Pagdating namin dito sa Royal Capital ay abala ang mga Tao dito sa paligid at hindi matukoy kung saan sila pupunta.
"Ale saan kayo pupunta?"tanong ko sa babaeng may kargang Bata papunta sa isang karwahe. "Pinalilikas na kami ng Hari papunta sa Evacuation area dahil bukas na ang pagdating ng mga kalaban."sagot naman nito at may bahid ng takot sakaniyang muka. "Mag ingat kayo mga bata dapat hindi na kayo pakalat kalat dito"dagdag pa nito.
"Importanteng dahilan Lang po sige po ingat po kayo"sabat naman ni Aoi. "halikana Nero"pag aya nito ay hinatak ako papunta sa Palasyo.
Pagdating namin doon at abala ang mga kawal at mga mandirigma para sa paghahanda sa laban. Ang mga taga Earth Kingdom ay nagpadala ng Halamang may buhay para gawing bitag. Ang mga iba namang galing pa sa ibang
Kaharian na salamangkero at mandirigma ay naki sanib pwersa upang mabago ang nakatakdang propesiyang masisira ang buong mundo.Pagpasok palang namin ng bulwagan ay agad sumalubong si Risa saamin na nakahanda nang makidigma, ngunit bakas sakaniyang muka ang pag-aalala at kaba dahil sa paparating na laban.
"Buti nandito na kayo, hinahanap na tayo ng Hari"sabi saamin nito Kaya agad kaming sumama sakaniya sa loob.
"Makinig kayong lima, hindi natin Alam kung kaylan dadating ang mga kalaban. Basta gawin niyo ang lahat ng inyong makakaya para mapuksa ang mga ito."natatakot na wika ng Hari ngunit tinatago niya ito sakaniyang expression.
"Pero hindi namin alam kung kakayanin namin, Wala kaming sapat na pagsasanay para sa magaganap na laban. Unfair naman dahil malalakas sila"sabat naman ni Joji
"May kaniya kaniya silang tinuro saatin patungkol saating Super Skill siguro naman sapat na iyon para mamatay silang lahat"wika naman ni Risa na abala sa pagaayos ng kaniyang pana.
Agad namang tumayo si Chiwa sa kaniyang upuan at humarap ito saamin. "Oo, kahit na anong mangyari huwag tayong magpapatalo. Lahat tayo mabubuhay at magsasama sama."wika naman nito sabay tingin saakin kaya nginitian ko ito.
Habang sa ganoong pag uusap namin dito sa loob ng meeting room ay agad bumukas ang pinto at nakita namin ang isang kawal na hingal na hingal at bakas sa muka nito ang matinding takot.
"Ma-mahal na Hari dumilim na po ang kalangitan. Lumalakas nadin po ang hangin sa labas."takot na takot na Sabi nito kaya agad kaming nagsitayuan at lumabas ng meeting area.
Hindi namin tiyak kung mananalo nga ba kami Basta ang goal namin ngayon ay manalo sa labang ito.
Pagdating namin sa labas ay sumalubong saamin ang madilim na kalangitan. Tila may dadating na delubyo ang datingan nito kasabay pa ng malakas na hangin na tila may paparating na buhawi.
"Humanda na kayong lahat, hindi ito normal na laban. Mas malakas na ang ating mga katunggali ngayon kaya kahit kamatayan ay haharapin natin para isalba ang mundo sa hinaharap. Huwag kayong matakot sa halip ipaglaban natin ang ating pinaglalaban."wika ni Chiwa habang nakatayo sa harapan naming lahat.
Agad nagsipuntahan ang mga kawal sa kanilang pwesto ang iba ay nasa likod ng palasyo ang iba naman ay nasa tuktuk at dito sa baba. Pinangunahan ni Risa bilang Archer sa taas ng palasyo. Samantala, si Joji naman ay kasama siya sa likod upang magbantay doon dahil may mga taong nakatago sa underground sa likod ng palasyo dahil hindi kinaya ng Evacuation area ang papulasyon ng Tao doon.
Si Aoi naman ay kasama ng mga mandirigma sa labas ng Palasyo at kami ni Chiwa ay dito sa Palasyo upang harangin ang mga papasok na Kalaban. Ang Hari at Reyna kasama ang mga Salamangkerong galing pa sa ibang panig ay nagtulungan upang gumawa ng Harang dito sa Buong palasyo gamit ang kanilang enerhiya.