Umangat ang katawan niya sa ere at tinutok niya ang kamao nito saaking kinalalagiyan. "Here's my sample!"nakangisi nitong sigaw saakin at biglang nagliwanag ang kaniyang kamao at mabilis na pinakawalan ang malakas nitong enerhiyang hugis patulis at malakas na sumabog saaking kinatatayuan.
"Double spear! Ito ang pinakamahina kong ability pero akalain mo! Dito sa mundo niyo ay ang lakas lakas ito, paano na kung buong lakas ko na ang binigay ko baka wasak na kayong lahat"mayabang nitong Sabi saakin.
Sa oras na iyon Wala akong magawa kundi mag ipon ng galit at iyukom ang aking mga kamao. Mahina pa kami at walang sapat na lakas para labanan siya.
(Joji Nakata)
~CHAPTER 26 EPIC 5~
Isang malakas na suntok ang ginawad ko bilang counter attack sakaniya at mabilis itong umilag ngunit hindi niya napansin ang isa kong kamao.
Dumapo sa muka niya ang malakas Kong suntok dahilan para tumilapon ito sa pader ng palasyo. "Hindi ako papayag na maliitin mo lang kami, tignan mo simpleng atake lang ang ginawa ko pero anong nangyari sayo?"tanong ko dito habang naglalakad ako papunta sa pinagbagsakan niya.
Dumura ito ng dugo sabay tayo saka ngumisi saakin. "Chamba lang fren! So gusto mo ng Laban?"tanong nito saakin dahilan para matigilan ako sa paglalakad. "Hindi ka makasagot dahil alam kong mahina kayo, simpleng bato lang naman bakit hindi mo pa ibigay"dagdag pa nito.
"Dahil hindi lahat ng bagay nakukuha ng pera! May mga importanteng bagay na hindi kayang bilihin ng pera. ISA, ang buhay naming mga tao kami ay mortal at may kamatayan. Pangalawa, ang mundong ginagalawan namin sabihin mo sa saan kami titira? Sa mundo niyo? Sa mundo ng mga tulad mong sakim?"
Pumakawala ito ng buntong hininga saka ngumiti. "Hindi ako sakim, Dapat kayo ang matawag na makasalanan hindi mo napapansin? Malapit nang magunaw ang mundo niyo dahil sa hindi maayos na paggamit niyo ng mga materyales. Ozone layer? Naks! butas na butas tulad ng nanay mong butas!"bulyaw nito sabay tawa.
"Huwag mong idamay ang mga magulang ko dito dahil hindi ko dinadamay ang angkan mong mongoloid!"sigaw ko at mabilis akong tumakbo papunta sakaniya at ginawaran ng malakas na suntok ngunit bigla itong nawala sa harapan ko Kaya ang pader ng palasyo ang napuruhan.
Luminga ako sa paligid nang bigla akong bumulagta sa kalupaan dahil sa malakas na sipa nito. Agad akong bumango at humubog ng elektrisidad na hugis bilog saka ko ito pinaghahagis sakaniya, ngunit muli akong bigo.
Umiling iling ito habang naka lutang sa ere. "Sadiyang mahina kanga"Sabi nito sabay tawa ngunit bigla itong bumagsak sa lupa at sa likod nito nakita ko si Joji na naka siring sakaniyang baril. "Buhay pa ako gurl! Gulatsung ka Noh?"wika nito sabay lapit sa kalaban at inapakan ang muka.
Itinutok niya ang kaniyang baril sa kalaban at doon umipon ito ng enerhiyang kulay asul pero agad itong nawala. "Ay nawalan ng energy?"nagtatakang tanong nito sabay alog ng baril niya.
Tumawa si Vixx na tila nang aasar. "Ang enerhiya ng isang bagay o tao ay kaya Kong i-neutralize gamit lang ang telephatic wave ko, ang planetang bravado ang pinaka makapangyarihang planeta sa buong kalawakan. Bilis at bagsik ang aming taglay a-"hindi niya natuloy ang kaniyang sasabihin dahil agad ko itong hinagisan ng electro ball na nagdulot ng makapal na alikabok sa paligid.
Tahimik.
Noong humupa na ang alikabok sa paligid ay nakita namin itong nakapaloob sa enerhiyang bilog at naka lutang sa ere na napalibutan ito ng violet na enerhiya. Ilang sandali ay nawala din ito marahil iyon ang kaniyang shield
"Sige dahil mapilit kayo, bibigyan ko kayo ng apat na araw upang mag ensayo. Pagdating ng ikaapat na araw ay babalik ako kasama si Sprocket, Victor at turbot! Siguro naman pamilyar kayo sa mga pangalan nila dahil isa din sila sa mga alamat ng buong kalawakan. kapag nanalo kayo sa laban ay hindi ko na kukunin ang mga bato bilang pan design ng gown ko. Pero kapag kami ang mananalo kaming apat ay maghahati hati sa mga lugar dito sainyong mundo upang gawing bago naming lugar."panukala nito kaya agad akong sumang ayon samantalang si Joji ay napatingin saakin na tila nag-aalangan.
"Good! Sige aalis na ako good luck"Sabi nito saakin at saka naglakad palabas ng tarangkahan.
"Teh saan ka sasakay?"tanong ni Joji at lumingon ito.
"Sa invisible jet ko"sagot nito sabay ngiti
"Saan?"
Muling napatingin si Vixx saamin at pinanliitan kami ng mata "Boba! Invisible nga diba"wika nito dahilan para mag peace sign si Joji.
Pinagmasdan namin si Vixx at bigla itong naglaho. Ito na ang tinatawag na laban, siguro naman sa apat na araw na iyon ay masasanay na ang aking abilidad at maipag tatangol ko ang aming mundo pati narin sa nakaraan dahil doon ako nanggaling.
Sa ngayon, wala akong ibang nararamdaman kundi takot at kaba ang namamayani saaking kaibuturan.
Itutuloy...