EPIC5 PAGE 13

622 25 0
                                    

Lumipas ang mga Araw dito sa Royal Capital City at medyo nakaka adjust naman na ako ng konti, gagawin ko na muna ang aking misyon dito bago ako maka uwi doon at sisiguraduhin kong makukuha ako sa Tournament. Pinaliwanag na lahat saakin ni San ang tungkol sa Epic Tournament na magaganap bukas kaya lahat ng kawal ay pinatawag upang sanayin ang aking lakas sa pakikipag laban gamit ang sandata. Medyo delikado ang Epic Tournament ngunit meron namang Healers na gagamot sa mga napinsalang kalahok, hindi ako susuko dahil ang aking mga magulang ang siyang magiging sandata ko upang mapalakas ang loob ko sa pakikipag laban.

"Kailangan niyo pong Ilabas ang buong lakas niyo Master Nero dahil Higit na mas malakas ang mga kalaban niyo dahil mas nahasa nila ito mula sa kanilang pagkabata"sabi ni San habang pinapalibutan ito ng lumulutang na tubig dahil ito ang kaniyang kakayahan ang Water Creation Ability.

Agad naman akong nag-ipon ng lakas at doon ay maslalong lumakas ang electric spark saaking katawan at doon ay agad akong nagtakbo upang gumawad ng pangunahing atakeng suntok. Mabilis akong nakarating sa harapan ni Master San ngunit ginamit niya ang kaniyang water ability at nag form ito ng isang malaking kamao na sumuntok saakin dahilan para mabasa ako at matumba

Eneensayo ako ni Master San gamit ang aking ability dito sa battle area malapit sa Mansion upang magamit ko ito ng husto sa labanan bukas at ayon narin sa utos ng Hari.

Mabilis akong umatake gamit ang espada ngunit agad namang sinangga ng Kapitan ng mga kawal ang aking atake, Ngayon naman ay eneensayo ako ng kapitan ng mga kawal na gumamit ng sandata gaya ng espada at pana.

"dapat maging mabilis ka sa lahat gamitin mo ang iyong mata upang makita mo kung saan sila aatake sayo"payo ng kapitan at tango lang ang aking sagot sabay wasiwas ng espada sa taas dahilan para umapoy ito

lumundag ako sabay gawad ng malakas na atake at doon ay nadaplisan ng espada ang kaliwang braso ng kapitan dahilan para mapunit ang kaniyang kalasag at maliit na sugat.
"Magaling bata!"nakangiting wika ng kapitan habang nakahawak sakaniyang braso at doon ay agad namang rumesponde ang mga Healers para gamutin ang natamong sugat ng Kapitan dahil ang blade ng espada kapag lumiliyab ay maaaring mag dulot ito ng burn sa tissues sa katawan mo at maaaring mabulok ito kung hindi naagapan

nagsihiyawan ang mga kawal at si Master San ay pumapalakpak at nakangiti

Matapos ang maghapong Pag-eensayo ay agad kaming sinalubong ng Mahal na Reyna at yinakap ako na parang sariling anak na parang kagagaling sa school nila. Yumakap din ako at doon ay bigla ko nanamang naalala si Ina at Ama kumusta na kaya sila ngayon.

"Naging maayos ba ang pag-eensayo mo ngayon?"tanong ni Reyna Gu saakin habang naglalakad kami papasok sa Mansion Habang si San naman ay naka sunod lang saamin.

Agad naman akong dumerecho sa banyo para maligo at hugasan ang aking katawan dahil amoy pawis na ako. Habang sa ganoong pagtahak ko sa daan papunta sa Banyo ay biglang bumulaga saakin ang Prinsipe, matangkad ito at maputi singkit at bilugan ang mata at kulay asul ang kaniyang mga mata, maganda ang kaniyang pangangatawan dahil narin siguro kapag nag eensayo siya "Hoy! akala mo siguro hindi ko nahahalata ang pagiging sipsip mo sa magulang ko no? grabe ka pinulut kalang nila sa harapan ng aming mansion tsk"sabi ni chiwa saakin dahilan para makaramdam ako ng inis

"mawalang galang na po mahal na prinsipe ngunit hindi po ako nakikisipsip sa mga magulang niyo gusto ko na ngang bumalik saamin dahil miss ko na ang aking totoong magulang"sagot ko na hindi maitago ang inis

"Balita ko din na hindi sila ang tunay mong mga magulang, kawawa ka naman saan ba kasi iyang mga magulang mo baka anak ka ng demonyo kaya ganiyan ang kilay mo. Anong klaseng kilay iyan"sabi nito ngunit hindi ko na ito pinansin kaya linagpasan ko ito papunta sa banyo ngunit biglang sumakit ang aking katawan at ang aking dibdib ay naninikip tila hindi na ako makahinga doon ay natumba nalang ang aking katawan. Napatingin ako kay Chiwa (prinsipe) naka tapat ang kaniyang kamay saakin na tila ginagamit na niya nanaman ang kaniyang Blood Bending

"Chiwa!, mahal na prinsipe h-hindi a-ako ma-maka hinga"habol hininga kong pagmamakaawa ko at doon ay bigla nalang nawala ang pag kontrol nito saakin doon ay napa ubo nalang ako at huminga ng malalim
"sa susunod kilalanin mo ang binabangga mo ha!"sigaw nito at doon ay naglakad na ito papunta sa Living room ako naman ay naiwang nakahiga at hinahabol ang aking hininga.

EPIC 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon