EPIC 5 PAGE 1

5.2K 110 5
                                    

Isang makulimlim na hapon ngayon dito sa Royal Capital City tila yata may nagbabadyang ulan dahil sa may namumoong bagyo sa bansa. Kanina pa hindi matigiltigil sa pagiyak itong batang iniwan sa harap ng aming tarangkahan batid kong iniwan ito dahil hindi kayang alagahan ng kaniyang mga magulang ngunit parang mali naman atang iwan mo ang iyong sariling anak nang walang kamalay-malay.

tinitigan ko ito patuloy parin ito sa pag-iyak naaawa ako sa sitwasyon ng bata ngayon tila may kurot saaking dibdib na pinagmamasdan siyang umiiyak. Siguro'y hinahanap na niya ang kaniyang ina o di kaya'y gutom na ito ngunit wala akong alam sa pagpapakain ng bata. "Shhh tamana tahan na"pagpapatigil ko sabay hele sakaniya at gumana naman ito, tila nakaramdam ako ng tuwa noong nagawa ko siyang patahanin parang isang anghel na natutulog. Maamo ang kaniyang muka at medyo may katabaan na nagbibigay sakaniya ng ka cute-tan, inilapag ko siya sa kaniyang higaan at pinagmasdan "ano kaya ang pangalan mo? hmm ahh raiko nalang bagay sayo dahil iyang kilay mo nag mukang kidlat ang hugis "naka ngiti kong sabi sa bata ngunit hindi ko alam kung naiintindihan niya ako, kung naiintindihan man niya ako sana masaya siya sa pangalan niya.

[W/N: RAI sa japanese means kidlat maraming term ng kidlat sa japan pwede ding kaminari tulad ng name ko dahil love ko ang tag-ulan namay kasamang kidlat at kulog ewan nevah maynd niyo nalang haha]

ginamit ko ang aking Fire creation Ability para sindihan ang aking Fire Place at umupo sa tabi nito dahil medyo lumalamig na ang klima "salamat kumalma ka narin Raiko matulog kana"bulong ko sabay halik sakaniyang noo.

Dedicated to Miss itsmekireinahahaha salamat sa Hotspot mo😘

EPIC 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon