EPIC 5 PAGE 14

604 33 0
                                    

Ito na ang Araw na pinaka hihintay ng Lahat ang paghahanap kung sino ang Tatanghaling Epic 5, kasalukuyang naka palibot kami ngayon sa isang miniture na Battle Field at abala naman ang mga Healers sa paggawa ng Health Vitamin na naka bote na ikakalat nila sa kahit saang parte doon sa minture battle field upang mag-silbing Health Buck-up namin kapag nasugatan kami habang nakikipag laban.

"Siguro'y sapat na ang pag-eensayo niyo noon pang nakaraang buwan mainam nang maganap ito dahil wala na tayong aasahang taga pagligtas natin. Hindi lang naman tayo aasa sa magiging Epic 5 kailangan din matutung makipag laban kaya pinagawa ko ang Practice Hall para maensayo niyo ang inyong mga kapangyarihan at ang inyong mga sarili"wika ng Hari

"mahal na Hari handa na po ang mga Health Vitamin maaari na po ba naming ikalat sa Battle Field?"entrada ng isang Healer Habang hawak nito ang isang bote ng Liquid na gamot

"heto ang isang Halimbawa ng Health Vitamins"pinakita ng Hari saamin ang isang Bote na kulay asul namay simbol na Tribal na Dragon

"ikalat na ang mga gamot"utos ng Hari at doon ay hinulog ng mga Healers ang mga Gamot doon sa Miniture battle field kung saan kami maglalaban laban

"Ngayon naman Papaliitin nanamin kayo para mapunta kayo sa loob ng Battle Field"sabi ng Hari sabay Hagis saamin ng Shrinking Powder at kumikinang ito na animo mga glitters at doon ay nakaramdam ako ng Pangingilo at bigla nalang kaming lumiit lahat at na ikalat sa ibang lugar dito sa battle field

Ngayon ay nandito na ako sa isang gubat mag-isa at walang ibang maririnig kundi mga huni ng mga insekto sa paligid. Naglalakad ako nang biglang may tumamang apoy sa may puno at sumabog ito ng malakas, luminga linga ako sa paligid ngunit wala namang tao baka nandiyan lang siya at naka tago kaya kailangan kong maging alerto.

Ilang saglit pa ay may biglang rumaragasang apoy na nagliliyab papunta sa kinaroroonan ko buti ay na alertohan ako at doon ay umilag ako at matumba sa lupa, pagtingin ko sa nanggalingan ng apoy ay may naka tayong babae at umaapoy ang palad nito habang naka ngisi.

humagis nanaman siya ng bolang apoy at doon ay dali-dali akong tumayo para ilagan ito kasabay ng paglabas din ng electric sparks sa kamay ko "Magaling ka sa ilag ha! nice gusto ko iyan practisado ka sa Agility pero mahina kalang sa Balancing kaya palagi kang natutumba"sarcastic nitong sabi saakin ngunit hindi ko lang pinansin
biglang lumakas ang electric spark saaking dalawang palad at doon ay balot na balot na ito ng kuryente.

"Magaling ako sa suntukan at mabilis akong tumakbo tignan mo ako ng mabuti baka nandiyan na ako sa harapan mo!"naka ngisi kong wika at doon ay nag simula na akong tumakbo ng mabilis sa kinaroroonan niya sabay gawad ng nag kukuryenteng suntok dahilan para tumalapon ito sa kalayuan.

"Tandaan mo hindi ako nananakit ng babae pero kailangan eh! may mga healers naman"sigaw ko sabay kaway at doon ay pinagpatuloy ko na ang paglalakad at biglang may nagpakitang isang Hologram na nakasulat ang pangalan ko namay 1 point at bigla din itong naglaho

Patuloy ako sa paglalakad nang biglang nag-iba ang lugar na kinalalagyan ko kumbaga kanina ay nasa gubat ako ngayon napunta ako sa Abandoned City na puro building na sira-sira at mga kotseng nag-sikalat pero sira nadin ito, siguro ay kinokontrol ng Hari ang Lugar dito kaya niyang palitan ang lugar dito sa Battle Field.

Habang sa ganoong paglalakad ay biglang may napulot akong Health Vitamin, akma ko itong buksan nang biglang may narinig akong kaluskos mula sa likod ng sirang kotse kaya namay agad kong linagay sa bulsa ko ang gamot at hinanda ko ang aking sarili. Papalapit ako ng papalapit hanggang sa makita ko ang isang binatang kalahok na iniinda ang sugat sa kaniyang tagiliran
"Huwag Friend time out muna maawa ka saakin please lang!"pagmamakaawa nito sabay takip sakaniyang ulo ako naman ay nakaramdam ng awa at agad linapitan ito.

"malalim ba iyang sugat mo patingin nga ako"sabi ko sakaniya at nakita ko ang malalim na sugat nito at dumudugo pa ito kaya naman agad kong kinuha ang gamot saaking bulsa "malalim iyang sugat mo kaya swerte mo may napulot akong gamot diyan sa daan kanina napano ba iyan?"

"palaso ang naka sugat saakin masiyadong malakas yung gurl kanina nakaka imbyernes! magaling siyang gumamit ng pana akalain mo ba namang nagiging Poison dragon yung palaso niya kapag ginamitan ka niya grabe"sabi nito saakin habang iniinda ang sakit.

Ako naman ay binubuksan ang gamot para ipainom ito sakaniya gusto ko siyang tulungan para hindi siya mawala dito sa battle field alam kung meron din siyang gustong patunayan tulad ko kaya ibibigay ko itong second chance para magamot siya. Rare kalang maka kita ng gamot na ito dito sa battle field kaya kapag naka kita ka itago muna agad baka makuha pa ng iba.

Habang sa ganoong posisyon kami dito sa likod ng kotse ay biglang may dumating na babae naka pang archer suit ito na kulay black red at kulay Grey ang Buhok nito at may hawak na Pana

"OH MY! nandito ka pala bakla mabuti't nabuhay kapa sa Werpa ko ohh! tignan mo nga naman may kasama kapa for sure pag tinegi ko kayo nasa 25 points na ako at sure nang mapapa sali ako sa Epic 5 nasa akin na ang isang slot"entrada nito sabay tutuk ng pana saamin at nagliwanag ito ng husto na kulay Violet at dito ay may Bilog na Parang Arcane symbols samay Arrow nito at doon siguro nanggagaling ang Dragon.

"By the way para hindi niyo ako maka limutan kapag bumalik na kayo sa out side world My name is Risa Taneda I'm 17 years old from Nihao ma, Nihaoma.. Nihao na manok, Nihao na baboy CHINA! charooot!"maarteng pagpapakilala nito sabay sigaw ng malakas

"Good bye mga Beshy I love you muah!"at doon ay pinakawalan niya ang palaso nito at nag form ito into dragon na color green dahilan para umilag kami
Isang malakas na Pagsabog ang imapact ng kaniyang Dragon Arrow kasabay nito ang pag-yanig ng lupa

"gaga ka akala mo naman maputi
ka! well kung sa pagkakaalam mo ay Tegi na kami nitong si.. anong name muna?"tanong nito saakin

"Nero, Nero Ueda"bulong ko naman at tumango ito hindi ko alam kung pageant ba ito kung war.

"Asan na ulit ako... ok from the top tayo urong ka muna gurl"sabi nito at doon umurung naman si Risa (yung babaeng may pana)
at doon ay nag simula nang magsalita ang kasama ko.

"gaga ka akala mo naman maputi well kung sa pagkakaalam mo ay Tegi na kami ni Nero pwes Hindi at isapa binigyan niya ako ng Health Vitamin kaya heto ako ngayon buhay na buhay at walang sugat by the way My name is Joji Nakata 16 years old from Enchanted kingdom, Toy kingdom UNITED KINGDOM! isa kading charoot!"sigaw niya at linabas niya ang kaniyang dalawang baril sa gilid niya at itinutok ito sakaniya,nagulat ako sa baril ni Joji dahil may hawig ito sa Pistol pero mas Ultra modern sakaniya dahil nag muka itong mecha-pistol.

"Ay wow galing sis.. Ikaw naman bakla? anong entry mo?"palakpak ni Risa sabay tanong saakin.

"Hi my name is Nero Ueda 17 years old from Frying pan, Peter Pan, cooking Pan JaPAN! mga charotera kayo"at doon ay nangisi si Risa sa sinabi ko ngunit hindi nila inaasahan ang pag liwanag ng dalawang kamay ko at pagkaroon nito ng Electric Spark

"Wow Nero Electric Type ka pala ikamusta mo naman ako kay Pikachu"nakangiting wika ni Risa at nagsimula nanaman itong gumamit ng pana niya.

"kung si Nero ay Electric Type ako naman ay magaling sa barilan! Itong Beam Pistol ko ay hindi bullet ang bala nito kundi ang aking SUPA ENERGY!"sabi ni Joji habang si Risa ay naka tutuk saamin ang pana niya.

"Wanna try to you?"naka ngising wika ni Joji at doon ay kinalabit ang gatilyo ng kaniyang baril at nagliwanag ito ng kulay cyan na animo nag-ipon ng energy sabay putok

BAAANG!

isang malaking bolang enerhiya ang lumabas sa baril ni joji at kitang kita na nagulat si Risa sa nakita niya kaya sinubukan ni Risang umilag ngunit huli na ito tumama sakaniya ang bala at tumilapon ito sa Gusaling sira
Isang malakas na Pagsabog ang maririnig at kasabay ng pagbagsak ng mga tipak na pader ng lumang building. Kung titignan mo ay maliit lang ang baril ni Joji pero ang lakas naman nito ay kasing lakas ng isang Kanyon.

"Ngayong wala na si Risa ikaw naman ngayon Nero! thanks sa gamot hayaan mo bibisitahin kita sa outside world!"tumatawang wika ni Joji sabay harap saakin at tutuk ng beam pistol niya.

to be continued

EPIC 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon