindihan kung patanong ba iyon o ano.
"Oo, bakit?" tanong nito. Umiling na lang sya. Wala syang masabi. Blanko Basta ang nakikita nya sa harap ay ang Alli na pinuputakte ng mga marka dahil allergy din sa peanut. Naalala nya ng minsang tumikim ito ng nilutong ulam ng Mommy nya, sarap na sarap din ito, wala noon ang Mommy nila, halos maubos na nito ang ulam bago nakaramdam ito ng matinding pangangati na napag-alaman na hinaluan ito ng Mommy nya ng peanut.
"Let's go, Lara. Hindi mo naman siguro hahayaang pumangit ka sa harap nila?" ngumuso ito sa Mama nya. Old gesture ni Alli pag pinapagalitan sa bahay nila. "Mauna na kami. Pasensya na Mr. Beunaventura, Mr. Alejandro."
"No problem." si Andrew. Tumango lang sya.
Tapos tumayo na ito at sumunod sa ina. Nawala na ito sa paningin nila. Deretso ang dinner.
"Baka nagkataon lang, dude." si Andrew. Alam din ng mga ito na may allergy si Alli sa peanut dahil sa kasusunod nito sa kanya noon.
Ewan nya hindi na nya alam. Naguguluhan na rin sya. Tumayo sya at walang paalam na umalis. He needs air. Parang hindi sya makahinga sa loob. Naglakad-lakad sya.
Sa isang malapit na bar sya napadpad. Gusto nyang maglasing para maibsan ang nararamdaman. Halo-halo na. Hindi na nya maipaliwanag mismo sa sarili. Isinisigaw ng utak nya na ito si Lara pero sinsabi ng puso nya na iyon si Alli. Hindi nya matimbang. Ang sakit-sakit na.
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
RomansaPara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...
