EPIC 5 PAGE 20

537 22 0
                                    

Nanginginig ang aking mga kalamnan na halos hindi ako makatayo dahil sa matinding pagka-ubos ng aking enerhiya, nakita kong bumuka nanaman ang kaniyang bunga-nga at maglalabas nanaman ito ng Pulang Orb ngunit hindi ako makalakad o makagalaw. Ito na ang aking katapusan.

~CHAPTER 20~

Tinakpan ko ang aking muka dahil sa nakaka silaw na liwanag ng Red orb ng kalaban habang sumisibat papunta sa kinaroroonan namin ni Aoi hindi ko alam kung heto na ang aming katapusan ni Aoi.

Pinikit ko ang aking mga mata at nararamdaman ko na ang Init na pumapalibot sa Red orb ng aming kalaban. Tila Isang Slow motion ang nagaganap habang inaantay ang aming kamatayan.

"Isa nanamang Fossil Ground Villain ang nagising! Anong nangyayari sa mundo at palaging may mga Halimaw na gumagambala dito"narinig kong boses ng lalaki saaking likuran kaya agad kong inalis ang aking palad saaking mga mata at tumingin saaking likuran.

"Ohh! At ano naman ang ginagawa mo diyan? Alam mo nangang papasabugin kana ng kalaban mo nag rerelax kapa diyan?"natatawa nitong tanong saakin habang nakatapat ang kaniyang mga kamay sa kalaban at pinapalibutan ito ng makulay na Arcane Cirlcles.

Kakaiba ang kaniyang abilidad, ang kaniyang dalawang palad ay may Kung anong bilog na may ibat-ibang symbols at pinapalibutan nito ang kalaban ng malalaking Arcane Circle. Naka hood ang lalaki at hindi ko maaninang ang kaniyang muka pero kung sino man siya salamat at utang ko ang buhay ko sakaniya.

Ang Red orb ng kalaban ay biglang hinigop ng Malaking Arcane Cirlce ng lalaki kasabay non ng Pag gamit niya ng kaniyang abilidad. Nag-iba ang kulay ng Arcane ability niya kung kanina ay makulay ngayon naman ay naging kulay Cyan namay Symbol sa gitna. Sa hindi ko inaasahan pangyayari ay bigla nalang umusok ang Kalaban naming Villain at bigla itong tumigas na animoy yelo.

"Tapos!"naka ngiting wika ng lalaki habang nag papagpag ng kamay

"Sa-salamat Po kuya! Ang astig ng ability mo!"pilit na ngiti kong pagpapasalamat

"Isa lang naman akong Arcanian hindi ako isang Hero hindi rin ako isang Villain kundi isa akong Warlock ang Second Rank ng mga Wizards."sabi nito sabay talikod at naglakad palayo saamin.

"Teka! Anong pangalan mo? Bakit hindi ka sumali sa Epic tournament! Pwede kang maging sidekick namin!"pahabol ko sabay tayo

"Hindi na! Hindi ko kailangang maging kawawang bayani Sa susunod mag training ka kakaiba na ang mundo ngayon binabalot na ng hiwaga!"sigaw naman nito habang papalayo na siya saamin.

"Ako pala-"

"Oo ikaw si Nero Ueda! Kilala na kita nice to meet you pare!"at tuluyan nanga siyang nakalayo at nawala saaking paningin.

Tila pamilyar siya saakin ngunit hindi ko maalala kung sino siya. Agad kong nakita si Aoi na nakabulagta sa Lupa kaya agad akong lumakad palapit sakaniya habang hinang-hina parin.

"Aoi! Gumising ka hoy! Wala na yung kalaban Aoi! Aoi"sabi ko sabah tapik sakaniyang muka at unti-unti niyang minulat ang kaniyang mga mata

"Nasa langit naba ako?"mahinhin nitong tanong kaya sinapak ko ito sa noo pero hindi malakas

"Oo malapit na tara sa Hospital kailangan nating magpatulong"sabi ko kaya tumayo si Aoi habang suray-suray kaming nag lalakad dahil saaming iniindang sugat at panghihina

GREEN CROSS HOSPITAL

"Miss masiyadong kakaiba ang sugat niyo napano ba ito?"tanong ng Nurse kay Aoi habang naka higa sa Higaan ng mga Pasyente

"Mahabang salaysayin Miss, at isapa kailangan niyo lang i check kung napano ba yung muscles ng skin ko if may Na tear na muscles kailangan niyong lagyan ng Ice para magsara ang sugat at huminto sa pagdurogo basta mga Nurse kayo dapat alam niyo yung Quick remedies"sabi ni Aoi sa Nurse kaya nayuko nalang ito at lumabas para kumuha ng Gamit.

"Pati Nurse Tinuturuan mo grabe ka talaga Aoi pero bilib ako sa ginawa mo kanina parang gumagana sayo yung Anti-gravity at Spring Solution dahil ang tataas ng Lundag mo para kang Ninja kanina"nakangiti kong wika at nangiti lang ito

"Pero paano mo nagagawang mag Summon ng Espada? Parang totoong may ability ka talaga"dagdag ko pa

"Ewan basta kapag iniisip kong magkaroon ako ng Armas ay lumalabas ang espada ko"sagot naman nito kaya nangiti nalang ako.

Lumipas ang mga Oras at na disscharge nanga si Aoi, Pero ang nakakalungkot ngalang ay dito muna kami sa Isang Evacuation area dahil nasira lahat ng mga bahay-bahay walang Suply ng Kuryente,tubig at walang Signal. Buti nalang binuksan ang isang Super Market at libre lahat ng pagkain iyon ngalang wala kaming ilaw na kakain.

Pero Buti nalang dahil Henyo si Aoi kinolecta niya lahat ng Sira sirang kable at kumuha ng mga Bumbilya sabay kabit ang mga ito. "Oras naman na para tumulong ka Nero"sabi saakin ni Aoi at pinalabas ko ang Kuryente saaking palad saka linagay sa isang Plug dahilan para magkaroon ng liwanag ang buong Evacuation Center.

EPIC 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon