Hapon na at wala parin akong ginawa kundi mag mukmuk dito sa loob ng silid, iniwan muna ako ng Hari at Reyna dahil gusto kong mapag-isa. Wala akong ibang ginawa kundi umiyak habang naka yakap saaking mga tuhod habang naka harap sa bintana na Malapit na palang dumilim. Habang sa ganoong posisyon ay agad namang may biglang kumatok sa pintuan ng kinalalagyan kong silid ngunit hindi ko ito kinibo.
"Master Raiko, Master Raiko"boses na nanggagaling sa labas at kumakatok kaya naman agad akong tumayo at pinagbuksan ito
Agad namang bumungad saaking Harapan ang isang medyo may katandaan na lalaki na animo isang wizard dahil sa suot nitong cloak ngunit ang kaibaan ngalang ay wala itong pointed hat.
"ako po si San, allah umiiyak po ba kayo master?"nagaalalang tanong saakin ng Lalaking nagngangalang San
"di po ba obvious"wika ko sabay punas sa luha ng aking mga mata
"Nandito po ako master dahil ako daw ang magiging assistant niyo sabi ni Haring Yon ipinag utos niya na bantayan ko raw kayo at ibigay ang mga panga-ngailangan niyo"sabi ni San saakin
"Hindi ko naman kailangan ng assistant eh, nais ko lang naman bumalik saamin dahil baka hinahanap na ako ni Ina"sabi ko at doon ay hindi ko maiwasang maluha
"Nagugutom na po ba kayo mag didilim na po kanina hindi pa kayo kumakain"tanong nito saakin
"sige"tugon ko naman dahilan para mangiti ito " Ayos master sige po kukuha lang po ako ng pagkain sa baba"sabi ni San saakin at doon ay lumabas ito ng Silid, ilang sandali pa ay dumating na ito namay hawak na tray na naglalaman ng isang baso ng tubig, sunny side up egg at baccon at fried rice agad naman akong pumwesto para kumain
"mukang gutom na gutom po kayo ah hehe"natatawang wika ni San habang pinag mamasdan akong subo ng subo sa pagkain na parang hindi ako kumain ng 3 days sa pag mumuka ko sino ba naman ang hindi magugutom sa kakaiyak na kanina pang umaga hanggang alas 5 ng hapon
"mag kwento ka naman tungkol dito bakit ako tinatawag na Raiko?"tanong sabay lagok ng tubig
"ahh ehh ang natatandaan ko lang po noon ay biglang may kumatok noon sa pintuhan doon sa harap ng mansion at doon ay nakita ka ni Haring Yon na naka lagay sa isang lumang basket at umiiyak, naawa sayo si Haring Yon kaya kinupkop ka nila nina Reyna Gu kaso dumating ang araw na sumalakay si Shadow master at ang taga ibang planetang nais kumuha sayo dahil sa iyong kakaibang taglay ngunit hindi pumayag si Haring Yon kaya ginamit niya ang libro ng kapangyarihan ni dialga ang diyos ng Oras at pinadala ka sa nakaraang panahon at doon ay hindi ka na nila nasundan at nahanap pa. Marami ding nasugatan at namatay dahil sa bagsik ni Vector ang pinaka malakas na kalaban sa Planetang Bravado na nais kading kunin kasama nadin sina Vixx ang Gandang ganda sa sariling Alien at ang Childish nasi Sprocket na nais kang kunin para maging kalaro."salaysay ni San habang ako naman ay nga-nga saaking narinig
"nag sakripisyo din ang mga Epic Heroes para maibalik si Shadow master sa distortion world kung saan siya kinulong ang lugar kung saan walang ilaw at tao kundi mga halamang buhay na nangangain ng tao ang kasama niya doon"dagdag pa nito dahilan para magkaroon ako ng Hint kung bakit nandito ako ngayon.
"So ganito din iyon San, sinabi nilang napulot din ako ng aking mga magulang doon sa paanan ng bundok ng susong dalaga kaya posibleng doon ako pinunta ni Haring Yon"tugon ko sabay kibit balikat
" Siguro Master, at kaya nandito ka dahil nag bubukas nanaman sila para sa Slot ng Epic Heroes sa ibat-ibang lugar at dimension at nakuha ka dahil sa iyong kakayahan diba?"sabi nito saakin at nangiti lang ako
Pagkatapos kong kumain ay agad linigpit ni San ang aking pinagkainan tutulong sana ako ngunit tumanggi ito dahil trabaho daw niya iyon kaya wala akong nagawa kundi ibigay sakaniya at ako naman ay sumama sa baba upang makapagpahangin manlang kahit namamaga na ang mata ko.
"Nandito ka lang pala ang ganda ng Paligid no?"bungad na tanong ni Haring Yon habang papalapit saaking kinalalagyan dito sa Harap ng Fountain
"Oo nga po mahangin at maganda ang mga ilaw na palamuting nakalagay sa mga puno parang christmas lang"naka ngiti kong tugon
"Ayos kana hindi kana galit?"tanong nito saakin sabay upo saaking tabi
"Hindi napo at humihingi po ako ng paumanhin sa nagawa ko kanina mahal na Hari sana'y mapatawad niyo po ako, pinaliwanag napo ni Master San ang pang-yayari at medyo naiintindihan ko narin po"sagot ko sabay ngiti ng matamis at doon ay sumukli din ang hari ng ngiti
"Maaari ba kitang yakapin at Hagkan sa noo?"tanong saakin ng Hari at pumayag naman ako
Masaya ang Hari dahil Hindi na ako galit at naintindihan ko na ang buong kwento ng nakaraan ko. Hindi ko muna inintindi na uuwi ako basta nais kong tapusin ang aking misyon na naka atang saakin. Ngunit may mga Oras na namimiss ko sina Ina pero kailangan kong mag pakatatag baka sa tamang panahon ay babalik na ako saamin.