CHAPTER 18

615 20 0
                                    

Tumama ang sinag ng Araw saaking mga mata dahilan para Unting-unti ko itong imulat at doon ay sumalubong saakin ang magandang sikat ng Araw, bumangon ako at nag-inat sabay tayo para pumunta sa Harap ng Salamin

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tumama ang sinag ng Araw saaking mga mata dahilan para Unting-unti ko itong imulat at doon ay sumalubong saakin ang magandang sikat ng Araw, bumangon ako at nag-inat sabay tayo para pumunta sa Harap ng Salamin.

*knock *knock

"Master Nero Gising Na po kayo at Mag-aalmusal na po kayo dahil may Ensayo po kayong mga Epic Hero ngayon"sabi ni San habang kumakatok sa pintuan kaya agad akong tumayo para pag buksan ito

"Magandang Umaga Master baba na daw po kayo dahil kakain na kayo at may Ensayo kayo ngayon"muli nitong sabi saakin at doon ay tumango ako at sumama sakaniya sa Baba

"Kumusta ang Tulog mo Nero mahimbing ba?"tanong saakin ng Hari habang naka upo sa Long table ng Royal Fam.

"O-opo"maikli kong sagot

"Halika na upo kana dito para makakain kana tabi na kayo ni Chiwa"pag-aya ng Reyna at agad akong tumabi kay Chiwa na abala sa pagkain "Kumusta hindi ka naka tulog kagabi no? Nabaliw ka sa halik ko"naka ngiting bulong nito saakin

"Ako? Hindi naka tulog? Duh naka tulog kaya ako ng Mahimbing!"sagot ko naman sabay inom ng mainit na Kape

"Weh? Sarap na sarap ka naman hayaan mo mauulit pa iyon basta Lasingin mo lang ako"naka ngisi nitong sabi saakin dahilan para sikuhin ko ito

"Aray ko!"singhal nito dahilan para pagtinginan kami ng Hari at Reyna

"Ahh Sorry mahal na Prinsipe akala ko may pusa kasi sa baba"pag papalusot ko dahilan para mataas kilay ang Hari.

Pagkatapos namin kumain ay agad kaming nag tungo sa Isang Practice Area dito malapit sa Dagat. may mga puno dito at tanaw na tanaw dito ang magandang kulay asul na dagat dito

Malawak at Malinis ang Paligid at maganda talaga itong pag practisan at wala kang matatamaang Mga bagay.

"Una, Ang Eensayuhin natin ay ang inyong ability alam ko at alam niyo na masiyado pa itong Mahina dahil hindi niyo pa ito lubos na gamay at practisado"sabi ni Zed (yung matandang lalaking naka roba doon sa Town hall)

"Nais kong makita kong gaano kayo kalakas at ano pa ang maaari niyong gawin para mas Maimprove ang inyong abilities, ang ability ay isang back-up weapon ng isang Hero kapag Nahihirapan na ito sa Combat technique. Kaya mahalagang malaman niyo kung ano ang importance at uses ng inyong Super Ability"paliwanag ni Zed sabay Bukas ng kaniyang palad at doon ay Lumutang ang mga buhangin papunta sakaniyang palad at doon ay nag form ito animo isa bola.

"Nais kong kalabanin niyo ang mga Sand Monsters ko"sabi ni Zed at doon biglang bumangon ang isang Taong buhangin hanggang sa Parami ito ng Parami.

Agad kaming humanda sa unang atake si Risa ay hinanda niya ang kaniyang Palaso, si Aoi naman ay winawasiwas sa ere ang kaniyang Espada, Si Joji naman ay naka tutok na ang kaniyang Beam pistol at nag liliwanag na ito, si Chiwa naman ay naka Kungfu style lang at kombat technique ang kaniyang gagawin dahil hindi siya maka pag blood bend dahil sa walang dugo ang Sand Monster, habang ako naman ay Naghahanda at napansin kong nagliliwanag ang aking Suot na kwintas.

EPIC 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon