continuation of Page 15 Epic 5 SS2 ~THE EPIC BATTLE TOURNAMENT~
DATE: APRIL 19 2019
@KAMINARI_AMANASHIIsang malakas na Pagsabog ang maririnig at kasabay ng pagbagsak ng mga tipak na pader ng lumang building. Kung titignan mo ay maliit lang ang baril ni Joji pero ang lakas naman nito ay kasing lakas ng isang Kanyon.
"Ngayong wala na si Risa ikaw naman ngayon Nero! thanks sa gamot hayaan mo bibisitahin kita sa outside world!"tumatawang wika ni Joji sabay harap saakin at tutuk ng beam pistol niya.CHAPTER 16 CONTINUATION
"Traydor ka pagkatapos kitang bigyan ng gamot! ganiyang ang isusukli mo saakin"sigaw ko sakaniya habang umaatras.
"sorry friend kailangan eh ganiyan talaga ang buhay. Pwede ka pa namang maging Hero eh kaso hindi ka na ngalang parts sa Epic 5 kaya babush!"naka ngiti nitong sabi saakin at doon ay kinalabit niya ang gatilyo ng kaniyang baril at doon ay parang slow motion ang pangyayari ."dito na kaya matatapos ang lahat paano na, paano na yung pangako ko saaking sarili hindi dapat ako sumuko...umilag Oo umilag kasama sa electric ability ang Agility"bulong ko saaking sarili
mabilis akong umilag at lumabas saaking kamay ang electro ball na sobrang lakas ng spark nito at parang naka recharge ito ng husto."wow akalain mo nailagan mo yung energy bullet ko pwes tignan natin kung dika mapapagod"nakaka lokong ngiti ni Joji at doon ay nag paulan ito ng Bala sa kinalalagyan ko.
Bratatatataatatatat
puro ilag lang ang ginagawa ko pero masmabilis ito kaysa sa normal na ilag lang para bang kasing bilis ko na si Flash sa pag-ilag. Nagpatuloy parin ang pagpapaulan ng bala ni Joji at iba ang natatamaan nito ang mga sirang buildings at kung ano paman .
maya-maya ay tumigil ako sa pag-ilag at kinuha ko ang opportunidad para umatake "ok para sa isang traydor na tinulungan ko deserve niyang makuryente sa kapangyarihan ko!"sigaw ko at doon ay buong lakas kong hinagis ang isang electro ball sa kinalalagyan niya ngunit nailagan niya ito ng mabilis kasabay ng pag kalabit nanaman ng kaniyang baril at paghagis ko ng isa pang electro ball.
KAAABOOOM!!!
isang malakas na pagsabog ang naganap at kapwa kaming naihagi sa kung saan ni Joji at sa lakas ng impact ng energy bullet at electro ball ay lahat nang naka tayong gusali ay natuluyang nagiba at mga punog naihagis sa lakas ng imppact.
Masakit ang aking katawan dahil sa malakas na pagkakahagis naipit ako sa isang kotse dahil tumilapon din ito sa kinalalagyan ko wala akong magawa kundi sumigaw at umiyak dahil sa sakit at maya-maya ay bumuhos ang malakas na ulan.
sinubukan kong paganahin ang aking ability ngunit tila ayaw nitong gumana wala na akong nagawa kundi humagolgol sa pag-iyak at pinipilit tanggalin ang nakaipit saaking paa na kotse
Ilang sandali ay biglang tumilapon ang kotseng naka ipit sa paako at doon ay nakita ko si Chiwa na inaabot ang kamay niya saakin."Chiwa mahal na prinsipe anong ginawa niyo dito diba hi-hindi kayo ka-kasali dito"nanghihina kong tanong sakaniya ngunit hindi ito nagsalita at doon ay naramdaman kong unti-unting pumikit ang talukap ng aking mga mata at naramdaman ko ding binuhat ako ni Chiwa ang prinsipe..
TO BE CONTINUED....