kasalukuyang naglalakad kami ni Aoi galing sa school dahil nagpasa kami ng mga requirements. Wala na kaming masiyadong gagawin kaya relax relax nalang ang aming gagawin.
habang sa ganoong paglalakad ay may biglang gumuhit sa kalangitan ang isang maliwanag na kulay violet, halos lahat ng tao sa paligid ay nakatingin sa itaas at pinag-uusapan kung ano ito. Samantalang ako naman ay nakaramdam ako ng kaba dahil baka isa itong sign na lalabas na talaga ang tunay kong katunggali.
"hmm nakapagtataka wala namang nakita ang mga NASA tungkol sa liwanag na iyan"pagsusuri ni Aoi habang naka tingin sa itaas
"subukan nating gamitin yung telescope mo baka sakaling makita natin ito ng mas malapitan"sabi ko kay Aoi at doon ay agad kaming pumunta sa bahay nila
"bilisan natin Aoi malapit nang maglaho ang liwanag"sabi ko kay Aoi habang sine-setup niya yung telescope niya. Mayamaya pa ay agad itong sumilip sakaniyang telescope at tinitignan kung ano ang nangyayari. Ngunit bigo kami naglaho na ang violet na liwanag.
"ARGHH! sayang"naiinis nitong wika sabay dabog na parang bata
"ok lang iyan hindi lang naman tayo ang sumubok na tignan ito malay mo natin agad nakita ng NASA hintayin nalang natin mamaya sa balita kung ano iyon kaya tama na nag mumuka kang abnoy"sabi ko kay Aoi sabay tawa ngunit sa kaloob looban ko ay gusto ko itong malaman kung ano ba yung liwanag kanina
TV: Mga ka beshy!! balitang pangkalawakan muna tayo kanikanina lamang ay may nakita ang mga NASA na may pabagsak na kometa malapit saating bansa inasahan kanina na babagsak na ito saating bansa ngunit bigla itong nawala na parang bula AMAZING! mga ka besh. Ito po si Anne lie Rice nagbabalita 48 oras
TURN OFF
Tila isang palaisipan saaking utak ang aking nabalitaan, bakit bigla nalang itong naglaho eh pabagsak na ito totoo ngang may kinalaman kaya ito sa magiging kalaban ko? ehh paano ko malalaman wala naman akong tagagabay na magsasabi manlang kung ano ang gagawin ko kung sana may Voice over tung kwentong ito di malalaman ko kung ano ang aking unang gagawin.
" Nero halika na kain na tayo aba! ngayon kalang nagka interest manood ng balita ah"sabi ng aking ina ngunit hindi ko lang ito pinansin
sabay-sabay na kaming kumain at nagkwentuhan ng masasayang pangyayari saaming buhay. Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na ako ng pinagkainan at naghugas. Pagkatapos non ay agad akong nagtungo saaking silid sa itaas at humiga isa nanamang nakakapagod na araw hayy...
pinikit ko ang talukap ng aking mga mata...
TAHIMIK...
TANGING HUNI NG PAG-IKOT NG ORASAN ANG MARIRINIG
PABILIS ITO NG PABILIS.
Agad kong minulat ang aking mga mata at doon ay nagulat ako saaking nakita. Ang aking silid ay linukuban ng maliwanag na ilaw ang aking orasan na nakakabit sa pader ay mabilis ang ikot nito pati din ang aking kalendaryo na nakasabit sa aking pintuan ay palipat-lipat ito ng pahina hanggang sa wala na ito sa kasalukuyang taon. Samantala ang aking mga gamit ay nagsiliparan gusto kong sumigaw ngunit parang may kakaibang pwersa na pumipigil saaking bunga-nga kaya wala na akong nagawa kundi magtalukbong ng kumot. Sa pagaakala kong matatapos iyon ay nagkamali ako dahil ang kumot na nakatalukbong saakin ay linipad ng malakas na hangin sa loob ng aking silid.
habang sa ganoong posisyon ay nagtangka akong tumayo at tumakbo papunta sa pintuan ngunit agad bumungad saaking ang kakaibang bilog na animo isang portal na umiikot saaking harapan kaya agad akong kumaliwa ng takbo ngunit bigla ako nitong hinigop.
"INAAAAAA!!"
Biglang tumama ang malakas na sinag ng araw dahilan para ibukas ko ang talukap ng aking mga mata at doon ay biglang bumungad saakin ang mga lalakeng nakatayo at naka suot ng pang kawal at may mga kalasag itong pang digma na kulay asul. Agad naman akong bumangon at doon ay bigla nilang tinutok saakin ang kanilang mga espada
"hanggang diyan kalang binata! kung ayaw mong masaktan!"sigaw saakin ng isang lalaki
"siguro'y nagtangka itong tumakas dahil ayaw niyang makilahok sa magaganap na labanan sa susunod na araw"sabi pa ng isa sabay wasiwas ng espada na animo'y tinatakot ako
"Teka hindi ko kayo maintindihan Haller! where I am! and Costume party ba ito"nalilito kong wika sakanila sabay lakad ngunit agad nilang tinapat sa aking ibaba ang kanilang espada
"sige binata subukan mong tumakas at mawawala ito ng tuluyan"naka ngising wika ng lalaki habang naka tapat ang espada niya saaking ari. Hindi ko alam na hubot hubat pala ako kaya naman pala malamig. Agad kong tinakpan ito gamit ang aking dalawang palad sa bumitiw ng nahihiyang ngiti
"Teka bakit wala akong saplot halla! ginahasa niyo ako no! mga bastos kayo pati bakla pinapatulan niyo arrgh!"
"kami ba ang pinagloloko mo?"
"hindi char char lang ito naman si kuya bakit kasi ako naka hubad wala akong maalala eh at isapa nasaan ako?"tanong ko sakanila dahil hindi ako pamilyar sa lugar na ito dahil nandito kami ngayon sa gitna ng kagubatan.
"Nandito ka sa Royal Capital City ang mabuti pa siguro ay sumama ka sa City hall ng aming lugar."sabi ng isang lalaki sabay hatak saakin ako naman ay nagpupumuglas dahil hindi ko naman sila kakilala at hindi ko alam kung paano ako naka punta sa lugar na ito.