Madilim na ang paligid ng magising sya. Namulatan nyang nakatitig sa kanya si Marcus. Hinalikan sya ito ng makitang gising na sya saka ngumisi.
"Mangre-rape na sana ako ng babae from Paris, sayang nagising agad." kinurot nya ito sa tagiliran. Napaigik ito at saka tumawa.
"Maliligo lang ako then let's have our dinner." Shemay! Nagningning lang naman ang mata nito sa sinabi nya. Dinutdot nya ito gamit ang hintuturo nya. "Wag kang malisyoso! Pagkain po ang ibig kong sabihin. Pervert!" humalakhak ito sa sinabi nya. Naloko na. Napapailing na napapangiti nalang nyang tinungo ang banyo at saka naligo. Isang simpleng beach dress na puti ang suot nya na maaaninag sa llob ang suot nyang crystal blue two piece. Paglabas nya ay halos matawa sya sa hitsura ni Marcus. 'Mangot na 'mangot ito.
"Anong itsura yan, Marcus?"
"Dito na lang kayo tayo tapos magpadeliver na lang?" sabi nito.
Napakunot-noo sya. "Anong drama yan? Maligo ka na nga para makakain na tayo. Gutom na'ko." sabi nya rito habang nagsusuklay.
Ngumuso ito bago pumasok. May binubulong pero hindi nya maintindihan.
Nang bumukas ang pinto ng banyo ay napalingon sya. Halos matawa sya ng sobra kaysa ang maakit dito ng lumabas ito na animoy model panay pause sa harap nya.
"God! Marcus, stop it, will you? You look hopeless." hagalpak nya rito. Kahit nakasimangot na ito at pulang-pula sa kanya ay hindi nya mapigilan ang pagtawa. Sapo-sapo na nya ang bibig at tiyan.
"Dati kaya palagi mo 'tong pinagnanasaan, nabaligtad na talaga ang mundo, ba't ko ba ginagawa 'to? Ako tuloy ang nagmumukhang naghahabol s'yo, ikaw yon dati eh. Eto na ba yung sinsabing karma? Pssh. Karma my ass." hindi nya maintindihan ang binubulong nito at tawa pa rin sya ng tawa. Aatakihin talaga sya sa ginawa nito!
Pumasok ito sa may dressing room paglabas ay nakaboard short at white shirt. nauna na ito lumabas, nagtampo ata sa kanya. Hindi nya pa rin mapigil ang humagikhik. Sinundan nya na lang ito haggang makapasok sa kainan. Deadma pa rin sya. Hmm. Tumigil sya saglit sa may table at nagkunwaring natapilok, agad naman syang dinaluhan ng lalaki sa table, napansin siguro ni Marcus na wala sya sa likod nito kaya lumingon and voila!
"Get your filthy hands out of my girl!" sigaw nito. Tinginan ang mga tao sa loob. Shemay! Mali sya.
"Hep." harang nya dito. Sinamaan sya nito ng tingin. Ngumiti lang sya. "Wala pong masakit sa'ken. Wala rin po syang nahawakan." saka nya ito hinatak palabas. Doon sya pumasok sa kabilang resto. Matapos mag-order ay nakita nyang inis pa rin ito. Tumabi sya rito saka yumakap at humilig sa balikat nito.
Bumuntong-hininga ito saka yumakap rin sa kanya. "I'm sorry. Medyo na-carried away lang." tumingala sya rito saka nginitian at hinalikan. Naramdaman nya ang pagyakap nito sa kanya ng mahigpit. Very familiar.
Matapos ang hapunan ay naglakad-lakad sila sa tabing dagat. Maalinsangan ang panahon kaya okay na rin kahit ganun ang ayos nila. Tumigil ito at saka humarap sa dagat.
"Alam mo ba kung pa'nong nawala sa'men si Alli?" malungkot na tingin nito sa dagat. Nag-oopen up ito, that's a good sign right? Huminga ito ng malalim. "Ang malawak na dagat na yan ang dahilan kung bakit nahiwalay sa'ken si Alli, Lara.." Napasinghap sya. Para syang kinakapusan ng hininga. Dagat? May balintataw sa utak nya. Sumisigaw. Napahawak sya sa ulo nya. May humihiyaw. May kweba. May babae at lalaking magkayakap. May naghalikan sa loob ng kweba. Tuloy-tuloy ang daloy ng mga pangitain pero putol-putol, masakit sa ulo. Para syang nauupos na kandila. Hindi nya kaya. Masakit ang bawat pintig ng ulo nya.
***********************************************
"Lara? Lara! Damn!" hinimatay ang dalaga.
Dali-dali nya itong binuhat at dinala sa kwarto at tumawag ng doctor.
"I think she's okay now. May nakapa akong scar sa bandang gilid ng ulo nya. Ayon sa kwento mo ay may temporary amnesia sya? Malaki ang epekto ng lugar na ito sa kanya dahil may naaalala sya. Ang matinding pagsakit ng ulo ay mararanasan nya sa susunod na mga araw pa kaya medyo 'wag natin syang biglain, hinay-hinay lang. Ang ulo natin ang pinakdelikado sa lahat." tumango sya rito at hinatid sa pinto.
"Thank you, Doc." inabot nya ang kamay dito. Saka ngumiti ito bago umalis.
Bumalik sya sa silid. Tinitigan nya ang natutulog na dalaga. Hindi nya mapigilan ang lumuha sa itsura nito. Medyo namumutla. Sumandal sya sa upuan sa tabi ng kama nito, hawak ang kamay at saka binantayan ang dalaga. Napapikit sya, hinihila sya ng antok.
Nagising sya ng makarinig ng mahinang ungol. Inisip nya kung bakit at anong nangyayari. nang maalala na kasama ang dalaga ay napabalikwas sya. Nakakapit sa bedsheet ang dalaga, biling baligtad ito. Ungol ng ungol. Habol ang hininga. Tinapik-tapik nya ito sa pisngi. Hindi nya magising ang dalaga.
"Lara, Lara! Wake-up! Wake-up!" walang sagot dito ganun pa rin. Nag-uumpisa na syang mangamba. "Wake-up,sweetheart! Lara!" umuungol pa rin ito, halatang pilit nilalabanan na magising. Wala na syang ibang maisip na paraan. Hinalikan nya ito ng mariin. At tama sya dahil habol nito ang hininga, nanginginig at umiiyak.
"Oh, thank God!" niyakap nya ito ng mahigpit. Iyak ito ng iyak. "Hush now babe. It's okay, I'm here.." hindi nya maipigilang mapaluha sa nakikitang paghihirap nito. Ang bigat ng paraan ng paghinga nito, sunod-sunod.
Nang mahimasmasan ito ay tumayo sya para ikuha ito ng tubig. Isang mahigpit na hawak sa kamay ang pumigil sa kanya. "Don't leave me, Marcus.. I-I'm scared.." nakapikit na sabi nito. Pinunasan nya ang mukha nito na bakas ng luha.
"Hindi naman kita iiwan, kukuha lang ako ng tubig." sabi nya tapos hinalikan nya para pampakalma.
"S-sasama ako." tumango sya saka nya ito inalalayan tumayo.
Nang makarating sa may maliit na freezer ay binigyan nya agad ito ng malamig na tubig. Naubos nito ang isang baso. "Feeling better?" tumango ito.
"Thank you."
Hinaplos nya ang mukha nito. "Wag na 'wag mo 'kong tatakutin ng gan'on. Alam mo bang hindi kita magising-gising."
"Nanaginip ako, nahulog ako sa bangka, tumaob. Nalulunod ako.. Nakakatakot, Marcus." niyakap nya ito. Nag-uumpisa na ulit itong humikbi. Oo nga, bumabalik na ang ala-ala nito, paunti-unti.
"Andito ako, hindi kita pababayaan. Hinding-hindi kita bibitawan ulit.." hinigpitan nya pa ang yakap dito bago naramdaman nyang tumango ito.
**************************************************
Hinarap sya ni Marcus. Sobrang nag-alala ito sa kanya. Tumingkayad sya para halikan ito. Naramdaman nya ang pagtugon nito. Mapusok at mapaghanap. Ginagalugad buong sistema nya. Ngayong oras na ito ay handa na sya. Ipagkakaloob na nya ang sarili sa lalaki. Hindi nya man maipaliwanag ay mahal na mahal nya ang lalaki. Sobra.
Naramdaman nyang iginiya sya nito papasok sa kwarto haggang sa naramdaman nya ang sarili na nakhiga sa kama at nasa ibabaw nya ito. Tinitigan sya nito ng matagal bago hinalikan ulit, mula sa noo, sa kilay, sa dalawang mata nya, sa ilong, sa pisngi, sa labi pababa sa baba at leeg. Ang higpit ng kapit nya rito. Kakaibang pakiramdam. Punong-puno ng pagmamahal at ingat.
Nang gabing iyon ay ipinagkaloob nya rito ang sarili ng walang pag-aalinlangan. Paulit-ulit nila iyong ginawa haggang sa sya na ang sumuko sa sobrang hapo at pagod. Bago nya tuluyang ipikit ang mga mata ay narinig nyang bumulong ito sa tenga nya.
"I love you, Lara.." blurd na ang utak nya. Sana ay maalala nya paggising saka sya tuluyang pumikit ng nakangiti.
BINABASA MO ANG
Ikaw Na Lang ang Kulang
RomancePara kay Alliya Seren ay si Marcus Alejandro lang ang gusto nyang maging first nya sa lahat. Para kay Marcus ang mga tulad ni Alliya ang ayaw nya sa babae. Masyadong bulgar. Kung kailan okay na ang lahat sa kanila saka naman sila biniro ng pagkakata...
