CHAPTER 32 EPIC 5

273 14 0
                                    

A/N: Pasensya na po sa mga errors

CHAPTER 32

Muli kong binukas ang talukap ng aking mga mata at sumalubong saakin ang napakagandang tanawin dito sa gilid. Nakahiga ako dito sa damuhan at may mga pumapaligid saaking bulaklak na ubod ng ganda at may matitingkad itong kulay.

Bumangon ako at nagmunimuni sa paligid, tahimik at wala akong marinig kaya nag simula na akong magtaka kung bakit nandito ako. "May tao po ba dito? Tao po nasaan po ako?"tanong ko ngunit wala akong nakuhang sagot. Lumakad ako palayo hanggang sa marating ko ang isang malawak na ilog at sa pinakagitna nito ay may nakatayong puno. Pinapalibutan ito ng mga alitaptap na may ibat-ibang kulay, may mga baging din ang puno na nakasabit sabit sa mga sangay nito.

"eh? Nasaan ako bakit wala akong makitang palasyo? nasaan sina Risa?"pagtataka Kong tanong saaking sarili.

"naiinip ka naba?"boses ng lalaki Mula saaking likod kaya lumingon ako.

"Sino ka naman? nasaan ako? Hindi pwedeng patay na ako hindi ko pa naililigtas ang mundo namin"wika ko dahilan para tumango ito.

"Nandito ka sa Alpha Universe, pansamantalang humiwalay ang kalulwa mo sa iyong katawang lupa, kinontak ko kasi iyang espiritu mo Kaya nandito ka ngayon."Sabi nito dahilan para nakahinga ako ng maluwag.

"Ibig sabihin makakabalik pa ako sa aming mundo?"tanong ko at tumango ito.

"Napanood namin ang stilo ng pakikipaglaban mo, hindi natuwa ang mga ninuno natin dahil ikaw ang pinakamahinang taong pinag pasahan ng ganiyang abilidad. Sa lahat ng kumuha at nagmana ng electro ability ay nahubog sila at nagamit nila ito ng maayos. Ngunit, ikaw Lang ang pinakamahina na nagmana nito."salaysay nito dahilan para mapayuko ako.

"Pasensya na, hindi Kasi ako naging handa para sa paparating na digmaan. Hindi ko din alam na may ganito pala akong tinatagong abilidad mula saaking pagkabata kaya hindi ko ito nahubog."sagot ko naman dahilan para pumakawala ito ng buntong hininga at maghalukipkip.

"Hindi kita masisisi kung ganon, pero may nais akong sabihin sayo. Ang mga Super Enemy niyo ay hindi Lang basta-basta natatalo lahat sila ay may angking lakas. Silang apat ay magkakaaway ngunit sa palagay ko nagkasundo sila upang kunin ang isang importanteng bagay sainyong mundo at ang mga balanseng bato iyon."salaysay nito.

"Pero, paano ko sila mapapatay? O matatalo?"tanong ko at tumingin ito sa malaking puno kung saan nasa gitna ito ng lawa.

"Ang makakatalo lang sakanila ay kung papatayin sila bago ihanda ang pangbabasbas sakanila. Importante ang basbas na iyon, makapangyarihan na kayang ibigay ang kakaibang lakas upang pagharian ang iyong nasasakupan. Tanging pagkabata lang nila ang maaaring panahon na patayin silang apat. Pero maaari mo silang palayasin"sagot nito.

"Paano?"

"Mapapalayas mo sila kung napagsamasama ang mga balanseng bato."sagot naman nito dahilan para mapasabunot ako saaking buhok.

Muli akong tumingin sakaniya at nagwika "pero Wala na ang mga bato? Paano na?"tanong ko at nagkibit balikat ito.

"Kayo na mismo ang magiisip Kong paano sila papaalisin. Wala na kayong magagawa pa kundi sumuko, per tandaan mo ang isang bayani at hindi sumusuko bagkus nag iisip ito ng masisinang paraan upang masulusyonan ang isang suliranin"wika nito sabay ngiti at agad itong naglaho kasabay naman ng pagliwanag ng aking kwintas ng kulay asul at binalot ako ng liwanag nito.

Bumukas ang aking mga mata at agad akong huminga ng malalim upang maka kuha ng hangin parang nawalan ako ng hangin saaking baga at hinahabol ko ang aking hininga. Bumungad saakin ang pakikipaglaban ni Joji sa mga kalaban. Patuloy ito sa pagbaril kay sprocket na Wala paring sugat.

Si Aoi naman ay nakikipag bakbakan Vector gamit ang kanilang espada at halos lumipad ang mga katawan nila dahil sa lakas ng impact ng kanilang paglalaban. Sa bawat pagdikit ng kanilang espada ay nag tatamo ito ng malakas na pwersa upang maihagis sila sa kalayuan.

Samantala si Risa naman ay walang tigil sa pag pana kay Vixx na halos bumaon lahat ng palaso sa katawan nito ngunit hindi niya ito iniinda, agad na  binukas ni Vixx ang kaniyang palad at lumabas ang kulay violet na liwanag sakaniyang palad at mabilis na sinampal kay Risa dahilan para sumabog ito sakaniyang muka at tumilapon ang katawan sa kalayuan.

Si Chiwa naman ay pinagsusuntok si Turbot sa katawan nito dahilan para lumikha  ito ng malakas na pwersa sa paligid na tumatangay sa mga puno at parte ng palasyo sa kalayuan. Agad na naging machine gun ang mga kamay ni Turbot at malakas na sumabog ang mga bala nito Kay Chiwa ngunit bago pa man iyon ay biglang naglaho si Chiwa sa harapan ng kalaban at sumulpot sa likod nito.

"Mamatay kana!"sigaw ni Chiwa at hindi maaalis sa muka nito ang galit at puot Kaya agad niyang sinuntok ang ulo ng kalaban at tumilapon ito sa kalayuan.

"Mamamatay akong isang bayani!"sigaw ni Joji at kinalabit ang gatilyo ng kaniyang baril saka nito pinakawalan ang isang malaking balang enerhiyang na kulay asul at mabilis na sumibat sa kinatatayuan ni Sprocket.

"Hindi ka bayani! Dahil walang bayaning mahina! Ipakita mo ang lakas mo!"sigaw naman ni Sprocket at iwinasiwas ang pliyabe nito at mabilis na bumuga ng mga bolang apoy at nagsalubong ang bala ni Joji at fire ball ni Sprocket dahilan para sumabog ito sa paligid.

Kapwa nahagis ang katawan ni Joji at sprocket sa kalayuan. Agad akong kumilos at tumayo. "Hindi lang naman pagiging isang malakas ang taglay ng isang bayani. Dahil minsan sa talinong pagiisip nito!"sigaw ko at mabilis na tumakbo papunta sa kinalalagyan ni Sprocket.

Mabilis akong tumakbo at kasabay ng pagliwanag ng aking mga kamao. Humubog dito ang isang kulay asul na liwanag at may kasamang boltaheng pumapalibot saaking mga kamao. "Pero sa ngayon ipapatikim ko muna ang lakas ng kuryente ko! Ako si Nero! Ang tagapagmana ng electro ability!"sigaw ko at buong pwersa akong lumundag sa ere. Masmataas ngayon kaysa kanina habang nakatingala si Sprocket at tinitignan ako, tinapat niya ang kaniyang pliyabe saakin at umapoy ito at naglabas ng bolang apoy.

"Patay kung patay dahil hindi ako natatakot mamatay!"sigaw ko at malakas na sinuntok ang hangin sa dereksyon ni Sprocket. "Giga Volatage Beam!"sigaw ko at mabilis na lumabas saaking mga kamao ang isang Kuryenteng asul papunta kay Sprocket at  tumama ito sakaniya.

Bumagsak ang katawan ni Sprocket sa lupa at agad din akong naglanding sa lupa. Liningon ko muna ito habang naka handusay, maitim na ito at natusta talaga. Agad akong tumakbo papasok sa loob ng bulwagan at hinahap ang laboratoryo ni Aoi sa loob ng palasyo.

Pagdating ko sa loob ay agad kong nakita ang isang Time machine Kaya agad ko itong linapitan. "Bahala na kung anong mangyayari saakin basta matalo ko Lang sila"bulong ko saaking sarili habang hingal na hingal.

Pinindot ko ang mga buttons at in-on ang lever dahilan para lumiwanag ito at lumutang ang mga binary codes saaking paligid. Paliwanag ito ng paliwanag at bigla nalamang akong hinigop nito.

Itutuloy...

EPIC 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon