EPIC5 PAGE 5

1.1K 49 2
                                    

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at biglang bumungad si Inay na alalang-alala. Nakahawak siya saaking kaliwang kamay, ngunit noong makita niya akong naka mulat na ay biglang gumuhit ang ngiti sakaniyang labi "Satoshi! Satoshi ang anak natin gising na"masayang wika ni Inay habang tinatawag si Ama

"tawagan mo yung doktor gising na siya"sabi ni inay at dali-daling lumabas si Itay upang tumawag ng doktor

Wala akong natatandaan kaya pilit kong iniisip ngunit sumasakit ang aking ulo kaya masmabuting huwag ko munang alalahanin ang mga pangyayari.

" sa ngayon medyo maayos naman na ang lagay ng anak niyo kunting pahinga nalang ay madidischarge na siya kaya no worries"sabi ng doctor habang sinusuri ang aking lagay

"si-sino kayo? sino ako?"tanong ko sakanila dahilan para tumingin sila saakin

" Ijo huwag kang OA dahil nakita namin kanina sa x-ray na  walang damage ang utak mo kaya wala kang amsnesia at isa itong miracle dahil nabuhay kapa kahit natamaan kana ng kidlat kasi nasa 1 percent lang ang nakaka survive na tao kapag natamaan ito ng kidlat "sabi ng doctor habang nakangiti saakin

"doc naman panira triip! ka talaga noh?"

TAWANAN.

Ilang araw ang lumipas at tuluyan nanga akong gumaling pakiramdam ko nga magmula noong natamaan ako ng kidlat ay parang mas lumakas pa ako at mas naging energetic. Masasabi ko ding second life nadin ito at nagpapasalamat ako sa diyos dahil binigyan pa ako ng pagkakataong mabuhay sa mundong ibabaw ayaw ko pang machugi waley pa fafa bagetz huhuhu

magmula noong nalaman ng aming mga guro ang pag-akyat namin ni Aoi sa tuktok ng Bundok ay ipinag sabi na sa mga pulis na bawal nang umakyat sa taas ng bundok lalo na't delikado ito.

"Ne-nero h-hintay naman please hindi kapa pagod halos naikot nanatin ang buong bayan ah! wala kabang balak mag pahinga"hingal na hingal na reklamo ni Aoi at pagewang-gewang na ang pag joging nito

"huh? napagod kana niyan naku kulang pa kailangan natin mag joging leezz goo"sabi ko sabay jogging ng mabilis ewan ko feeling ko hindi pa ako napapagod at energetic ako huh

kanina pa ako talon ng talon habang nag jojoging samantalang si Aoi ayun! parang asong ulol na lumalabas na ang dila dala ng pagod kaya napag desisyonan naming mag pahinga muna sa parke at bumili ng maiinom para pawiin ang kaniyang pagod.

"ohh dahan-dahan lang sis baka mamaya mabulunan ka huminga ka naman uy!"sabi ko kay Aoi habang hingal na hingal itong umiinom hindi ko alam kung may pake siya sa sinasabi ko o wala basta lagok kung lagok.

"grabe ka Nero sa susunod hindi na tayo mag jojoging ayaw ko na namamaga na itong mga muscles sa paa ko dahil sa walang tigil ng pagtakbo"reklamo nito ako naman ay nangiti lang ng pilit

habang sa ganoong pag-uusap namin ay biglang may suigaw na babae sa kalayuan at humihingi ito ng tulong dahil tinangay ng mga Holdaper ang kaniyang pitaka. Kusang tumayo ang aking mga paa at mabilis ang takbo nito hanggang sa pabilis ng pabilis ang aking takbo na animo'y sumasabay ako sa hangin sa bilis ng aking takbo. Umilaw ng kulay puti ang aking buong katawan at doon at mas bumilis pa ang aking takbo na parang sing bilis ni Flash.

Nang maabutan ko ang mga nanguha sa bag ng babae ay agad kong hinila ang kanilang sasakiyang motorsiklo dahilan para tumigil ito sa pagtakbo, tumingin sila saakin at patuloy parin ang pagliwanag ng aking katawan "akin yung pitaka"sabi ko sabay abot ng kamay ko upang kunin ito

"umalis kana nga diyan panira ka eh! sige na"sabi ng naka mask "ohh eto 300 para umalis kana bata"dagdag pa nito sabay dampot ng pera sa pitaka, umiling naman ako dahil alam kong mali iyon, nang bigla nalang may lumabas na electric park sa dalawa kong  kamay dahilan para magulat ang dalawang holdaper "oh oh eto bata sayo na lahat!"natatarantang wika ng lalaking naka mask sabay hagis saakin ang ninakaw nilang pitaka at doon ay dalidali silang umalis.

Labis akong nabigla sa Pangyayari pati ang mga taong naglalakad ay napatigil dahil sa nakita nila

"nakita mo yun? besh may powers siya" 

"halla! may super natural ability si kuya!"

"Diba iyan yung anak ni Mang Satoshi parang hindi sila magkamuka baka anak siya ng maligno kaya may ganoong kakayahan siya?"

ayan ang mga maririnig na bulungan sa paligid, may mga negatibo at pag kamangha silang komento ngunit ako hindi ko nalang sila pinansin pa dalidali akong tumakbo kung saan upang makatakas sa walang hanggang chismisan nila.

EPIC 5Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon