AFTER 17 YEARS..
Lunes na naman. At tulad ng iba pang mga lunes na nagdaan sa mga nakalipas na mga linggo, wala itong pinagkaiba. Muli na naman akong maghahanda para sa isang buong linggong pakikipagsapalaran sa piling ng mahigit 50 mag-aaral na may ibat-ibang kwento rin ng buhay.
pagkatapos ng maikling programa upang ianunsyo ang ibat-ibang departamento ang nakamit na parangal sa mga paligsahang dinaluhan at pinanalunan, sabay-sabay naming tutunguhin kasama ang aming advisory class ang aming silid-aralan sa ikalawang palapag sa gusali ng English Building.
Kinaibigan ko ang ilan sa marami sa kanila at sinadya ko iyon sapagkat sa paraang iyon ko maaaring mapasok ang buhay at maiintindihan ang pagkatao ng ilan sakanila.Marami sa mga mag-aaral sa aking klase, kung hindi man produkto ng "Broken Family" ay walang mga magulang na kumakalinga sa kanila. Mga batang napapabayaan parang ako alam kong hindi nila ako yung tunay na anak ng kumopkop saakin pero laking pasasalamat ko parin sa kanila dahil inaalagaan nila ako kahit hindi ko sila kadugo, basta nakita nalang daw nila ako sa paanan ng bundok ng Susung dalaga dahil kasing hugis daw kasi ito ng Susu ng dalaga.
OOOps... muntik ko nang makalimutang magpakilala sainyo Ako pala si Nero Ueda ng Maliit na bayan dito sa kyoto, japan simple lang naman ang pamumuhay namin dito sa kyoto karamihan dito ay bukid ang makikita at bundok ngunit presko ang hangin dito. Minsan tumutulong ako sa bukid para magtanim ng palay o mag-ani ng mga pananim, swerte ko dahil mapagmahal ang kumopkop saakin wala silang mga anak kaya kinuha nila ako noon noong nakita nila ako sa paanan ng Bundok Susu ng dalaga. Sabi nila gwapo daw ako hindi daw nila alam kung kanino ako nagmana (hindi kasi nila alam ng aming mga kapit bahay na ampon lang ako pinalabas nilang tunay akong anak may problema daw kasi si Ina sa Matres kaya hindi makabuo ng anak.) singkit at bilugan ang aking mga mata, maayos naman ang aking katawan dahil sa pagtratrabaho minsan sa bukid, nasa taas akong 5'9 kaya tinitingala ako ng mga tao dito saaming lugar, kakaiba din ang aking kilay dahil sa hugis kidlat ito hindi ko alam bakit ganito bata palang daw ako ganito na ito. Kung buhay pag-ibig naman ang usapin ahay! malas ako diyan ilang beses ko nang sinubukan ngunit wala pera lang ang habol saakin! bakit? heto basahin niyo ito
Boy number 1: Sa una maniwala ka sa storyang "man of dreams"
nakaupo ako sa bench mag-isa sa plaza dahil pagod ako kapapasyal nang biglang may lumapit saaking gwapo. Matangkad,singkit at bilugan din ang mata, maputi,matangos ang ilong, kissable lips at parang nasakaniya na ang lahat na halos mapapalunok ka nalang sa sobrang ka gwapuhan "excuse me, may iba pa bang nakaupo dito?"malakas na dating nitong tanong napa titig ako at umiling nalang ako bilang tugon. Umupo ito saaking tabi at nakipag kwentuhan saakin medyo ok pa ang lahat kilig na kilig nga ako eh nang biglang mag ring ang phone niya "ayy! haha pogi? pogi? halla tirahan mo din ako gaga ka!"sabi nito sa kausap niya sa linya BASAAAG!!, nanlaki nalang ang mata ko at nagulat sa sinabi niya sa kausap niya hayyy! BORTA ang GAGA! pa boy ang puta!
Boy number 2: pangalawa, dapat maniwala ka sa TRUE LOVE
Hinahanap ko dito sa mall yung ka eyeball kong naka chat ko sa sikat na site ang Gaychat kung saan maaari mong i-meet ng nakaka chat mo depende sa tao kung gusto niya pwede kading magkaroon ng karelasyon kung may ma dedevelop. Kumaway ito sa kalayuan kaya linapitan ko ito, nakaramdam ako ng matinding kaba dahil sa first time naming magkita baka may mali akong masabi o move baka reject pa ang abot ko. Noong makalapit na ako ay halos atakihin ako sa gwapo niya na nasa 23 ang paningin ko sakaniya at mala Phiangphor Sattaphong ng Princess Hours ang datingan "Nero mahal kita Can you be my Boyfriend(gayfriend/jowa)"sabi nito saakin sabay hawak saaking dalawang kamay dahilan para pagtinginan kami ng mga tao dito sa mall mag sasalita na sana ako nang may biglang nag eskandalo saaming harapang babae "HIIROO!! HIRROOO GAGO KA!! ANONG GINAGAWA MO DITO?"sigaw na tanong ng babaeng palapit saamin "Ikaw! huwag mong lalapitan tong asawa ko! haliparot kang bakla ka!"sigaw nito saakin habang tinuturo dahilan para pag-usapan kami ng mga tao sa paligid wala na akong nagawa kundi irapan si Hiro( ka eyeball ko) at tumakbo palayo HANURAW? ASAWA GAGO PALA ITO EH BAKIT AKO LINALAPITAN!!
Boy number 3: pangatlo, you have to believe endless love
"masaya kaba"nanlalambing na tanong saakin ni Kenji habang nakaakbay saakin dito sa Parking lot "Oo naman nag enjoy ako ehh"sagot ko naman "Nero"tawag nito saakin at tinignan ko ito "kilala nanatin ang isat-isa"sabi nito at tumango ako "please be my boyfriend"sabi nito sabay luhod dahilan para makaramdam ako ng kilig nang biglang "TIGIL HOLDAP TO! bigay niyo lahat ng pera niyo kung gusto niyo pang magtagal"sigaw ng lalaki sabay tutuk ng kutchilyo saakin "kenj-"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang biglang nawala nalang si Kenji saaking tabi "wala tumakbo na siya ibigay mo na yung pera mo para masundan mo na siya!"sabi ng lalaki at iyon nanga wala na akong nagawa pa kundi ibigay ang pera ko arrrggh!!! may malaman laman siyang PLEASE BE MY BOYFRIEND gago siya biglang nag teleport ang gago
Aminin natin o Hindi nagagawa nating magkamali minsan ngunit natural lamang iyon dahil hindi naman tayo perpekto para hindi makagawa ng pagkakamali sa buhay, at isapa ang ating mga pagkakamali ay iyon din ang maging isang aral saatin.
Huwag nating madalihin ang lahat ng bagay dito sa mundo dumaan muna tayo sa maraming pagsubok upang makuha natin ang ating kagustuhan kapag minadali mo ang isang bagay ay maaaring maging palpak ang kalalabasan nito. hintay lang kapit lang baka mas bongga pa ang ibibigay saatin malay mo makahanap narin ako ng gwapong bagets ahay! LANDEE.