11
"Maligayang Pagdating sa Mansion Raiko"naka ngiting wika ng hari habang naka tingin kami sa malaki at magarbong bahay
"correction po Nero po ang pangalan ko"sabi ko sa hari sabay tanggal ang kamay sa pagkakaakbay saakin
"Naiintindihan kita iho bumaba na tayo?"pag alok ng hari saakin at doon ay bumaba kami sa karwahe at naglakad patungo sa Malaking Mansion. Ang ganda ng bahay ang laki parang Ultra Modern House na ito kumbaga, puro ang bintana ay malalaki at may black tint para hindi ka makita sa loob. May pool area pa sila at fountain, maganda din ang ground ng bahay nila dahil sa Bermuda grass ito. Meron din silang maze style na garden kung saan nandoon ang mga magagandang bulaklak na nag niningning na parang may fairy dust. Ang mga puno namay maliliit na bilog na ilaw at na palibutan ito ng christmass light pero hindi pa naman umiilaw dahil umaga pa naman.
"Maganda ba ang bahay Raiko este Nero?"tanong saakin ng hari noong maka pasok kami sa kanilang mansion at tumango lang ako bilang tugon sakaniya at pinagpatuloy namin ang paglalakad papasok sa loob. Pagpasok namin ay bumungad saakin ang napakagandang loob ng bahay nila, may malaki silang Aquarium at may mga malalaking Picture frame na naka sabit ang iba ay Royal Family Picture at gumagalaw pa ito na parang sa harry potter pero ang pagkakaiba ay parang GIF lang siya paulit-ulit.
"Mahal na hari pwede po bang ibalik niyo na ako saamin kasi for sure yung mga magulang ko ay nag-aalala na at baka umaga na doon please po please!"pagmamakaawa ko sa Hari
"hindi ka makakabalik doon iho kung hindi mo natatapos ang misyon mo dito"sabi nito saakin dahilan para makaramdam ako ng kawalan ng pag-asang umuwi ngayon "at isapa nandito kana Raiko dito ang totoong lugar mo hindi sa kabilang dimension ng mundo"dagdag pa nito
"Hindi! hindi ko lugar ito! hindi ko pinangarap na magkaroon ng kakaibang kakayahan ang tahanan ko ay sa mundo namin! kaya kung AKO! SAINYO IBALIK NIYO NA AKO DOON!"mataas kong boses sa hari at doon ay biglang lumabas ang mga electric bolt sa aking katawan
"Raiko kumalma ka iho!"nagpapanic na wika ng hari saakin dahilan para sigawan ko siya "kung ganon ibalik niyo na ako sa Mundo NAMIN!"
"Hindi ito ang oras para gamitin mo ang kakayahan mo Raiko!"mataas na boses ng hari ako doon ay bigla siyang pumwesto at nagliyab ang buong katawan nito habang ako naman ay hinahanda ko ang una kong atake wala akong pake kahit hari siya ang gusto ko ibalik niya ako sa mga magulang ko
"Raiko makinig ka please kumalma ka pag-usapan natin ito ng maayos huwag nating idaan sa ganitong usapan maaari tayong makasira ng siyudad O baka hindi mo ma control ang emosyon mo ay maaaring lukuban ka ng Extreme emotion mo please listen to me!"sabi ng hari saakin ngunit hindi ako nag patinag, agad akong tumakbo ng mabilis na animo isang kidlat sa harapan niya sabay kwelyo sakaniya at ini-angat pataas
"So ayaw mo!"sigaw ko sabay gawad ng suntok ngunit biglang tumigil ang kamay ko na animo may sariling buhay na kayang controlin ang galaw ko sumunod ang aking mga paa na bigla kong kinatumba. "anong nang-yayari saakin! anong nangyayari saakin sumagot ka!"sigaw ko habang namimilipit sa sakit pati ang hari ay hindi alam kung bakit bigla akong natumba
Ang aking dugo parang bumabagal ang takbo at ang aking mga kalamnan at parang iniipit na hindi ko maintindihan hindi ako maka hinga "Ako! napilitan akong gamitin ang aking blood bend ability para patigilin ka sa ginagawa mo saaking ama sino kaba? laspatangan ang ginagawa mo dapat kalang ipatapon sa ilog ng mga Naval Piranha!"sigaw ng lalaking palapit saaming kinalalagyan habang naka tapat ang kamay niya saakin na para akong kinokontrol.
"Chiwa tama na nasasaktan si Raiko!"sigaw ng hari at doon ay unti-unting nawala ang pagliyab sa katawan niya at linapitan ang kaniyang anak na prinsipe
biglang tumigil ang sakit ng aking buong katawan at naramdaman kong maayos na ang takbo ng aking mga dugo huminga ako ng malalim at lakas loob kong tumayo kahit na sobrang sakit ng katawan ko pero mahina parin ako kasabay non ang paglabo ng aking mata at doon ay pumikit nalang ito ng kusa.
Pagmulat ng mga mata ko ay biglang bumungad saakin ang Hari na naka ngiti habang hinahaplos ang aking muka nandito din ang Reyna na nakangiti din saakin ngunit wala akong kibo
" ikaw nga si Raiko dahil sa kilay mo iyan ang palatandaan namin sayo"sabi ng Reyna habang naka ngiti saakin
"ilang beses ko pong sasabihin sainyo na hindi po ako si Raiko ako po si Nero, mabait akong tao pero parang linoloko niyo naman ata ako, hindi dito ang mundo ko ang mga magulang ko ay malamang hinahanap na nila ako ngayon maawa naman ho kayo"mangiyak-ngiyak kong wika at doon ay nagkatinginan ang Hari at Reyna na tila nag-uusap gamit ang mga mata
"Nais rin naming ibalik ka dahil nga mapilit ka at isapa mahal kanamin ngunit hindi namin alam kung paano ka maibabalik doon" malungkot na wika ng reyna sabay yuko
dahil sa sinabi ng Reyna ay wala nalang akong nagawa kundi maluha dahil sa kasabikan kong makauwi saamin. Kung panaginip man ito ay nais ko nang magising at ayaw ko nang balikan itong masamang panaginip.