Chapter 28 Epic 5

314 15 0
                                    

COMBAT SKILL TRAINING

"ipakita mo ang buong lakas mo Nero hindi dapat dumepende ka sa iyong abilidad kailangan mo parin gamitin ang iyong combat skills"Sabi saakin ng magaling na tagapagsanay habang nag e-ensayo kami dito malapit sa dalampasigan.

Agad itong lumundag saka humagis ng sunod-sunod na kunai saakin kinalalagyan ngunit agad ko itong inilagan isa-isa. Kailangan talaga ng bilis at mabilis na paningin upang madepensahan ang aking katawan.

"Lumaban ka huwag puro ilag, subukan mong umatake gamit ang hawak mong punyal"Sabi nito saakin at agad siyang gumawad ng patalikod na sipa ngunit hinarang ko ito gamit ang aking kanang kamay saka ito pinaikot dahilan para bumagsak ang katawan nito sa buhanginan.

"Magaling!"wika nito habang nakadapa sa buhanginan at mabilis na tumayo sabay gawad ng sunod sunod na atake gamit ang kaniyang kunai.

Ilag at harang lang ang aking ginagawa at noong nakakuha ako ng tiyempo ay agad akong lumundag saka ito sinipa sa muka dahilan para dumugo ang ilong nito.

"Hindi na masama pero kailangan pa ng mas mabilis pa"nakangiti nitong Sabi saakin at muling umatake.

SUPER ABILITY TRAINING

"Kung mapapatamaan mo ang tatlong nakatayong kahoy na iyon habang naka piring ay ituturo ko sayo ang teknik sa pag hubog ng malakas na pwersa ng elektrisidad siguro naman nagkaroon ka ng motibasyon para gawin ang pinapagawa ko"wika ng matandang tagapagsanay sa abilidad sabay turo sa tatlong kahoy na nakatayo doon sa kalayuan habang nag e-ensayo kami dito sa Gitna ng kakahuyan.

Malawak naman dito at walang mga hayop na matatamaan. Ginawa talagang training area dito dahil sa taglay nitong tahimik upang maka pag concentrate ang mga nagtuturo.

"Basta tandaan mo, pakiramdaman mo ang hanging, dinggin mo ang bulong nito. Pakiramdaman mo din mga dahong nalalaglag dahil sila mismo ang magsasabi ng hudyat"makahulugang Sabi saakin ng matanda Kaya tumango Lang ako.

Linagay niya ang piring saaking mata at doon Wala na akong Makita at natataranta kung paano ko matatamaan ang mga kahoy.

Tumayo ako ng matuwid at pinagdikit ang aking mga palad kasabay no'n ng paglabas ng elektrisidad saaking katawan. Nararamdaman ko ang bawat paglibot ng kuryente na bumabalot saakin. Naririnig ko din ang tunog nito na papalakas ng papalakas.

"Ang paggawa ng bagay saiyong abilidad ay madali Lang. Una isipin mo ang enerhiyang taglay mo at isipin ang nais na gawing bagay. Pangalawa, palakasin ito gamit ang paghubog at paglagay ng malakas na electric charges."payo ng tagapagsanay Kaya ginawa ko ang utos niya.

Huminga ako ng malalim saka ko ito pinakawalan, ginagawa ko lang ang mga
pamamaraan upang makagawa ng kunai na gawa sa kuryente. Pinagpatuloy ko lang ang aking ginagawa at hindi matukoy kung tama ba ang aking ginagawa.

Ilang sandali pa ay pinakawalan ko ang ginawa kong enerhiya at doon narinig kong may sumabog kung saan. Narinig ko din may pumapalakpak kaya agad kong inalis ang piring. At laking gulat ko na yung tagapagsanay pala ang natamaan ko habang pinapalibutan ito ng kulay dilaw na enerhiya bilang shield.

"Isang ang masasabi ko Ulitin mo!"sigaw nito Kaya napayuko ako.

STRENGTH AND ENDURANCE TRAINING

21

22

23

24

25

26

27

28

EPIC 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon