EPIC5 PAGE 8

775 34 0
                                    

eto nanga ang pinakahihintay ng lahat ang fourth quarter examination.

"ok class finals na ito dapat galingan niyo"sabi ng aming adviser sabay lapag ng mga testpaper sa aming table "bibigyan ko kayo ng tips sa pag papa clearance, dapat tapos niyo na yung mga requirements niyo para hindi kayo mahirapan."dagdag pa ng aming adviser

"this will be done exactly 9:00 AM so mahaba haba na iyon para sagutin niyo iyan testpaper"

at doon ay sinimulan nanaming magsagot. May kahirapan din itong exam namin pero hindi ito ang dahilan para hulaan at bilog bilugan ko nalang ang mga sagot, para saakin ang pagsusulit ay maihahalintulad mo saiyong pag dedisiyon o pagpapasya sa buhay kailangan mong pag-isipan ng mabuti upang hindi ka magsisi saiyong pasiya/sagot.

tumingin ako kay Aoi at tapos na niya ito, bilib talaga ako kay mareng Aoi jusko! sana ganun din ako katalino yung isang tingin  mo palang sa isang tanong eh alam mo na agad yung sagot. Samantala yung mga ibang ka klase ko ay still hoping for answers sa katabi nila yung iba nagbubulungan yung iba tingin sa kanan at kaliwa yung isa naman todo takip ang mokong sa testpaper niya eh kokopya din pala. Nakaka tawa silang tignan buti nalang busy si Sir sa pagpindot ng laptop niya kung nakita niya itong pinaggagawa nila HULICAM sila, ako naman heto din still hoping for answer charooot! duh! tapos ko na kanina pa kaya.

"Ok class finish o not finish pass all the testpaper it's already 9:00 AM"sabi ng aming adviser at doon ay pinasa nanamin ang aming teastpaper, kinakabahan ako sa magiging resulta nito pero huwag akong maging nega dapat be positive baka mamaya perfect ko charot!

agad naman kaming lumabas ng classroom dahil Health break muna namin, agad naman kaming nagtungo ni Aoi sa Canteen upang bumuli ng pagkain. "hayyz ang dali ng exam"sabi ni Aoi sabay lapag ng tray niya sa lamesa

"gaga siyempre ang talino mo! pang Albert Einstein level yung brain mo isama mo narin yung mga ibang greek scientist"sagot ko naman sabay subo ng french fries na binili ko

"ito naman stock knowledge lang iyan, by the way kumusta ang pagiging Super Hero mo? may linigtas kananaman ba?"tanong nito saakin at umiling lang ako bilang sagot

"ehh nung martes akala ko rinirape yung babae bwesit siya naman yung nang ra-rape"natatawa kong wika

TAWANAN

pagkatapos naming kumain ni Aoi ay bumalik na kami saaming classroom para mag take ng exam ulit at hanggang sa kinabukasan nito ay nag nag-exam nanaman kami para sa huling araw ng examination. Mahirap man yung mga katanungan ngunit hindi parin ako nagpatinag basta ginawa ko ang best ko para masagutan ng tama ang mga katanungan saaking test paper.




ARAW NG LUNES

"So eto ang naging resulta ng inyong examination noong last week, may mga mababang scores may mga mataas naman"sabi ng aming adviser kaya kinabahan ako ng husto baka isa ako sa mga mabababa ang scores

1) AOI YUKI
MATHEMATICS- 100
SCIENCE- 100
HISTORY- 100
JAPANESE KANJI SET 1-10 - 99
LANGUAGE CLASS (ENGLISH)- 98

2) CHOJI HIWA
MATHEMATICS- 95
SCIENCE- 89
HISTORY- 97
JAPANESE KANJI SET 1-10- 75
LANGUAGE CLASS (ENGLISH)- 92

3) NERO UEDA
MATHEMATICS- 94
SCIENCE- 88
HISTORY- 95
JAPANESE KANJI 1-10 - 89
LANGUAGE CLASS (ENGLISH)- 90

"So sila ang top 3 na naka kuha ng mataas na scores and the rest wala mabababa na pero ok lang atleast you do your best and sa mga top 3 naman congrats keep it up"sabi ng aming advisers habang ako ay tulala at hindi makapaniwala

"halla siya nakapasok kalang sa top 3 tulala na Nero huy!"entrada ni Aoi dahilan para matawa ako

"NAKA PASA AKO!!!!" pagsisigaw ko sabay talon talon palabas. Hindi ko inaasahan ang pangyayari ang buong akala ko ay bagsak ako yes! thanks lord woo hoo! ang aking paghihirap ay namunga ng maganda.

bumalik ako sa loob ng classroom na bitbit ang abot tengang ngiti dahil sa saya parang lalabas ang puso ko sa tuwa parang nananaginip lang ako.

"Inaaaaay! aaaaaah!!!"pagsisigaw ko samay gate namin kaya naman agad lumabas si ina sa bahay at kitang-kita ang pagaalala nito "bakit? anong nangyari? ha? napano ka? nakupapatayin mo ako sa kaba " pag aalalang tanong nito saakin sabay tingin sa katawan ko kung may sugat

"nay! wala akong sugat! ano vah!"sabi ko sabay alis yung kamay niya sa katawan ko

"ehh ano? bakit ka sumisigaw?"nagaalalang tanong ni ina

"nay......NAKAPASOK AKO SA TOP 3!!!"sigaw ko dahilan para mag seryoso ang muka ni ina

"seryoso ka? wala biro?"tanong nito saakin at tumango lang ako "AAAAAAH!! SATOSHI! ANG ANAK NATIN NAKAPASOK SA TOP 3!"biglang sigaw ni inay at nangiwi nalang ako

[ W/N: yung subjects nila nero gawa-gawa ko lang iyon hindi ko kasi alam yung subjects sa japan kaya gumawa nalang ako ng sariling subjects nila haha]

EPIC 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon