EPIC5 PAGE 4

1.5K 54 2
                                    

(BUNDOK NG SUSO NG DALAGA)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(BUNDOK NG SUSO NG DALAGA)


Kasalukuyang naka tayo ako ngayon dito sa labas ng gate ng aming paaralan halos lahat na ata ng estudyante ay nakauwi na dahil wala nang masiyadong tao dito, kung meron man ay ako at ang security guard dito sa Guard House magkalapit lang kasi ang gate sa guard house kumbaga sa tabi lang niya ito.

"oy! sino pa inaantay mo diyan mag-aalas kwatro na dika paba uuwi?"tanong saakin ng security guard habang inaayos ang mga gamit niya dahil papauwi nadin siya

"ahh yung ka klase ko po dito kasi yung meeting place namin dito sa labas ng School inaantay ko siya nandoon pa kasi sa Science building may pinagawa ata sakaniya manong"nakangiti kong sagot at tumango lang ito

ilang sandali pa ay dumating nasi Aoi mukang excited na ito dahil abot tenga ang ngiti nito habang naglalakad papalapit saakin

"tsk! may inayos lang ako sa Science Laboratory na missplace kasi ni Mr. Ryota ang Manganese Peroxide kaya imbes na maghanap pa kami sa wala ay gumawa nalang ako bilang kapalit non"bungad nito at tumango lang ako. Bilib talaga ako sa talino ni Aoi sana ako rin "tara na?"tanong nito saakin at sumangayon naman ako

Naglakad kami papunta sa sakayan ng Bus papuntang Paanan ng Bundok ng Susu ng Dalaga kung saan ako nakita ni Inay at Itay noong bata palang ako. Dito kami pumunta dahil may Altar sa ituktok nito sinasabi ng nakararami na ginawa daw ito noong unang panahon para gawing altar para sa pag-aalay sa mga diyos at diyosa.

Alas 5 na noong nakadating kami dito sa paanan ng bundok masiyado nang madilim ang buong paligid dahil palubog na ang araw ngunit heto na ito nandito na kami para din lang saaming grades ito, at ito ang napagdisisyonan namin ni Aoi para maslalong wala kaming kapareha sa Research.

binuksan ko ang bag ko at kinuha ang flashlight na aking dala. Habang sa ganoong paglakad ay hindi ko maiwasang makaramdam ng Takot sa buong paligid dahil puro mga puno ang makikita at tunog ng mga kuliglig na nakakapit sa mga puno, patuloy kami sa paglalakad nang maabot nanamin ang tuktok ng bundok kung saan nandoon ang altar labis akong namangha saaking nakita, iba pala kapag personal mong makikita ang isang lugar hindi sapat ang isang larawan lamang. Ang takot na aking nararamdaman at biglang nawala at napalitan ng pagka mangha samantala si Aoi ay busy sa pagkuha ng mga larawan at pagsulat ng record sa mga nakikita.

makikita dito na may mga pillars na pang greek mythology na sunod-sunod papunta sa pinakaharap ng altar at sa lapag naman nito ay hindi lang basta semento dahil kumikinang ito at kulay bronze na may naka guhit na bilog at malaking 3 pointed star sa gitna nito. Sa pinakaharap naman ng altar ay may isang goblet na gawa sa bato at may isang patulis na pillar sa likod nito na may naka guhit na pabilog at mga arrow symbols

"base saaking obserbasyon ito ay matagal nang pinatayo ngunit masiyadong matigas parin ang mga pillars at wala manlang akong madetect na Elements dito"pagtataka ni Aoi habang hinahawakan ang mga pillars

"so alien ba ang nagpatayo nito?"tanong ko naman at hindi din niya alam ang kasagutan, kung hindi mga tao ang nagpatayo nito eh sino?

"kukuha lang ako ng sample at pag eeksperementohan ko ito saaking lab"sabi ni Aoi sabay kuha ng kasangkapan sa bato ng pillar ngunit hindi ito makakuha dahil sa tibay ng bato kahit na hampasin pa ng kapwa bato ay wala parin. Habang busy si Aoi sa pagpokpok sa pillar ay isang bagay ang kumuha saaking atensyon at iyon ay ang isang kakaibang bato na naka dikit sa Goblet kaya linapitan ko ito at inilawan isang kulay bronze na diyamante na may logo ng isang Usa.

linapit ko ang aking daliri sa diyamante nang biglang kumolog ng malakas dahilan para mabalikwas ako mayamaya pa ay nagsimulang umalog ang lupa dahilan para mawala sa balanse ni Aoi "AOOOOI!"sigaw ko dahil nagpagulong gulong siya sa lupa

Nanlaki ang mata ko nang makita kong matatamaan na pala ako ng kidlat

ZZZZZAP!!!!!

tumilapon ang aking katawan kung saan..wala na akong matandaan pa

EPIC 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon