CHAPTER 31 EPIC 5

297 17 0
                                    

Nasaan na siya Wala na?"tanong ko ngunit nagkibit balikat ito. Habang sa ganoong posisyon ay biglang may sumabog sa kalangitan at biglang may gumuhit na liwanag na humiwa sa kalangitan.

Ang kulay Lila (violet) Dilaw asul at Pula. Halos lumaki ang aking mata noong Makita ko muli ang Pula. Buhay pa si Vector.

CHAPTER 31 EPIC 5

Isa-isa silang bumagsak dito sa lupa at agad silang tumayo. Makikita ang maangas na awra ng mga kalaban habang nakangiti at talagang lalaban sa anong oras.

"Sigurado po ba kayong may magiging kalaro ako dito? Gusto Kong malibang gusto Kong maglaro."wika ng nakababatang kasama nila at Alam Kong si Sprocket ito dahil sa dilaw na awrang pumapalibot sa katawan nito.

May hawak itong pliyabeng malaki at kung hindi ako nagkakamali armas niya ito. Sa gilid naman nito ay isang lalaki na puro metal ang parte ng katawan maliban Lang sa kaniyang muka. Umiilaw ng kulay asul sa dibdib nito at sa tingin ko si Torbot din ito.

"Hindi ka magsisisi sprocket magandang pag ensayohan ang mga ito Kaya kung ako sayo piliin mo yung mas magandang kalaban"wika naman ni Vixx na abala sa pagaayos ng kaniyang tabinging ti-ara.

"Bakit ang aga niyong sumalakay! Ni hindi manlang kami nakapag handa!"naiinis na wika ni Joji sabay tutok ng baril sa kalaban.

"Napag isip isip kong kunin na agad ang mga bato Kaya gusto ko nang matapos ito."sabat naman ni Vixx. "Kahit na anong gawin niyo hindi kayo mananalo dahil mas hamak na mas malakas kami sainyo"dagdag pa nito na aking kinainis.

"Tumahimik ka!"sigaw Mula sa aking likod at biglang humangin ng malakas dahilan para magsiliparan ang mga puno sa paligid dahil sa lakas ng pwersa.

Pati ako ay muntikang naitangay nito at napatakip ako ng aking ulo, noong titignan ko na ang mga kalaban ay nakagawa agad sila ng panangga na yari sakanilang enerhiya.

"Kahit anong gawin niyo hindi niyo makukuha saamin ang balanse ng mundo! Hindi ako papayag!"sigaw ni Chiwa at muling umatake sabay gawad ng suntok Kay Vixx nang itapat ni Sprocket ang pliyabe nito dahilan para bigla itong maglabas ng bolang apoy at sumabog sa muka ni Chiwa.

Agad namang sumugod si Vixx muli niyang ginamit ang kaniyang abilidad na psionic wave. Agad niyang kinumpas ang kaniyang kamay at mabilis na tinuro ang kinalalagyan namin dahilan para lumutang sakaniyang paligid ang mga bolang kulay pink na parang may kuryente din ito. "Tikman mo ang Genesis Supernova ko! Una palang ay buburahin ko na kayo dito!"sigaw nito at mabilis na pumaikot ang kaniyang bolang pink at agad bumulusok sa kinalalagyan namin.

"Tumahimik kang asungot ka!"sigaw ni Risa at pinaulanan ang mga ito ng kaniyang ginintuang palaso at umaapoy ito kapag sumisibat papunta sa mga punterya.

Malalakas na pagsabog ang nangyari sa paligid halos magiba ang parte ng palasyo sa lakas ng impact nito.

"Alam kong chamba niyo Lang iyon pero sinisigurado kong mabubura kayong lahat dito!"sigaw ni Vector at nag iba na ang aniyo nito dahil sa nahati ang kulay ng kaniyang katawan sa kaliwang parte ng kaniyang katawan ay kulay asul at sa kanang parte naman ay kulay Pula. May kalasag padin ito ngunit sa pangbaba Lang ang meron.

"Hindi ako papayag lahat kami ay hindi papayag, kahit gaano parin kayo kalakas Alam kong mas matibay pa kami sainyo!"sigaw ko naman at mabilis na lumundag sa ere at agad pinaghahagis ang mga kalaban ng mga electro ball.

EPIC 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon