Napalingon ako kina Joji at master San sa likod ko at nakangiti ang mga ito. Muli kong binaling ang tingin sa Hari na nakangiti din. "ngunit nais ko munang magpahinga kayo dahil Alam kong malayo layo ang linakbay niyo,"Sabi nito saamin at pinatawag ang kaniyang mga utusan upang ihatid saaming mga silid.
"Mamaya ay ipapatawag ko kayo para sa Hapunan, alam kong gutom na kayo at doon nadin natin planuhin ang paghahanda sa laban at ensayo niyo"dagdag pa nito kaya agad kaming tumango at nagpasalamat sa kabaitan ng Hari.
CHAPTER 24
Kasalukuyang naglalakad kami dito sa isang pasilyo papunta saaming silid kasama ang isang tagapaglingkod ng Hari. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga disenyo sa paligid lalong lalo na sa mga halamang may buhay na naka display sa isang isolated garden katulad nalamang ng isang kumakain ng karne (kahawig ito ni Chomper sa plant v.s zombie)
Hindi ko alam kung anong uring halaman ang mga ito ngunit natitiyak kong produkto ito ng Science. Marahil modified plants ang mga ito Kaya naman may kaniya-kaniya silang abilidad.
Parang hango ang mga halaman dito sa plant v.s zombies na aking linalaro Doon sa mundong ginagalawan ko dati.
Maya-maya ay sumalubong naman saamin ang mga estatwang inukit sa marmol, mga ibat-ibang klase ng espada na naka lagay sa isang malaking frame at iba pa.
"Ang dami namang collection ng Hari niyo, kung siguro ibebenta niya ang mga ito madaming bibili sa free marketing sytem"namamanghang wika ni Joji habang hinahawakhawakan ang mga kagamitang nasasalubong namin.
natawa naman kami ni Master San batid naming una palang nito makakita ng mga ganitong kadaming collection.
Madami pa kaming nakitang kagamitan hanggang sa nakadating na kami sa naturang silid. "Nandito na tayo ipapatawag nalang kayo ng Hari kung maghahapunan na"nakangiting wika ng isang utusan.
"Maraming salamat sa pagpapatuloy. Tatanawin namin ito ng mabuting loob at hayaan niyo kaming mag silbi sa Hari para protektahan ang bato."sabad naman ni Joji at doon umalis na ang utusan.
Pinihit namin ang pinto ngunit naka lock ito kaya nagtinginan kaming tatlo nina Joji at master San.
"Ayy naka lock. Wait lang ateng! naka lock po yung pinto wala saamin yung Susi."pagtawag ni Joji sa naghatid saamin Kaya naman napalingon ito.
"Pasensya na po nakalimutan Kong naka sara pala ang pintuan"pagpapaumanhin nito at saka pumunta sa harap ng pintuan.
"Nasayo ba yung Susi?"tanong ni Joji sa utusan ngunit umiling ito.
"Wala po saakin yung Susi"tugon naman ng utusan kaya halos mapanganga si Joji pati ako.
Maya-maya ay sumandal si Joji sa pader at nag walling na animo nag d-drama. "Ayoko na!! Ang layo layo ng linakad natin, ang lawak pa ng palasyo, nakakapagod ang sakit na ng paa ko tapos wala sayo Yung Susi?"
Napakamot Yung utusan saka muling humarap sa pintuan. Itinaas nito ang kaniyang kaliwang kamay at doon lumiwanag ang kaniyang kamay ng kulay asul at humubog ito ng hugis susi.
maya-maya ay itinapat nito sa doorknob at bigla ito bumukas. "wala po kasi kaming susi dito ang ginagamit namin ay ang aming mahika, ako lang po kasi ang may ganitong abilidad kaya ako ang itinalaga sa pagbubukas ng mga silid"nakangiti nitong paliwanag kaya natulala nalang ako.
napatigil si Joji sakaniyang ginagawa at agad itong tumayo.
"ako po si Izy ang keeper. Aalis na po ako"nakangiti nitong pagpapakilala saka umalis saaming harapan.