EPIC5 PAGE 16

556 27 0
                                    

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata at doon ay bumungad saakin ang mga Healers kaya Bumalikwas ako sa Pagkakahiga "Hindi! Hindi maaari ito! Natalo ako hindi pwedeng mangyari ito!"pagsisigaw ko dahilan para mataranta ang mga Healers dito sa Loob.

"Huminahon Po kayo Master Nero"sabi ng Isang Healers at pilit akong pinapakalma

"Hindi! Hindi pwede ito! Natalo ako"hiyaw ko at hindi maitago ang labis na pagka dismaya saaking sarili, Natalo ako at hindi ko alam ang aking gagawin.

Bumukas ang Pintuan at dito ay nakita ko Si Chiwa "Hoy! Huwag kangang OA mag pasalamat ka at linigtas kita! Punasan mo na iyang mga Luha mo! At lumabas kana dito sa Healing Center Hinihintay kana nila doon sa Stage"at doon ay lumabas ito at binalibag ang Pintuan habang lahat naman ng Healers ay natahimik pati din ako ay natahimik sa sinabi niya

"Ang totoo po ay Nagwagi kayo sa Tournament yun ngalang ay sugatan kayo noong linabas kayo ni Prince Chiwa sa Battle Field"naka ngiting sabi saakin ng isang Hearler

"At Kasama sa Rules ay kapag Sugatan kapa pero may malay kapa ay Ok lang iyon basta nasa Saktong 5 na ang natira pero kapag 6 pa kayo doon Automatically Yung Sugatan ang matatanggal I meqn yung grabe talaga yung parang nangyari sayo. Master"paliwanag ng Isapang Healer kaya ngayon ay naiintindihan ko na.

Kaya tumayo na ako at Lumabas ng Room at doon ay Nakita kong Nakaabang na lahat ng Tao saakin dito sa Healing Center, nakita ko din sa Big Screen nila ang Replay ng Laban sa Loob ng Tournament hindi ko naman alam na maraming Micro Camera sa Battle Field.

Pag labs ko sa Healing Center Mainit akong sinalubong ng mga tao dito sa Labas nagsisipalak pakan at nagsisigawan. "Atin nang salubungin ang pangapat na Epic Hero si Nero Ueda!"naka mike na sabi ng Lalaki hababg ang Royal Family naman ay naka Upo sa kanilang trono sa Stage habang ang mga Epic Heroes naman ay Nakatayo sa baba ng Stage

Nakita ko dito si Joji na nakangiti saakin habang kumakaway si Risa naman ay Nag f-finger Heart sa mga tao sabay Flying kiss habang si Chiwa naman ay nakatingin saakin habang naglalakad papunta sa kinalalagyan nila.

"Maraming salamat pala sa Pagliligtas saakin Utang ko ito sayo mahal na Prinsipe"bulong ko sakaniya at ngumiti ito

"Hindi makokompleto kapag wala iyong isa pero sino ngaba siya? Ating tignan ang Battle Video niya"sabi ng naka mic na lalaki at doon lumabas ang malaking Hologram at doon nakita namin ang Replay battle ng Panglimang Epic Hero.

Makikita dito na Sobrang Bilis niya sa paggamit ng espada, napaka alerto nito at parang Expert siya sa paggamit ng kaniyang Espada. Noong aatake na ang dalawa nitong kalaban ay bigla itong Dumami animo'y duplication dahilan para mamangha kami

End of Replay

"Nakaka bilib naman ang ability ng babaeng iyon gusto niyo naba siyang makilala?"tanong nito at doon ay sumigaw ang mga tao na gusto na nilang makita ang panglimang Epic Hero.

"Atin namang Salubungin ang Huling Epic Hero si Aoi Yuki from Earth Dimension!"sigaw ng lalaki at doon ay naglakad na si Aoi papunta dito sa harap ng Stage, tanaw na tanaw namin ang paglalakad niya papunta dito sa Harap.

Nagulat nalang ako sa nakita ko bakit siya nandito? Ang alam ko yung may mga ability lang ang nandito?

Nang Nasa Harap nanamin siya kaya agad akong tumakbo para yakapin siya "Aoi! Paano ka naka punta dito ah! Kumusta sina Ina doon sa bahay hindi ba ako hinahanap miss na miss ko na sila! Pati ikaw miss ko na din"

"Excuse me kilala ba kita? At isapa hindi ko alam yung pinagsasabi mo"sabi nito sabay alis ng pagkakayakap saakin at doon ay pumwesto na ito

Ako naman ay naiwan doon at Tunganga hindi ko maunawaan kung si Aoi ay nag jojoke lang. Kaya wala na akong nagawa kundi pumunta sa Pwesto ko

"Ngayon kompleto na kayo nais kong sumunod kayo sa Sasabihin ko... Ako si (pangalan) Isang Epic 5 Hero Nangangako ako na Ililigtas ko ang mga nangangailangan nangangailangan ng aking tulong at Magsasakripisyo ako para sa Mundo at Handa akong I alay ang Buhay ko."sabi nito at doon ay sumunod naman kami

"Ako Si Nero Ueda Isang Epic 5 Hero Nangangako ako na Ililigtas ko ang mga nangagailangan ng aking tulong at Magsasakripisyo ako para sa Mundo at Handa akong I alay ang buhay ko"habang naka taas ang aming kaliwang kamay

Nagsi palakpakan ang mga tao at doon Ay lumapit saamin ang Hari at binasbasan kami.

Itutuloy

EPIC 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon