EPIC5 PAGE 21

512 21 1
                                    

Lumipas ang dalawang araw ay naging maayos nanga ang aming bahay dahil sa tulong ng Gobyerno at Mayor ng aming bayan dahil tumulong sila sa pagpapaayos ng mga napinsalang Bahay, Bumalik nadin ang Linya ng Kuryente at Signal pati tubig ay bumalik na. Pero hindi parin mawawala sa mga tao dito ang nangyaring pagyanig at tila tumatak na sakanilang isipan ang karimarimarim na pangyayari.

Wala namang nasawi kundi nasugatan lang pero agad din silang tinakbo sa Hospital at Agad inagapan ang kanilang sugat. Samantala kami naman ni Aoi ay naghihintay padin na makabalik sa Time Dimension o sa Royal Capital City dahil hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakabalik doon.

"Nay Matutulog lang ako gisingin niyo nalang ako kapag pumunta dito si Aoi alam niyo naman iyon kung may ibabalita saakin ehh pumupunta dito"habilin ko kay Ina habang pumapanhik ako papunta saaking silid.

Agad kong tinumba ang aking katawan saaking Kutchon na naka latag dito sa sahig at humiga. Habang sa ganoong posisyon ay tila nakakaramdam ako ng Matindin init ngunit nakabukas naman ang Aircon. Napatingin ako sa Orasan at tinitignan ang pag-ikot nito. Hanggang sa Nag-iba ang Pag-ikot nito kaya agad akong bumalikwas at lumapit. Pabilis ito ng pabilis at ganito yung nangyari noon.

Hanggang sa Biglang humangin ng malakas dito sa loob ng aking silid at bigla akong hinigop ng isang kakaibang Portal na Sobrang Liwanag.

Binukas ko ang talukap ng aking mga mata at nakita kong nandito ako sa likod ng Mansion nina Prinsipe Chiwa kaya sobrang tuwa ko noong makita ko ito at tila nakaramdam ako ng matinding pananabik na makita muli si Chiwa. Agad akong tumakbo papunta sa Harap ng bahay nila Chiwa nang bigla akong harangin ng mga kawal habang naka tutuk saakin ang kanilang Sibat.

"Saan ka pupunta bata?"tanong ng isang kawal

"Ako po ito! Si Nero yung isang epic hero hindi niyo po ba ako naaalala?"

Habang sa ganoong Pang-uusisa nila kung sino ako ay biglang may narinig akong boses mula sa likod ng mga kawal kaya tinignan ko ito.

"Chiwa! Este Prinsipe Chiwa! Ako ito si Nero nagbalik na ako"natutuwa kong wika habang hindi ko maitago ang pananabik na muling makita siya. Tila nawala saaking paningin ang mga kawal at kusa nalang gumalaw ang aking mga paa at tumakbo papunta si kinaroroonan ni Chiwa at agad ko itong yinakap ng mahigpit.

"Miss na miss na kita chiwa kahit na ilang araw lang kitang hindi nakita at nakasama ay parabang namiss kita ng sobra"sabay higpit ng pagkakayakap ng sakaniya ngunit bigla siyang kumalas sa pagkakayakap ko.

"Alam mo bang hinintay kita minu-minuto, oras-oras, araw-araw buwan-buwan-"hindi na niya natuloy ang sasabihin niya

"Taon-taon? Wag kanga! Ang alam ko ang katumbas ng apat na araw ay dalawang buwan lang"nakangiti kong wika at nakunot ang noo nito.

"Dalawang buwan lang? Alam mo ba sa dalawang buwan na iyan ay muntik na akong mawalan ng pag-asa kakahintay sayo! Palagi akong nakaupo doon sa gilid ng Fountain baka sakaling dumating ka pero wala eh!"

"Sorry na hindi ko naman ginusto iyon bigla nalang kaming nawala ni Aoi at isapa may dapat kang malaman Chiwa este prinsipe pala"muli kong wika at agad niya akong yinakap ng mahigpit.

"Hinintay talaga kita ang akala ko ay iniwan mo naako"bulong nito saakin kaya hinaplos ko ang likod niya

"Hinding-hindi kita iiwan alam mo iyan magkapatid tayo pero ampon lang ako
At masaya akong nakilala kita at isapa hindi ko iiwan ang trabaho kong maglingkod dito sa Royal Capital City"nakangiti kong wika.

"Huwag mo nang uulitin iyon ah! Mamamatay ako kapag nawala ka saakin
At baka mabaliw pa ako" wika nito sabay bitiw sa pagkakayakap at pumasok na kami sa loob ng kanilang mansion

Noong makita ako ng Hari at Reyna ay tila nabuhayan sila ng loob at tumakbo papunta saakin at yinakap ng mahigpit

"Ang akala ko ay Hindi kana babalik Raiko (Nero) Saan kaba nanggaling"tanong saakin ng Hari at hindi maitago ang ngiti at tuwa sakaniyang mga mata.

"Sa Mundo po namin mahal na hari, alam niyo po bang may dumating na Halimaw saamin at nagdulot iyon ng malaking pinsala saaming lugar, sinubukan namin siyang puksain ngunit tila hindi siya natatablan saaking kapangyarihan pati nadin sa Espada ni Aoi sa totoo ngalang po muntikan na kaming namatay ngunit may biglang dumating na lalaki na tumulong saamin."salaysay ko at nagkatinginan ang Hari at Reyna.

"Sa totoo lang Raiko anak ninakaw ang Earth Stone doon sa Lugar niyo, doon sa bundok ng susong dalaga, hindi namin siya napigilan dahil mabilis siyang naglaho, sinundan ka namin doon sa lugar niyo pero may kung anong Enerhiya na pumipigil saamin na makapunta sa bahay niyo."paliwanag naman ng Reyna sabay tingin saaking kwintas na binigay niya

"Naramdaman din namin na ginamit mo ang Enerhiya ng Kwintas mo ngunit hindi mo ito nagamit ng maayos dahil hindi mo pa alam gamitin ang Z-Ability mo kaya naubusan ka ng lakas diba?"

"Hindi ko po alam na nagamit ko ang Z-ability ko basta nagliwanag nalang ito ng kulay asul at tila pinalibutan ako ng Malakas na Aura at naramdaman kong lumakas ang aking katawan."sagot ko naman at tumango ito

"Sa ngayon kailangan mabantayan ang mga bato dito sa Royal City pati nadin sa mundo niyo dahil nandoon ang ibang mga bato tulad ng Earth stone at Fire stone samantala ang Air stone ay pinangangalagahan ng mga Taga Earth kingdom at ang water stone naman ay nakatago sa Center Sky Pillar dito sa Royal capital."sabi ng Hari kaya napatango nalang ako

"Hindi ba pwedeng kunin nalang natin ang mga bato at itago nalang ito?"tanong ko sakanila ngunit umiling sila pati si Chiwa ay umiling din

"Hindi pwede dahil kung inalis mo ang mga bato sakanilang kinalalagyan ay maaaring magdulot ito ng malakas na delubyo sa buong mundo dahil sila ang nagbibigay ng balanse ng ating mundong kinatatayuan katulad nalang ng Earth stone na ninakaw ni Vixx Nagdulot ito ng Karumaldumal na pangyayari doon sainyo hindi lang iyon maaaring masira ang Masasaganang lupa at mga pananim na maaaring magdulot ng Maliit na ani ng mga pananim"salaysay ni Chiwa sabay kindat saakin, hindi ko alam na may alam pala siya sa mga ganitong usapan.

"Pa-paano mo naman nasabi iyan Prinsipe Chiwa?"pang-uusisa ko kaya natawa ang mga magulang nito

"Dahil Si Chiwa ay nag-aaral patungkol sa mga nasasakupan namin alam na alam niya ang lahat pati bilang ng papulasyon dito kasama na ang mga hayop. Alam din niya ang tungkol sa mga bato, Ang Mahiwagang Hour glass at mga Kalaban"sabi ng Reyna sabay tapik saaking balikat kaya ayun nga-nga ako at walang masabe.

Pagkatapos ng lahat ay nagtungo muna ako saaking Silid at umupo sa kama.

"Siguro ito na ang simula ng labanan kailangan kong mabigyan ng babala doon sa mundo namin pero paano ko sila mapapaniwala"bulong ko saaking sarili habang nakatingin sa sahig

*knock *knock *knock

"Master pinapatawag kayo sa labas may meeting daw kayong mga Epic 5"boses ni Master San kaya agad akong tumayo at lumabas saaking silid batid kong nandoon nadin si Aoi ngunit hindi niya ako makikilala dahil sa Epekto ng Time bending.

EPIC 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon