SLL XXIII

26 0 0
                                        

Isang katamtamang bahay ang binabaan nila ni Andrew. Suot ang isang simpleng tube evening dress na black na nagpakinang sa kutis nya. Isa sa designs ng Mama nya na patok na patok sa Paris, hanggang isang dangkal mula sa tuhod pataas ang tela nito na animoy kulambo na ang sa ilalim na tumatakip sa mga likod ng binti nya, kung hahakbang sya ay kita ang harap na binti nya papunta sa hita na medyo kita na tinernuhan nya ng gold shoes at gold pouch. Itinali nya ng mismong buhok patagilid na nakalawit sa kanan at simpleng gold clip ang nilagay nya sa kaliwang bahagi ng buhok sa ibabaw ng tenga nya na tinernuhan nya ng black earings. Agaw pansin sya sa mga naroroon. Hindi nya alam pero kinakabahan talaga sya.

Papasok sila di kalakihang gate. Old house? Pamilyar na naman sa kanya. Parang ang tagal na nya doon pero ibang istilo ng bahay ang nasa utak nya. Iwinaksi nya ang isipan. Ano bang nagyayari sa kanya? Pagkapasok ay dalawang bahay ang nabungaran nya. Nakikita nya sa balintataw nya dapat may harang dun, napahawak sya sa ulo nya. Hindi, hindi iyon ang panahon para dun.

"Are you okay?" Napalunok sya ng ilang beses bago sumagot dito.

"Yeah. I think so.." tango nya rito.

"Come.." tapos hinawakan sya nito sa braso. Sa may pool area sila napadpad. Medyo madami ng tao. halos mamangha ang mga ito sa kanila. May ilang nagte-take ng picture, sa tingin nya ay mga reporter. Tipid syang ngumiti sa mga ito. Hindi nya maintindihan ang nangyayari.

Nang pumasok sila sa bulwagan, maliit man ang space ay sakto naman para sa mga bisita. Mukhang dining hall. Bumalik na naman sa balintataw nya na parang hindi ganito 'to dati. Napapikit sya, God, hindi sya makahinga. Pagmulat nya ay tahimik ang paligid. Isang nakakabinging katahimikan na biglang umingay ng may marinig silang ingay ng isang bumagsak na bubog. Napatingin sya sa gilid. May dalawang Ginang doon na tigagal na nakatingin sa kanila, o sa kanya? Nagbubulungan na ang mga tao sa paligid.

"What's happening, Andrew?" takang tanong nya rito. Nagkibit-balikat ito. Maya-maya ay lumapit sa kanila yung babae sa party. Kapatid ata ni Marcus?

"What do you think you're doing, Andrew!" madiin at paasik na sabi nito kay Andrew nakahawak sa braso ng binata. "You're ruining something!" 

"No! I'm not! I just wanna bring her here." pagalit na sagot nito sa dalaga. Hinila sila nito sa may bandang corridor. Sa may walang tao.

"Seriously, Andrew! You're making this a nightmare!"

"The hell I care, Mika!" sigaw nito. Ang gulo, akala nya invited sya.

"Wait, kung ako lang naman ang pag-aawayan nyo dahil lang andito ako. Hindi naman kailangan, I can kick my ass out of here." di nya maiwasang masaktan. Nakita nyang natigilan si Mika.

"What the hell is this, Andrew?!" dumadagundong ang boses ni Marcus nang lumapit sa kanila. She really can't get it. Gulo ba ang dala nya? Pero wala naman syang ginagawa. Gusto nyang pumalahaw ng iyak. Ngayon na nga lang nya uli nakita ang lalaki ganito pa ang nangyayari.

"Relax, wala namang mangyayari. I just wanna bring her here." paliwanang nito.

"You know, you can't!" sigaw ni Marcus bago kinuwelyuhan si Andrew. Ayaw ba sya nito imbitahan? Ayaw nyang masaktan pero ang sakit.

"W-wag naman kayong mag-away. Aalis na rin ako." napapalunok na sabi nya bago umambang aalis na. Pero pinigilan ni Marcus ang braso nya.

"Sa tingin mo, mababago pa ang nangyari kung aalis ka na lang bigla?" ang sakit marinig nun mula sa bibig nito. Hindi sya nakapagsalita agad at saka sya kinaladkad nito papunta sa isang room. Punong-puno ng stuff toy. Monkey bear?

"Stay here, 'wag na wag kang lalabas." galit na asik nito sa kanya.

"Bakit ba kayo galit na galit?" hindi nya maiwasang tanong.

"Hindi mo alam?" manghang tanong nito sa kanya saka sya umiling. Tapos may mga komosyon sa labas. "Sh*t!" mura nito.

"Open the door, Marcus!" sigaw ng lalaki. Pamilyar na boses. Nang hindi binuksan ni Marcus ay kusa itong bumukas. Bumulaga sa kanila ang isang nasa mid 60's na matandang lalaki. May mga nagpasukan pa. Litong-lito na sya. Napangnga sya ng bumulaga sa kanya ang isang babae. Kamukhang-kamukha nya! Walang pag-aalinlangan. Pero mas bata ang hitsura, parang mukha nya nung disiotso o bente anyos? Hindi nya alam. Ni hindi nya nga alam ang eksaktong edad nya.

"Oh my God!" napapasinghap na sigaw ng isang Ginang. Yung nakabasag ng baso. Speechless na nakatingin sa kanya ang lahat. Pakiramdam nya wala syang kakampi.

"Who are you?" tanong ng isa pang Ginang. Kamukha ni Mika, mukhang nanay nina Marcus.

"I-I-I'm Lara." sabi nya saka tumayo at yumukod sa mga ito. Gusto na nyang umalis.

"But, how come na magkamukha tayo?" sabi nung babae. Siguro ito na si Alli. "Alam mo bang this is an important day for me dahil finally ay ikakasal na ako sa lalaking pinakamamahal ko?" umiiyak ito tapos niyakap ito ni Marcus. Ang hapdi. Pamilyar ng hapdi. Pakiramdam nya, sya dapat ang nasa lugar nito.

"H-hindi ko alam." Napailing sya. "I'm sorry, hindi ko talaga alam." Gustong-gusto na nya umiyak. Konting pigil pa.

"Anong hindi mo alam? Antagal namin naghanap sa anak namin, pitong taon! Tapos ngayon dalawa kayong parehong Alli ang mukha? Anong kalokohan 'to Marcus?" sabi ng isang lalaki. The familiar voice.

"Nagkakamali po kayo. Hindi po, I'm Lara po talaga. Lara Seren po. I am here with my Mom po. We came from Paris po." paliwanang nya sa mga ito.

"Oh my God, Mommy!" sigaw ni Alli. Hinimatay ang Ginang. Doon natuon ang pansin ng lahat Ang sakit. Hindi nya maintindihan. Pamilyar na mga mukha. Pumikit sya sa dumadaloy na sakit ng ulo. Hindi, not now. Nag-alisan isa-isa ang mga ito. Nakita nya si Andrew na apologetic na tumingin sa kanya. Hindi nya napigilan ang umiyak.

"Andrew, please i-alis mo ko dito.." umiiyak na sabi nya.

Tumango ito at lumapit sa kanya saka sya inalalayan palabas. "I'm sorry, Lara.."

"Hindi ko maintindihan, pero ang sakit Andrew. Para akong tinatarak ng kutsilyo ng paulit-ulit. Hindi ko maintindihan. Hindi ko sinasadya." niyakap sya nito. Napayakap sya ng mahigpit dito saka sya umiyak ng umiyak.

"Sshh, it's okay. Everything will be alright."

Ikaw Na Lang ang KulangMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon